Day 332

20.7K 683 129
                                    

8:03 AM

Russel: Good morning. Mamaya na ako magchachat ah. I love you hon!

Claudine: Okay wifey <3

2:03 PM

Claudine: Day 3 sa pagiging empleyado. Maganda ang gising ko. Nagsindi ako ng maliit na kandila bago ako maligo. Wala naman akong pagkain ngayon. Ayoko namang bumili sa gabi at kainin sa umaga. I don't wanna eat lapse foods. Iba talaga pag nag-iisa. Handa ako sa lahat. Handa akong magutom unlike kung may kasama ako. Malate lang ng isang minuto ang pagkain ko, nag-aaway na kami ng kasambahay. Nakatingin ako sa kandila habang nakangiti. Ngayon ko lang napagtanto na hindi dapat maging malungkot sa araw ng birthday. Lungkot sa tuwing kaarawan ko ang tumutukso sa'kin para gumawa ng kalokohan. Kung tiniis ko ang lahat lahat ng lungkot na wala ang Parents ko, baka maayos ang buhay ko ngayon. Parang si Ken. Isa-isa nang nagtext ang lahat para batiin ako. Tumawag na naman si Ate Paulina. "Hello." Tinatamad pa akong magsalita. My voice is very baritone.

"Happy Birthday. Sana maging masaya ka."

"Well Ate, I'm happy."

"Talaga lang ah. Try mong dalawin ang Daddy mo. Binati ka na ba niya?"

"Nagtext na."

"Mukhang hindi ka masaya." Huminga ako ng malalim. "Minsan lang dumating ang araw ng kaarawan mo. Kung sana na-andito ka, ipagluluto ko kayo kasama ang tropa mo."

"Ate, I'm okay." Sa dalawang araw ko sa trabaho, nalaman ko ang pagkakaiba ng buhay ko sa kapwa ko empleyado. Sa halip na magalit ako sa mundo dahil wala akong narating, kailangan ko pa palang magpasalamat dahil hindi ko dinadanas ang dinadanas ng mga kasamahan ko ngayon. Hirap sila sa buhay na hindi ko alam kung kaya ko bang ipagpalit ang buhay ko sa kanila para lang maging masaya. Sobrang swerte ko talaga. Kaya siguro inutusan ako ni Daddy na magtrabaho bilang ordinaryong empleyado. Para ipamukha sa'kin ang lahat ng hindi ko alam.

Wala namang masyadong ipinayo si Ate Paulina about my birthday pero ako na mismo ang nakatuklas ng lahat. Medyo may lungkot dahil magtatrabaho ako sa araw na ito. But if I compare myself to the other people, I should be glad. Matapos lang ang dalawang buwan na ito, malamang, marami na akong matututunan kaya magkakaroon na ako ng trabaho sa sarili kong negosyo. Unti unti hanggang sa katulong na ako ni Daddy. Magkaroon ng bagong sariling negosyo na ako mismo ang mag-aalaga like Farmville. After kong maligo ay maliit nalang ang kandila. Ano ba ang wish ko ngayong birthday ko? Magpapakaplastik ba ako o magpapakatotoo? So, before I blew the candle, I say to myself that someday, Kennedy will be my girl. Ngumiti ako. Nagpakatotoo lang. Alam kong rinig ng Diyos pero wala naman akong masamang sinabi. Hinipan ko ang kandila. Bago daw ako magtrabaho, nagsimba ako. So, I went to the church. Wala akong ibang dinasal kundi ang kaligayahan ng lahat ng tao. Very unfair kasi kung swerte na nga akong pinanganak, magiging masaya pa ako tapos ang ibang tao ay puro problema. I wish for the happiness of others. I'm very proud na lumabas ng simbahan. Sana dumaan si Ken tapos makita niya akong nagsimba. Kaso, hindi yata siya dumadaan dito o kung dadaan man, hindi ngayon o hindi matyetyempuhan. Noon, nahihiya akong mag-simba pero ngayon, feeling ko, natutuwa sa'kin ang taong nakakasalubong ko palabas ng simbahan.

Pumasok uli ako. Kung nakikita lang ako ni Ate Paulina, mag-aalala 'yun sigurado dahil hindi pa ako kumakain. Pero 'tong katawan kong 'to manlalambot? Kung 'yung ibang kasama ko nga, nagtitiis ng gutom eh. Hindi nga lang kumpleto ang araw ko kung hindi ko nakikita si Ken. Sa wakas, break time na naman. Nakakapanlambot din 'yung walang almusal. Birthday ko pero para sa'kin regular day lang. Mamayang gabi ko nalang pupuntahan si Daddy at Mommy. "Hi Rose!" Nakita ko na naman 'yung gay. Nginitian ko nalang. Bahala siya sa buhay niya kung Rose ang itawag niya. Nakangiti lang ang kasama niya dahil natatawa din siguro. Siguro alam na nila na si Ken talaga ang naghire sa'kin.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon