Day 338

18.2K 492 25
                                    

Friday at 6:45 AM

Russel: Happy friday. I miss you

11:03 AM

Claudine: I miss you too.

1:23 PM

Claudine: Day 15 as an employee. Nakapwesto na agad kami sa dadaanan ni Ken. Nakahover board pa ako. Hanggang sa nagkita na nga kami. "Ano, okay ba?" Tanong sa'kin ni Ken habang naglalakad. Kasama ko si Jerry. Nakangiti kami sa kaniya. Sinabayan ko siya habang naglalakad. Tumingin siya sa'kin. "Nasaan na 'yung isa?" Tanong niya. 'Yung isang hover board yata ang tinutukoy. Magsasalita palang ako pero inunahan na niya ako. "Bawiin mo kay Maico 'yun ah. Bawal sa kaniya." Alam naman pala niya.

"Pero sa'kin pwede?" Hinarangan ko ang daanan niya.

"Alis!" Utos niya pero hindi ako umaalis. Ngayon pang naging malapit ang loob ko sa kaniya. Kasalanan niya kasi 'yun eh, inispoil niya ako. Hindi ako umaalis pero medyo umatras ako. Lumapit siya and oh my, hinawakan niya ang dibdib ko para bahagya akong tulakin. "Sabing alis sa harap ko, dadaan ako." Halos pabulong lang niyang sabihin 'yun.

Nagbigay tuloy ako ng daan. "Ayaw ng kasama ko. Hindi sila marunong." Sabi ko. "Nakakahiya naman na iuwi nila 'yun para ibigay sa kapatid o kamag-anak nila." This time sabay na naman kami. Tumigil siya kaya napatigil din ako.

"Para sa'yo 'yan. Wala na akong paki kung ipamigay mo!" Tinuloy niya ang paglalakad.

"Pasalamat ka.."

"Pasalamat ako ano?!" Tumigil na naman siya.

"Wala. Sabi ko, pasalamat ka maganda ka dahil kung hindi.."

"Paano nga kung hindi?" Napansin ko lang na binibigay niya talaga ang atensyon niya sa'kin.

"Feeling ko istorbo ka." Kumunot ang noo niya na parang sinasabing 'Kasalanan ko pa?' Pero inunahan ko na siya. "Nagbibiro lang. Sige na, back to work na ako. Salamat sa hover board. Magiging masaya ang maghapon ko."

Hindi na siya nangatwiran. Umalis na siya. Hindi ko na siya hinabol. Sobra ang saya ko. Oras na umabot sa dalawang buwan nang hindi kami nagbabago, aaminin ko na ang buong pagkatao ko. May naipundar na kaming closeness kaya tingin ko naman, pwedeng ituloy namin 'yun. Pero bakit ba ako umaasa na mapapang-asawa ko siya? Hindi ko pa nga siya lubos na kilala. Una, hindi ko alam kung may boyfriend siya. Kung meron man, bakit hindi niya kasama o hindi nababalita? Pwedeng ipagtanong ko pero ayokong malaman. Baka mamaya meron pala tapos masaktan ako. Siguro nga gusto ko na siya. Tanging opinyon lang naman ang sinabi ni Ate Paulina. Hindi naman daw nadadaan sa itsura ang ibang babae. Minsan kung sino pa ang pinaka hindi napapansinin sa grupo ng mga lalaking magkakatropa, siya pa ang papansinin ng pinakamagandang kaibigan nila sa kabilang babaeng magtotropa. Hindi ko maintindihan 'yun. Bakit ganun? Pero dahil daw 'yun sa ayaw ng babae na may kaagaw siya. Hindi ko talaga maintindihan. Ganun din ba sa mga lalaki? Sa'min kasi, first come first serve, first in and first out. Walang forever. Dumating si Leni sa area namin. "Tawag kayo ni Danilo."

Mukhang may iuutos na naman si Mokong. Si Leni kaya ang tanungin ko? Mamaya na. Hindi ito ang oras. Napansin ko si Danilo, kasama ang iba. Tumingin siya sa'kin. Wala siyang magawa ng makita niya ang gamit kong hover board. "Ayusin mo ang trabaho ah." Paalala niya. Parang tunay na concern talaga siya sa posisyon niya. Nakakapikon tuloy.

"Nakita mo bang hindi ako nasa-ayos pag nagtatrabaho?" Sabi ko tapos napatingin sa'kin si Leni na tila sinasaway ako. Pwes hindi ako natatakot kay Danilo.

Napailing lang at tinitigan niya ako. "Umakyat kayo sa taas. Sabihin niyo kay Mr. Silva, pinadala ko kayo dito. Huwag mo munang dalhin 'yang hover board, baka pagalitan ako."

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon