Day 340

17.4K 420 28
                                    

6:45 AM

Russel: Good morning hon

Russel: Hindi ako makakalabas ngayong umaga kasi alam ni papa na aalis ako mamaya. Hindi na kita matatawagan ah. Kung machachat mo ako, chat muna tayo then tatawagan kita 1 pm na. Baka marinig ni papa yung usapan natin eh

8:04 AM

Claudine: Okay, hindi din ako aalis.

9:04 AM

Russel: Nagchurch ba kayo?

Claudine: Mamayang hapon pa. Or malimit naman akong dumaan sa church pag may time ako.

Russel: Catholic ka nga pala

Claudine: Pero sinasama ako ni Ate Pau sa church nila minsan.

Russel: Ah ganun ba? Sabi mo catholic ka na talaga. Hindi na mababago yun?

Claudine: Hindi ko lang maiwanan ang lugar kung saan ako totoong nabinyagan.

Russel: Ah okay. Hindi na kasi kami pinapayagan ni papa sa Catholic church. Nabasa ko nga kay Rosen yung pag sign of the cross ni Waine. I know Catholic ka pa talaga sa puso. Ewan pero okay lang. Ang mahalaga naman yung malapit ka kay God

Claudine: Yeah true. Pero pangkaraniwan na kasi yung sign of the cross. Gusto mo ibahin ko na?

Russel: Hmmm pwede pero pwedeng wag nalang. May explanation ka naman yata

Claudine: Sa acc mo nga pala ilalagay no. Born again Christian ka. Sige, buburahin ko na tapos iibahin ko yung sinabi ni Rosen about kay Waine.

Russel: Okay na nga lang siguro yun. Magnonote nalang ako. Wala naman sigurong masama sa ganun. Bago palang naman ako dun

Claudine: Hahayaan ko na? Okay bahala ka. Nawala sa isip ko eh. Wala kasi akong mailagay na dahilan ng paggalang ni Waine sa Diyos o sa simbahan. Kaya yun lang ang pwedeng mas maiksing paraan.

Russel: Nasa tao naman yan. I know may explanation ka diyan. Ikaw pa

Claudine: Saan?

Russel: Sa mga paniniwala

Claudine: Like what? Sa pagsign of the cross?

Russel: Oo, kasi Catholic lang naman ng gumagawa nun pero Catholic din talaga ako nung pinanganak. Si papa, naging born again Christian kasi niyaya lang namin last year

Claudine: Well, mas maiging galangin nalang ang paniniwala ng bawat relihiyon. But I know yung relationship kay God ang mahalaga.

Russel: Kasi diba ang Catholic may mga santo? Sa born again kasi ayaw nila yun. Hindi sila sumasamba sa kahit kanino, kay God lang

Claudine: Well, even INC naman Christian din. Lahat ng naniniwala kay Jesus Christ o kay God ay Christian. Wala silang sinasamba kundi iisa lang.

Russel: Ah okay. Kailangan lang talagang galangin ang paniniwala ng iba

Claudine: Image lang naman ang tinitignan ng Catholic. And even sa bible may ibang pangalan na binabanggit kung nagdadasal sila. Like Name ni Jacob at Abraham. Hindi ko lang alam kung pinagbawal yun sa new testament kasi hindi ko nabasa ang lahat doon. Kaya siguro sila may mga ganun. Like monumento ni Rizal bilang paggalang sa kaniya dahil bayani siya sa nakaraan. Parang ganun lang yun pero si God parin ang sinasamba nila. Galangin nalang. Kasi kasalanan kung kokontrahin pa dahil si God na nagsabi na galangin ang paniniwala ng iba.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon