Day 060

61.4K 1.5K 146
                                    

1:09 PM

Claudine: Wew! I forgot to delete our conversation yesterday that's why nabasa ni Lyka. Ang tanga ko. I'm very sorry.
seen 2:45 pm

3:06 PM

Claudine: Kasalanan ko okay, hindi ako galit sayo dahil masasakit ang sinabi ni Lyka and again, i'm sorry.

Claudine: You know exactly to yourself na hindi talaga totoo ang sinabi niya. Iniinis ka lang niya pero baliktarin mo man ang sitwasyon, magagalit ka rin naman diba? Pero kasalanan ko talaga ang lahat.

8:01 PM

Russel: Kasalanan ko talaga, wag kang magsorry

Russel: Ako ang dapat magsorry

8:21 PM

Claudine: Just wait for a while, i'll chat you later, may tatapusin lang ako.

Russel: Wag nalang muna, mahina ang signal sa pupuntahan namin. Sasanayin ko nalang ang sarili ko na hindi magchat sayo

Russel: Maigi na rin na tigilan na kita pero hindi ako sure. Kakayanin ko nalang

8:36 PM

Russel: This will be my last chat. Ngayon palang mamimiss na kita, delete mo na ang convo, sorry kung nag away pa kayo ng dahil sakin

9:02 PM

Claudine: Sorry din ah. Hindi kita masisisi pero isa lang ang masasabi ko, I do like you having a chat with me. I like your sweetness. I'm gonna miss you.

Claudine: Honestly, super malulungkot talaga ako promise. Simpleng away lang naman to pero magiging okay na kami.

Claudine: Hindi ka nakakasagabal samin actually. Hindi na kita sinasaway pag sweet ka sakin. Baka next time mag away na naman kayo pag nagkamali ang isa satin. Aminado naman ako na talagang enjoy akong kachat ka kaya minsan gusto ko na agad mag gabi.

9:20 PM

Claudine: Hindi kita masisisi kung hindi kana magchachat sakin. Pero hindi mo talaga masisisi din si Lyka sana maintindihan mo din siya. May pagkaselosa pa siya at may karapatan siyang magselos.

Claudine: Ako talaga ang may kasalanan. Aral maigi ah. Paka tino at wag muna mag boyfriend para hindi makasagabal sa pag aaral.

9:25 PM

Russel: Sige, naiintindihan ko :((

Russel: Hindi na masakit ang sinabi niya. Nawala na dahil naisip ko na hindi naman totoo ang lahat. Sorry kung nakagulo ako sa relasyon niyo

Claudine: That will be okay. Mamimiss talaga kita.

Russel: Chat muna tayo

Claudine: Ano? Potek!!

Russel: Bakit galit ka?

Claudine: Akala ko ba hindi ka na magchachat?

Russel: Binabawi ko na

Claudine: Hay naku!

Russel: Bakit nagalit ka? It means, hindi totoo ang mga sinabi mo sakin?

Claudine: Hindi sa ganun! Nag effort akong magdrama dahil akala ko ito na ang huli nating pagchachat.

Russel: Hindi mo naman ako sinisisi diba?

Claudine: Ewan ko sayo!

Russel: Sabi mo mamimiss mo ako?

Claudine: Binabawi ko na. Pano kita maminiss kung balik tayo sa dati?

Russel: Okay lang hindi mo ako mamiss. Ayoko kasing mamiss kita kaya naisip ko na makipag ayos nalang kaysa malungkot ako

Russel: Nalaman kong hindi na ako iba sayo kaya nanghinayang ako

Claudine: Kung alam ko lang na ganito sana next month na ako humingi ng sorry.

Russel: Eh pagkachat kita masaya ako tsaka matatagalan akong hindi makakapagchat sayo. Thanks ah. Kahit kasalanan ko, hindi ka nagalit sakin

Russel: Hanggang bukas pa ako makakapagchat sayo

Claudine: Dahil sa nangyari, every other day ichecheck ni Lyka tong fb ko. Pumayag na ako dahil kasalanan ko. Sakto lang yang bakasyon mo.

Russel: Mamimiss kita

Claudine: Di baling sweet ka pero hanggang doon nalang talaga tayo.

Russel: Salamat, i love you hon

Claudine: Sige bukas uli, gabi ka magchat

Russel: Andiyan naman si Marjorie para makausap

Claudine: Goodnight.
seen 9:46 pm

11:21 PM

Russel: Tumambay nuna kani sa kabas sagkit. Goodnigy

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon