Day 118

75.3K 1.3K 150
                                    

Unblock: They are able to send message

7:09 PM

Claudine: Bakit ba gumagamit ka pa ng ibang account para lang dramahan pa ako? Ano ba kasi ang problema mo? Sino yang emote ng emote sa timeline mo? I'm wasting my time and i don't even care what's your problem or what's happening to you but i can't refuse your request. To be honest i don't know why!

Claudine: Just one thing for helping me to my problem. Don't chat me for a while. Pero chat ka parin ng chat. Gano ba kalaki yang problema mo? Sino ba talaga ang pinoproblema mo?

Russel: Wala akong makausap na matino

Claudine: Mas malaki ang problema ko at alam mo yun. Makisama ka naman

Russel is typing....

Claudine is typing....

Claudine: Hindi lang kita matiis kaya inunblock na kita. Kaya ayaw kitang mag chat dahil alam kong hindi ka makakatulong sa problema ko. Sa halip na ako ang dapat mong tulungan, mukhang ikaw pa yata ang hihingi ng tulong sa kakarampot mong problema na yan.

Russel: Sorry

Claudine: Sino ba yung lalake na nag eemote sa timeline mo? Siya ba yung boyfriend mo?

Russel: Nakita mo pala. Wala na kami

Claudine: Sa tingin ko naman kaya mo yan dahil nasaktan ka na noon pa diba? Atupagin mo nalang ang pag aaral mo instead damdamin mo yan. You're really supposed to study.

Russel: Kailangan ko lang ng kausap. Ikaw lang kasi ang alam kong makikinig at makakapag bigay ng advice sakin eh

7:22 PM

Claudine: Sa totoo lang magulo ang isip ko. Hindi ko yata kayang mag advice dahil i'm the one who needs that.

Russel is typing....

7:24 PM

Russel is typing....

7:28 PM

Russel is typing....

7:31 PM

Russel: I'm sorry, sige okay lang. Sorry sa istorbo. Hihintayin ko na lang na maging okay ka. Wag mo akong iblock ah

7:33 PM

Claudine: Damn! Ano ba kasi ang nangyari sa pagbabakasyon mo? Wala akong oras para nakipag usap sayo although ginagawa ko na. Hindi lang talaga kita matiis. Alam kong malaki ka na at hindi mo na kailangan ng advice dahil you know what you should do. Pero mag aadvice parin ako sayo kung gusto mo. Advice ko, you need to tell me what happened while you were in vacation. Makikinig ako at saka ko sasabihin ang talagang advice ko. Basta wag lang puro kasinungalingan, kung hindi mo parin ako susundin, last chat na to dahil feeling ko nag aaksaya ako ng oras.

Russel: Sige, wait lang.

Russel: Ileless ko yung mga nangyari satin. Basahin mo lang. Salamat. Wag kang maglogout

7:40 PM

Russel: Russel's POV

Russel: Okay, first day ko sa province. Nagising ako ng maaga. Gusto kong magpunta sa tree house. Kaso doon pa pala yun sa house ng cousin ko na hindi ko alam kung saan.
seen 7:40 pm

Russel: Sabi ni tita, hintayin ko na lang na magising si Margarita na cousin ko din. Ang kaso hindi na ako makapaghintay. May dumating na lalake, kalevel ko lang siya sa tingin ko. Nakita siya ni tita kaya tinawag niya ito. "Richard! Buti napadpad ka dito. Samahan mo muna kila Dianne itong pamangkin ko. Blah blah blah blah."

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon