Day 317

22.8K 937 30
                                    

1:33 AM

Russel: Nabasa ko na. Oo nga pala kailangang ayusin ang resignation niya kasi wala naman talagang 'Kanang kamay' sa company nila. Tapos marami pa palang dapat alamin bago sila magkaaminan na mahal nila ang isat isa. Tama din na isipin ang pwedeng mangyari sa hinaharap. Haaaaay, kinilig ako sa kanila kasi kahit nagkakatinginan lang sila, may impact na iniimagine ko sa totoo. Sana Jadine nalang sila haha

2:03 AM

Russel: Sinabi ko kay mama yung sinabi mo. Kailangan daw pag ganun yung nangyari, kailangang tiisin ng babae ang sakit para hindi na lumala. Nagkalat daw kasi ang mga demonyong lalaki. Hahaha kaya panay ang advice niya sakin. Hindi niya alam na may boyfriend ako at the same time, sinusunod ko naman siya

4:03 AM

Russel: Inantok na kami, sabi ni mama wag daw muna kaming matulog ng maaga para sa 24 daw hindi ako antukin. I love you. Chat uli tayo mamayang gabi

9:32 AM

Claudine: Halata naman na puno ka ng pangaral kaso bata ka pa. Marami ka pang pagdadaanan.

Claudine: Good morning wifey. Chat mo nalang ako ah.

1:09 PM

Claudine: Wala naman kaming ginawa bukod sa walang katapusang pag uusap tungkol sa bagay bagay. Halata na hindi basta iisa lang ang alam ni Rosen. Halatang marami na siyang pinagdaanan sa buhay. Ayoko nang magtanong ng tungkol sa nakaraan niya dahil natatakot akong mag-iba ang tingin namin sa isa't isa. I'm sure sa lunch time, sabay kami. "Nagugutom ka na?" Tanong ko. Alam kong kailangan siyang busugin.
Well, naalala ko na diet siya. Siguro ayaw niyang tumaba. He has a beautiful build of physical structure. Madalas meron niyan ang mahihirap pero iba pa din 'yung gwapo kaya mas napapansin.

"Hindi pa pero need na nating kumain." Sagot niya.

"So, ayaw mong magutom?"

"Hindi naman sa ganun. Alam mo, naisip ko na iba ka talaga sa lahat. Maybe ganun din si Maico. Dapat sa inyo, sa restaurant ang breaktime. Bakit mas gusto niyo sa cafeteria?"

"Malakas kumain si Maico, ayaw niya sa restaurant."

"Meron naman sigurong restaurant na pwede ang matatakaw."

"Sa cafeteria nalang kung meron man. Walang pinag-iba 'yun."

Napaangat ang kilay niya. "Sabagay."

Napatingin ako sa kaniya. Kanina pa kami nasa loob ng office. Parang ito yata ang first time na hindi ako lumabas dito ng ilang oras. Kasi, wala na akong gagawin sa labas. Andito na ang gusto kong kasama. Kaso, baka maboring. Ngayon naisip kong hindi nagbago ang isip ko. Mas gusto ko siyang kasama kaya medyo natakot akong maboring siya. "Bakit mo ba tinanong? Napapansin mo pa ang ginagawa namin." Alam ko na ang isusunod ko pag sumagot siya.

"Wala lang. Masama bang magtanong. Nagtaka lang."

"Baka gusto mo lang kumain sa restaurant. Pagbibigyan kita." Naisip kong dalhin siya doon. 'Yung tipong hindi ko siya sasawayin, ano man ang gawin niya. At isa pa, kailangan din 'yun para mawili siyang sumama sa'kin.

"Payag ka?" Nagduda pa talaga.

"Kaya ayaw ko sa restaurant ay dahil mas masaya ako sa cafeteria. Ang iba naming kasama like Queenie and Ayie, minsan hindi sila sa cafeteria kumakain."

"Ayaw mong iwan si Maico?"

"Ayokong humiwalay sa kaniya pag kakain. Sila Daddy, pwede akong sumama sa kanila pero ayokong yayain na sumama sa'min si Maico dahil mapipilitan lang siya. Laki siya sa hirap kaya mas prefer siyang kumain kung saan siya komportable."

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon