Day 136

46.7K 1.1K 113
                                    

8:07 PM

Claudine is typing ....

Russel: 4 days to go
seen 8:07 pm

Russel: Kinakabahan ako na ewan

Russel: Hoy!!

Russel: Bakit hindi ka nagrereply?

Claudine: Hindi ba pwedeng hintay hintay din?

Russel: I know naman naka ol ka at nababasa mo chat ko

Russel: Pero kahit simpleng reply, wala

Claudine: Yan ang gusto ko sayo eh, ang sweet mo

Russel: Ano ang kinasweet nun

Claudine: Hindi pa kita gf parang gf na kita, ang sweet nun ah

Russel: Eeeeeh

Claudine: Matanong lang kita

Russel is typing ....

Claudine: Gano kaimportante na ipagmalaki niyo sa status na may crush kayo?

Russel: Ano na naman yan?

Russel: Masama bang magshare na may crush kami o ako?

Claudine: Hindi sa ganun? Mahalay tignan sa mga katulad ko eh, siguro sa mga nagagandahan sayo maari pa

Russel: Yabang mo, I just release what's on my mind. Patanggal ng nasasaloob. Ganiyan kaming mga babae

Claudine: Kahit wala naman talagang crush hahaha

Russel: Pag ako totoo, yung iba nang eechos lang, wag mo kong itulad sa mga yun :((

Russel: Alam mo naman na kahit hindi mo pangalan ang ilagay ko, ikaw ang tinutukoy ko diba?

Claudine: Ganun? XD XD XD

Claudine: Pero hindi sa sinasabi kong magkaiba ang babae noon kaysa ngayon ah, nung panahon ko kasi sa hs, wala pang facebook, I think iba ang style ngayon.

Russel: Ewan ko, maybe pareho lang. Ang kaibahan lang, may facebook na

Claudine: Tama ka, and even before, pareho din siguro ng gagawin kung mauso na ang facebook.

Russel: Siguro, maiging releaser ang fb, kung walang fb, sobrang boring na, hindi ko maimagine

Claudine: May naitulong ba? Mukhang mas marami pa nga ang napapahamak eh

8:45 PM

Russel: Alam ko naman ang dapat, hindi ako magpapauto lang

Claudine: At isa pa, fb amplifies your close friends, sa cp kasi, hindi mo alam ang number nila. Pero name lang sa fb pwede nang magchat. Then, once na makachat mo yung hindi mo kaclose in person, magbabatian na kayo if magkita kayo sa personal.

Russel: Well, maybe kasi hindi ko kaclose lahat ng classmates ko before, ngayon, dahil sa group, kilala ko na pati ibang section

Claudine: Ganun din naman noon pero dahil walang fb noong panahon ko, kailangan, hindi ka mahiyain. Marami pang iba, mas advance na kasi ang panahon ngayon

Russel: Hmmm sabagay, gaya natin, haaaay pano pag walang fb? Hindi kita makikilala

Claudine: Tama ka pero may isa pang nakita kong kakatuwa sa mga babae ngayon.

Russel: Ano naman yun? Laging babae ah

Claudine: About selfies? May kakilala ako na 5k na ang pictures sa fb, puro selfie lang. Ang kati ng kamay niya, araw araw, puro selfie, parepareho din naman hahaha

Russel: Ako kasi, minsan lang magselfie sa room ko, pero marami akong pictures with my friends and solo picture na iba ang kumuha

9:01 PM

Claudine: Medyo medyo ka lang. Kasi yung kakilala ko, hindi ko alam kung yung place ba ang ina-update o yung mukha niya mismo XD

Russel: Hahaha para daw updated ang mga friend niya. Ang sama mo ah, ganun na siguro sa panahon ngayon, gawin ang gusto, free country nga diba, walang paki ang iba sa gusto mong gawin. Hangga't wala kang tunatapakang tao, wala kang dapat ikahiya

Claudine: Ikaw ba yan Russel?

Russel: Mukha bang hindi? Hmp!

Russel: Ang akin lang, may karapatan ang bawat tao na gawin ang gusto nila. Kasi yung mga paepal diyan, ang sama sama ng tingin nila sa mga katulad ko, hindi din naman sila perpekto!!!!!!

Claudine: Easy lang, hindi ikaw ang tinutukoy ko.

Russel: Hindi din naman ikaw ang tinutukoy ko. Marami kasing papansin sa status. Puro parinig na akala mong sila na ang pinakadabest sa lahat. Apektadong apektado sa mga nakikita nila like edit picture, and many more, hindi ba nila alam na nanlalait na sila sa ginagawa nila

Claudine: Sa kanila mo sabihin, wag sakin

Russel: Nakakabeastmode kasi e, tapos yung pictures nila, ganun at ganun din naman. Iniba lang yung emote ng mukha, yung kuha nila last year, pareho din ngayon. Walang pinagbago. Nakakainis!! Mag uupload ng isang daan tapos puro parepareho lang naman pagtinignan mo. Maraming kamag anak at manyak ang pumupuri, kaya ang laki laki ng ulo nila, proud na proud sa sarili tapos magpaparinig sa status na ang tunay na maganda, ganito, ang tunay na maganda ganun, ang tunay na maganda walang make-up, ang tunay na maganda, hindi gumagamit ng camera 360. Bakit hindi pa nila sabihin na ang papangit niyong lahat!!!

Claudine: Bakit ba naiinis ka? Ikaw ba ang pinapatamaan nila?

Russel: Kasi yung friend ko e, naiinis ako dahil wala naman siyang ginagawang masama, pero tingin sa kaniya ng mga taong mapanlait, masama, pinagtatawanan, samantalang ang bait bait niya. Kasalanan ba niya kung may mga taong mas maganda sa kaniya?

9:31 PM

Claudine: Hahahaha magparinig ka rin sa status.

Claudine: Wag bad yun.

Russel: Hindi ko ugali yun kaya kung may isang hindi ko mailabas, yun ang sama ng loob sa iba

Claudine: Free country nga diba? Sabagay, may nasasagasaan na kasi sila eh. May mali nga

Russel: Pero napag usapan naman namin ang tungkol diyan, sabi ng friend ko "Baka may kaaway lang." Sabi ko naman "Sabihin niya ng harapan hindi yung magpaparinig siya. Duwag siya."

9:45 PM

Claudine: Kung tatamaan ka, hindi niya kasalanan yun.

Russel: Hindi affected ang friend ko, ang nakakainis lang, sila mismo, hindi naman sila pwedeng pigilan dahil may karapatan silang magyabang. Pero pangit tignan

Claudine: Yung friend ko, maganda naman siya at mabait, ang kinatatawa ko lang, sana sa lahat ng selfies niya sa isang lugar, isa lang sana ang iuupload niya kasi parepareho naman, gaya nga ng sabi mo pero naisip kong kaligayan niya yun at yun ang gusto niyang gawin.

9: 55 PM

Claudine: May natutunan din naman ako sayo kahit papaano. Wala naman kasi siyang sinasagasaang tao kaya tingin ko, she has no problem. May taong pinoproblema ang iba kaya panay patama sa status, hindi niya alam, pinoproblema na pala siya ng iba kasi may sinasagasaan siya.

Claudine: Tulog ka na?

Claudine: Yung tungkol nga pala sa sinabi mo kagabi?

Claudine: Good night.

____

A/N: Neutral lang ako. Next update, baka yung tungkol na sa boys ang topic. Wag munang magtaas ng kilay ang mga babaeng magcocomment hahahaha! Wag mag release ng sama ng loob. Nararamdaman kong meron eh. Be cool anytime. Kung mali kayong nakikita, dedma na lang para wala tayong pinoproblema, gaya ni Russel. O kung hindi niyo kaya, gayahin niyo 'ko. Gawa kayo story para gawing releaser hahahahaha joke!

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon