Day 315

24K 637 46
                                    

Wednesday at 7:03 AM

Russel: Good morning. Ang tagal mag sunday

Russel: Chat mo nalang ako ah

11:58 PM

Claudine: Mamaya na tayo magchat, pag uwi ko, kung may time kang magchat ah. I badly miss you. Gusto ko na din mag sunday.

1:02 PM

Claudine: Matapos ang meeting ay sabay kaming lumabas ng conference room.

"In this case, marami talagang makakalusot na modus kung andito mismo sa loob ang problema, hindi sa mga--"

"Ayoko munang pag-usapan ang poblema dito sa kumpanya, okay?" I've cut whatever Maico wants to tell about the meeting.

"Oo na. Akala ko nakafocus ka pa sa trabaho. Naka-usap mo ba ang Dad mo? Bakit parang okay na kayo ngayon?"

"Hindi pa. Alam kong hindi siya galit. Perdigana din 'yun eh."

"Hahaha!" Bigla siyang tumawa sa sinabi ko.

"Alam mo Maico, hindi mo dapat ako tinatawanan. Dapat pasayahin mo ako." Sumakay kami ng elevator.

"Ewan sa'yo, nahahawa ka na kay Rosen." Tumatawa pa siya.

"Alam mo ba ang meaning nung sinabi ko?"

"Oo naman."

Hindi ko na siya tinanong pa kasi dapat yata alam ko na ang salitang 'yun eh. Baka mahalata pang kailan ko lang nalaman. Iniba ko na lang ang usapan. "Bakit Rosen ang tawag mo sa kaniya ngayon?!"

"Masyadong childish ang Mark. Noon 'yun, pero iniba ko na. Habang nakikilala ko siya, nag-iiba ang pangalan niya."

"Pa'no kung Mark lang ang name niya?"

"Baka ibahin ko ang tawag ko. Gagawin kong, Papi o dude. Minsan binabagayan din ang katauhan dapat."

"Ang dami mong alam."

"But I like it when people called him Rose. Hindi siya pang-asar pakinggan kasi tanggap naman ni Rosen."

Ayan. Si Rosen lagi ang topic namin. Excited na tuloy akong maglunch. Dahil tuwing lunch ay lagi namin siyang nakakasalubong. Ay wait. "Maico, yayain mo si Rosen na mag lunch."

"Bakit ako? Ikaw na kaya. Mahalay ako. Baka isipin niyang may gusto pa ako sa kaniya."

"Ayoko nang utusan ang sekretarya ko."

"Edi ikaw."

Hanggang maghiwalay na kami. Nasa loob na ako ng office. Pa'no ko siya yayayain? Ganito ba? 'Maglunch tayo. Kasama si Maico!' o ganito 'May kasabay ka bang maglunch?' Malamang meron kasi marami siyang kasama. Ganito nalang. 'Sumama ka muna sa'min maglunch. Libre ka namin.' Pwede kaya 'yun? Hanggang sa dalawang oras ang lumipas. Pwede na siguro siyang hanapin. Lumabas ako ng office ko. Second floor na naman ang punta ko. Napansin ko agad siya na kausap ang mga office girl. Sabagay, ganun din si Danilo noon. Hindi ko lang pinapansin pero itong si Rosen, kailangan kong sitahin. Sumilip ako sa room kung nasaan ang mga office girl para ipahalata na andoon ako. Nakarinig ako ng tawanan. "Pst!" Sinisitan ko si Rosen na nakatalikod sa'kin. Nakasandal ang balikat niya sa pader. Napansin agad ako ng mga babae. Lumingon siya.

"Miss Ken andiyan ka pala. Ano ba ang maipaglilingkod ko sa'yo?" Konting tawanan na naman. Pag siya ang nagsalita, parang lagi kasing nagpapatawa.

"Nakikipagchismisan ka na. Baka hindi ka nagtatrabaho ah."

"Miss Ken, dumaan ka sa teritoryo ko. Tumingin ka pa sa sahig. Pwede kang manalamin, 'wag mo lang dudumihan!" Nagtawanan ang mga babae. Hindi ako nainis dahil gusto ko din naman na tumawa. Pero hinila ko siya sa labas para kausapin.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon