Day 300

33.9K 865 91
                                    

6:09 AM

Russel: Good morning asawa ko hihi wife mo ako ah i love you. Kaen tayo. Parang gusto kong gumawa ng story. Isip ako ng isip sa story mo kasi. Judgmental ang mga tao. Gagawa ako ng story. SPG siya.

6:45 AM

Russel: Pasok na ako, bye! *Yakap* i love you asawa ko

10:56 AM

Claudine: Sweet naman. I love you too wifey ζ*'ヮ')ζ

Claudine: Aral maigi ah. Marami pa tayong oras. Hindi lang mamaya o bukas. Wag mo akong isipin dahil hindi ako magbabago. Even nasa isipan kita lagi. Magkaiba yun dahil trabaho lang at ikaw ang laman ng isip ko. Walang pressure. Unlike you. You need the high grades. I love you.

12:55 PM

Claudine: Gumising ako ng maaga. Hindi ako kailangan sa office kaya anytime pwede kong ibahin ang schedule ko or kahit anong oras akong pumasok pwede. Sa makatuwid, hawak ko ang oras ko. Walang pressure sa lahat ng bagay. Walang problema. Nasalubong ko si Mommy. "Mommy, bakit andito ka? Ang aga aga."

"May bisita ka."

So, I smiled. Kilala ko na kung sino. Ang pamangkin ng kumare niya. Si Jordan. Ang pinaka dabest sa lahat ng manliligaw ko. "Aga naman." Kinilig pa ako. Oh no! He's quite handsome, quite rich, quite humble and sa lahat lahat ng babae sa mundo, ako ang gusto niya. Ilang araw pa lang naman siyang nanliligaw. Siya na agad ang napili ko. Kailangan eh. Hindi pwedeng nakatunganga lang ako. Kailangan kong mahanap ang taong magpapasaya sa'kin.

"Sige, puntahan mo muna siya para mabawasan ang pagkainip. Goodluck!"

Bumaba ako. Nakita ko agad siya. Napatigil ako sa hagdan saglit at sinuklay ng kamay ko ang sarili kong buhok. Dahan dahan akong lumapit. "Hi!" I greeted him then tumayo siya.

"Hello." Makapal ang boses niya. Iba ang dating sa lahat ng mga manliligaw ko. Siya na nga siguro talaga ang lalaking para sa'kin.

"Just stay there and wait for me for a short while." Hindi naman ako lumapit sa kaniya. "Sit down." I follow then umupo siya. Nginitian ko na lang siya. Iisa lang naman ang gusto ng mga manliligaw ko sa ganitong oras. Ihahatid nila ako sa office. Si Mommy ang kinakausap nila bago sila pumunta sa'kin dahil required 'yun. Parang nag-aapply ng trabaho at si Mommy ang secretary ko. Si Mommy ang nagseset ng date dahil masyadong maraming gustong manligaw. Hindi pwedeng iba, kailangan si Mommy. Si Mommy ang nag-iinterview saglit kung pwede ba siyang manligaw sa'kin. But now, sinama na talaga ni Mommy si Jordan. Sobrang botong boto kasi siya dito. Mula nang manligaw si Jordan, wala na siyang tinanggap pang iba kaya alam ko na agad kung sino ang naging bisita ko ngayon. Ito ang unang araw na ihahatid niya ako.

After a while ay tapos na akong mag-ayos sa sarili. And now, ready na ako. Dala ko ang maliit kong bag na nakasabit sa braso ko. "Shall we?" Sabi ko ng nakaready na ang lahat.

"Okay. If you're ready."

"Let's go." Hindi nawawala ang ngiti ko sa labi. Sumakay kami sa kotse niya. Hindi ko siya sasagutin para may tagahatid ako o para magkaroon ng gwapong boyfriend. Sasagutin ko siya para sumaya ako. Payo nga naman ni Mommy na magtry ako kaso wala akong mapili. So, eto na 'yun. Napili ko na siya.

"Basta ipatawag mo lang ako pag kailangan mo ako. You need a man for you to be with. Alalay." Ngumiti din siya.

"I don't wanna have a boyfriend like alalay. Mas gusto ko ngang ako ang alalay. I'm so bored kung asikaso na ako tapos aasikasuhin pa." Nakangiti siya sa'kin habang nagsasalita ako. Umaandar ang kotse. May driver kami kaya wala kaming gagawin kundi mag-usap lang. "I want something different."

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon