Day 319

23.1K 599 22
                                    

1:01 AM

Russel: Matutulog na ako. Maaga kaming aalis bukas

Claudine: Sige, matutulog na din ako, merry Christmas uli. Ang saya ko ngayon.

Russel: Saan ka masaya, sa pagkikita natin o dahil pasko?

Claudine: Makabintang ka na naman ah. Kung hindi tayo magkausap ngayon o hindi tayo nagkita, malamang malungkot ako.

Russel: Oo na. Sorry nga lang uli dahil ewan nabitin ka yata. Hanggang 8pm lang ako. Next time babawi ako

Claudine: Hindi naman. Grabe ka wifey. Alam ko naman na hindi ka pwedeng sobrang gabi. Ayaw lang kitang pauwiin baka isipin mong ayaw na kitang kasama.

Russel: Nabitin ako hihi sige next time sana may time tayo na mas mahaba pa. I love you asawa ko, bukas nalang uli. Tatawagan kita ah

Claudine: Pag hindi ko masagot it means hindi ko alam. Baka magalit ka. Not all the time I bring my phone with me. Pero sige, aabangan ko anytime anywhere para masagot ko.

Seen 7:01 AM

Russel: Good morning hon. Mamaya na kita tatawagan

Seen 11:04 AM

9:04 PM

Russel: Sorry

Claudine: Okay na, don't worry, everything was okay.

Russel: Sorry parin kung ganito ako. Pinipilit ko naman na maging okay sa paningin mo eh. Maging mature, pero hindi ko maiwasan na maging isip bata

Claudine: Tawagan mo na nga lang uli ako.

Russel: Hindi ako pwedeng makipag usap ngayon

Claudine: Alam ko nang mangyayari to. Pinaghandaan ko na ang lahat. Simula nang mahalin kita, alam ko ang magiging resulta. Hindi ako yung taong basta basta nalang papasok bigla ng hindi alam ang gagawin. Alam ko ang sitwasyon kaya okay lang. Naiintindihan ko kaya wala kang dapat ihingi ng pasensya.

Russel: Thanks, kasi naman eh. Ngayon lang ako pinayagan dahil pasko, pinapauwi mo pa ako ng maaga

Claudine: Maigi na yung sure. Hindi pwedeng madalas para safe. May ibang araw pa naman. Tapos wag mo nang ulitin na lumakad mag isa. Hindi kita susundan kung hindi kita mahal kaya isaksak mo sa kokote mo na may dahilan ang lahat. Tapos yang tsinelas mo, binato mo pa sa bubong. Ang mahal mahal niyan. Pera ng magulang mo ang ginamit diyan kaya sana mag isip ka muna bago mo gawin ang isang bagay.

Russel: Hmp! Binigay lang kay mama yun ng kapit bahay nila sa ibang bansa kasi hindi nagagamit

Seen 9:15 PM

Claudine is typing ....

Seen 9:15 PM

Claudine is typing ....

Seen 9:15 PM

Claudine: Kahit na. Pera parin ang ginamit para mabili yan. Basta masama ang magsayang ng bagay, pera o pagkain.

Russel: Medyo naisip ko na ngang mali eh. Eeeh kasi naman eh gusto pa kitang makasama kaya feeling ko baliwala ako kasi baka gagala pa kayo

Claudine: Hindi ah. As I've said, uuwi ako dahil susunod ako sa utos mo. Dahil gusto kitang sundin. Masaya ako dun. Haaay buti kaya kong makaakyat sa bubong ng hindi nahahalata nung may ari. Kung hindi.. nakakahiya.

Russel: Sorry kasi may girlfriend kang kagaya ko :(

Claudine: Pinaghandaan ko na ang mga posibleng mangyayari at mangyayari pa. Hindi dahilan yun para hindi kita mahalin. Kaya wag ka nang mangamba, okay?

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon