Day 328

18K 508 37
                                    

6:45 AM

Russel: Papasok na ako. Update ka ah. I love you

12:01 PM

Claudine: I'll try kaso hindi ako sure kung kaya kong tapusin to. Baka mamayang gabi na yung karugtong. I love you wifey.

5:03 PM

Russel: Wala? Sige mamaya nalang.

Russel: Naiinis ako noon kasi matagal kang magreply kahit hindi pa tayo. Pero ngayong tayo na, narealize ko na mas maiging wag kang ipressure sa pagchachat mo sakin kasi naexperience kong ipressure dahil matagal akong magchat. Nakakainis dahil mag aaway kayo ng walang dahilan hanggang mauwi sa break ng walang kakwenta kwenta talaga dahil hahaba ang away dahil lang sa hindi nakapagchat ng mabilis.

Russel: Naalala ko yung classmate ko dahil humingi siya ng advice sakin. Binabaliwala na daw siya ng boyfriend niya. Malaman laman ko ang story nila. Naiinis pala siya dahil matagal magreply yung boyfriend niya. Akala ko naman aping api siya. Naisip ko nung nangyari sakin yun, hiwalayan nalang siya para mawalan na ako ng problema dahil kailangan kong magchat ng may oras pa. Yung friend ko naman, imbes maawa ako, kahit hindi ko nakikita yung ex niya, yung ex niya ang kinampian ko

Russel: Naikwento ko lang sayo kasi parang naiinis ako pag hindi ka agad ng chat. Miss na miss na kasi kita. At dahil sa naiintindihan ko ang pakiramdam ng isang pinepressure sa chat, hindi kita pinipilit dahil baka mainis ka sakin

Russel: Dapat lang na wala tayong pressure sa isat isa. Ang mahalaga, we trust each other. Ikaw na talaga ang perfect for me kasi baka sa iba, hindi kami maging ganito. Haaaay namiss lang kita

Russel: Kaya kagabi mas pinili ko nalang na intindihin ka. Pero nainis ako kasi wala ka agad reply but then I realize that my past helps me to communicate what's happening now. Plus marami kang alam na napepredict ko na ang sasabihin mo kaya maaalala ko nalang na mali na magalit ako kung hindi ka agad nagchat. Parang natandaan ko lahat ng mga sinabi mo kaya nagiging okay akong bigla.

Russel: Kanina lang kasi ako nag advice sa classmate ko dahil naranasan ko yung naranasan ng bf niya haha

Russel: Chat mo ako mamaya ah. I love you asawa ko

7:03 PM

Claudine: Good girl. Actually, nakaready na ako sa posibleng mangyayari kaya kung sakaling ipressure mo ako sa chat, 999 percent of patience I have inside. But since mas malawak ka nang umunawa ngayon, daig mo pa ang ex ko. Salamat. Ayokong ikumpara ka sa kaniya pero medyo lang naman na masaya ako dahil sa chat mo.

Claudine: One more, nakakainis ka kasi parang baliwala lang sayo kung matagal ako minsan magreply hahaha pero to be honest, iniintidi kita kung hindi mo ako machat kahit sobrang inip na inip na ako. Huwag lang tayong mag away. XD XD cause I love you.
seen 7:04 pm

8:09 PM

Claudine: Wifey? Binabawi ko na yung 999 percent of patience ko.

8:20 PM

Claudine: Y?

9:03 PM

Russel: Asawa ko sorry talaga. Sobrang kinabahan ako kanina kasi nakagat ako ng pusa. Hindi ko naman kasi alam na magagalit yung nanay pag kinuha ko yung anak niya. Napainjection na ako. Kinakabahan kasi ako kaya matagal ko pa bago sinabi kay papa. Sorry talaga.

Claudine: Oh my. Okay ka na? Magagalit talaga yun kasi akala niya sasaktan mo ang anak niya.

Claudine: Matutulog ka na ba?

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon