Day 132

53.3K 1.4K 244
                                    

6:56 AM

Russel: Good morning!

Russel: Kaen tayo. Mamaya ah. Yung story natin

8:03 AM

Russel: Tagal mo magising

Russel: Chat mo ako ah

10:34 AM

Claudine: Alam mo naman ang oras ng chat ko sa umaga diba? Busy ako ngayong maghapon kaya ipapaliwanag ko sayo yung gagawin natin.

Claudine: Una sa lahat. Ako ang may hawak ng narration. Ako ang magsasabi kung kailan ka magsasalita. If magsasalita ka na. Lagyan mo ng ganito "..."

10:40 AM

Claudine: Hoy! Good morning.

Claudine: May tanong ka? Basta mamayang 8Pm natin sisimulan ah. Aalis ako, chat mo na lang ako.

11:06 AM

Russel: Sorry late reply. Wala akong ibang gagawin? Kailan ko malalaman pag magrereply na ako?

12:03 PM

Claudine: Ako ang magsasabi. Example muna ah.

Claudine: Naglalakad si Russel nang nasalubong niya si Claudine "Kamusta Russel?" Bati ni Claudine at nagsalita si Russel...

Claudine: Saka mo sasabihin ang dialogue. Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin mo dahil script mo yan. Pero isa yan sa magdadala sa story.

12:15 PM

Russel: Ah okay. Pero ano ang naisip mong plot? Pwede mo bang sabihin?

1:01 PM

Russel: Busy ka? Chat ko ako bago mag 8 ah. Para hindi ako nangangapa

3:34 PM

Claudine: Wait mo lang.

3:56 PM

Russel: Okay <3

Russel: Gusto ko, tayong dalawa yung nagmamahalan ah tapos may forever. Please. Story lang naman eh hehehe

5:35 PM

Claudine: The Last 5 Days ang pamagat. Kasi nagmamahalan sila o tayo tapos within 5 days, aalis ka papuntang Newyork. Para lang ihiwalay ka sakin ng Parents mo. Wala kang magawa. Then flight mo na tapos hindi ka dumiretso sa airport. Nakipagkita ka sakin dahil sobrang mahal na mahal mo ako. Ayaw mong umalis. Tatanggapin mo ang sermon sayo para lang sakin. Okay ba?

Russel: Parang ako na naman ang sobrang nagmamahal but it's ok. Sige. Ganun na lang.

Claudine: Ako na ang bahala sa umpisa ah. Basta mamayang 8pm, start ako. Wag kang magchachat ah. Just wait.

Russel: Hmmm sige! 8pm ah hindi 8:10pm. 8pm ah. Baka mamuti ang mata ko kakahintay

8:08 PM

Claudine: Limang araw na lang at maghihiwalay na si Claudine at Russel. Nagmamahalan sila pero wala silang magawa. Nag uusap sila sa isang sikretong tagpuan... Unang nagsalita si Claudine. "Alam mo naman siguro kung gaano kita kamahal Russel!" Hawak niya ang pisngi ni Russel. Sumagot si Russel.

Russel: "Mahal na mahal kita Claudine."

Claudine: "Alam ko." Nagyakap sila at naiiyak si Russel sa pwedeng mangyari. Wala siyang magawa pero ayos na ang lahat ng papeles para makapunta siya ng ibang bansa. Wala nang atrasan. "Hinding hindi kita malilimutan Russel. Let me show you my love in our remaining days." Sabi ni Claudine at sumagot si Russel.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon