Day 312

21.6K 798 58
                                    

Sunday 7:04 AM

Russel: Pwede bang gabi na tayo magkita? Aalis kami ngayon eh. Pwede ako mamayang gabi. Bakasyon na naman. I love you asawa ko

Russel: Galit nga pala ako sayo

Russel: Hindi chinecheck ni mama tong laptop ko maliban nalang kung kasama ko siya. Pero hindi siya nakikialam pag wala ako

Russel: Magpapabili ako skateboard mamaya. Ibibili daw ako ni mama

8:04 AM

Claudine: I'm awake, bakit gabi naman? Sa ibang araw nalang kaya?

10:03 AM

Claudine: Ilang araw ang lumipas. Iniiwasan ko si Jordan dahil plano ko na siyang hiwalayan. Naisip kong hindi ako ready sa pakikipag-relasyon. Ilang beses niya akong sinundo pero hanggang doon lang. Isa pa, sinubukan kong hindi kausapin si Rosen pero hindi ko siya maiwasan. Dahil sa naisip kong pwedeng mangyari, I'm totally distracted. Madalas, nakayuko lang ako sa table ko. Pinapasa ko ang trabaho sa iba pag hindi ko natapos. I had attended the meeting pero wala sa meeting ang atensyon ko. Parang mas lalo pang lumala ang buhay ko ngayon kaysa noon. Ano ba talaga ang gusto ko?

Lumapit ako sa kaibigan kong Psychiatrist. Nagkwento ako ng mga pangyayari sa buhay ko. Walang kulang. Nag-isip siya bago nagsalita. "Alam mo, kung nagsasawa ka na sa buhay mo, make it different. Kaya siguro nagustuhan mo si Rosen, kasi iba siya sa mga nakilala mo. Ayaw mo naman ang ituring na Prinsesa, so hiwalayan mo ang boyfriend mo. Hindi pwedeng hindi ka masaya sa pinasok mo. Change your life style. Ayaw mong mawala ang mga kaibigan mo dahil alam mong masasaktan ka, kaso, kailangan mong masaktan sa alam na kadahilanan para pag nakamove-on ka, sasaya ka na. Hindi ko naman sinasabing dapat kang iwan ng mga kaibigan mo, ang akin lang, masyado kang perpekto." Miski ako sa sarili ko, alam ko 'yan, nai-advice na miski ni Rosen. Pero paano nga ako masasaktan kung walang nananakit o mananakit? Ayokong may manakit sa'kin pero bakit 'yun ang kailangan ko para sumaya? "Kailan ka ba huling ngumiti?"

Binalik ko ang isip ko sa nakaraan. Pero walang ibang pumapasok sa isip ko kundi si Rosen. "Actually si Rosen ang Huling nag-pangiti sa'kin. Rosen is nice, he's even funny after all so, I oft do it everytime na nagpapatawa siya. Ano ba ang meaning ng pagtawa na sinasabi mo?"

Nag-isip siya.... "Medyo kasama ang feelings. Hindi lang dahil nakakatawa kaya ka tumatawa. 'Cus you respect the person who made you smile. Imagine, what if iba ang nagsabi ng mga sinasabi niyang patawa?"

Ako naman ang nag-isip. "Kasi sabihin lang niya ang isang simpleng salita like 'Masipag ako' or 'Mabait ako' very contradiction kaya nakakatawa. Mabait naman siya pero may ugali siyang kakaiba nga. I understand you na hindi nga ako mahilig tumawa lalo kung hindi ko kilala. Sa mga kasambahay at si Daddy, napapatawa nila ako. Pero parang kakaiba si Rosen kasi walang effort na nakakapagpatawa siya."

"Hindi siya kakaiba. Ngayon ka lang kasi nakaencounter ng katulad niya. Bakit ba siya ang topic natin? Kasi siya ang nakapagpangiti sa'yo. Isipin mo kung mawala siya?"

"Nawala na siya, medyo nanghinayang ako dahil akala ko hindi na siya papasok."

"Medyo?"

"Medyo oo."

"May natatandaan ka bang sitwasyon na sumaya ka noong nakita mong pumasok siya?"

"Hindi na ako magsisinungaling. Kasi pag ginawa ko 'yun, useless ang advice mo. Ganito 'yun, I had a very important date with my boyfriend, I cancelled para makita siya. Pero ang akin lang, hindi kasi ako natatakot na mawala si Jordan. Ayoko nga ng tinuturing akong dyosa kaya naisip kong gumawa ng ganun."

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon