Day 330

19.2K 657 40
                                    

Thursday 11:58 AM

Claudine: Naka online ka kanina. Bakit hindi ka magchat?

1:03 PM

Claudine: 7pm tinawagan ako ni Ate Paulina. "Hello Ate." Alam ko naman na mangangamusta lang siya. Nakahiga ako sa Japanese style sleeping bed ko. O sleeping bed nga bang matatawag 'to. Ang tigas eh kahit makapal. Sanay ako sa parang tubig ang hinihigaan ko. Parang excited akong kausapin si Ate Pau.

"Kamusta? Kanina pa kita gustong tawagan. Nag-apply ka na ba? Huwag kang mag-aksaya ng oras diyan ah. Mahalaga ang oras." Ayan na naman siya.

"Nag-apply na po ako. Start na ako bukas."

"Talaga? Sabi ko na nga ba eh." Alam ko naman na pinagdasal niya ako. Haay may miracle bang nangyari? "Pero mukhang nalimutan mo 'yung diploma mo. Kaya pinagdasal kita. Kung kailangan mo, balikan mo nalang. Hindi pwedeng kulang ang requirements mo."

"Start na nga po ako 'diba? Kung ipakuha, saka ko nalang kukunin. Mukhang may miracle ngang nangyari Ate. Ewan."

"Praise God. Lagi Niya akong pinagbibigyan."

Huminga ako ng malalim. "Hindi ko nga alam kung ano ang mangyayari bukas."

"Basta, gawin mo ang dapat. Hindi lang ang bawat utos. Tandaan ang sampung utos ng Diyos. Kung ayaw mong gumawa ng mabuti, miski man lang ilan sa mga utos, sundin mo. Tandaan mong hindi lang literal na sampung utos ang susundin mo. Sampu ng mga utos Niya. Baka naman manloko ka ng babae. Saktan ang damdamin nila. Palibhasa, wala sa listahan ng sampung utos, gagawin mo na. Sampu ng mga utos ng Diyos ah. Hindi literal na basta sampu lang. Sa ugali mong 'yan, hindi malayong magkaroon ka ng kaaway. Galangin ang nakakataas sa'yo. Hindi lahat ng tao--kagaya mo na tinuturing na kalevel lang ang mga kasambahay. May taong mataas talaga ang ugali. At isa sa mga utos ng Diyos.. kung may tupa ng kaaway mo ang naligaw sa bakuran mo, ibalik mo ito sa totoong may ari. Kaaway mo man siya. Alam mo na ang ibig sabihin niyan. Mahalin ang kaaway dahil kaaya-aya sa paningin ng Diyos kung gagawin mo 'yun. Huwag mo nang isipin ang pride mo na natatapakan nila dahil mas mahalaga ang matuwa sa'yo ang Diyos kaysa mapahiya sa mga tao. Sana sundin mo ako, RM."

Iiwas nalang ako sa gulo. Magpapanggap na nga lang ako, lulubos lubusin ko na. Sampung utos ng Diyos. Ika labing isa, bawal magkalat. Ikaw labing dalawa, bawal manigarilyo matapos kumain. Ika labing tatlo, bawal magtext pag nagdadrive. Ika fourteen, bawal manghalik ng babaeng hindi ka mahal. Ika labing lima, bawal makipag holding hands sa kapwa lalaki pero pag babae pwede, kahit sa kapwa babae pa. Ika sixteen, bawal magreklamo. Ika labing pito, bawal sumipol kung may sexy na nakita. Ikaw labing walo, bawal magsuot ng sexy. Ikaw labing siyam, bawal magpakasal sa taong hindi mo mahal. Ika twenty, gumawa ng mabuti at ka-aya aya sa paningin ng Diyos. Sa makatuwid. Isa lang talaga ang utos ng Diyos. 'Yun ay ang ikaw twenty. Laging sinasabi sa'kin ni Ate Paulina noon na kaya ng Diyos na alisin ang lahat sa'yo sa isang iglap lang kaya kailangang huwag maliitin ang taong mas maliit sa'yo. Naranasan na niya kasing makasaksi ng ganung pangyayari. Isang taong mapagmataas dahil maraming pera. Kaya medyo wala na sa ayos ang pagsasalita. Nalimutan niyang ang negosyo niya ay pwedeng mawala dahil nangungupahan lang siya. Naisip ng may ari na paalisin siya dahil ibebenta ang pwesto. Sa isang iglap, naghirap ang taong mapagmataas. Kaya matakot tayo sa Diyos. Maging mapagkumbaba anytime. Well, saksi kasi si Ate Paulina sa mga pangyayari sa paligid. Maswerte din siya dahil pinapakita sa kaniya ng Diyos ang pagdisiplina sa iba para ibahagi niya sa'kin o sa iba. Hindi kaya saksi din ako? Hindi ko lang mahalata?

The day after. Let me see what will happen. Inagahan ko ang pagpasok para walang masabi si Ken na 'yun. Akala ko, mahirap kausapin ang kagaya niya kaya galit ako sa mga katulad niya. Nagkamali ako. Sa office niya ang punta ko pero sasakay palang ako ng elevator ay napansin ko siyang bigla. Siya 'yun, kilala ko siya. Naglalakad. Sinundan ko dahil alam kong papunta na siya ng office. Ang bilis niyang maglakad. Napansin kong panay ang bati sa kaniya. Nakakainggit. Ngayon ko napag-isip isip na ganun din sana ako kung naging matino lang ako. Mas higit pa sa kaniya. Lumapit ako pero hindi muna ako nagpahalata. Nakarating kami sa fourth floor. Hanggang malapit na sa office niya. Konti nalang ang tao. Hindi ako magpahalata. Tinakpan ko ang dalawang mata niya ng kamay ko. Magagalit kaya siya? Tumigil siya sa paglalakad pero hindi niya tinatanggal ang kamay ko. "Who's this? Who are you?" Tanong niya pero hindi siya gumagalaw.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon