Day 323

21.1K 665 59
                                    

7:34 AM

Claudine: Good morning wifey!

8:32 AM

Claudine: Mas nauna ka pang mag post ah bago magchat.

Russel: Kakagising ko lang. Wait, babasahin ko yung update mo

8:43 AM

Russel: Siguro nainis din si Cinderella kasi nalaman niyang sa Princess may gusto yung kaibigan niya. Pareho lang sila pero sabi nga ni Rosen, kailangan lang ng magandang paliwanag diba? Nabitin parin ako kasi mukhang malapit na niyang makilala si Rosen. Kaso nararamdaman kong hindi pa hmp

Claudine: Wait mo nalang. Nakalimutan ko na yung story ng Cinderella series eh pero ang alam ko sa movie nun, mabilis na silang kinasal after malaman ng prinsipe na siya ang prinsesa na nakilala niya.

Russel: Wala naman kasi akong hilig sa mga ganung story

Claudine: Okay, pero sikat sila kasi hindi naman kung sino lang ang writer nun.

Russel: Anime ang pinapanood ko dahil nakakakuha ako ng idea

Claudine: Sa anime naman, kaya sikat ang anime sa mundo kasi hindi lang din kung sino lang ang writer nun. Good. Kahit pang bata siya sa paningin ng iba, advantage ka pag nanonood ka ng anime.

Russel: Oo kasi naaappreciate ko yung mga twist na nangyayari. Hindi ko maisip kung paano nila nagawa yun. Parang mas maganda pa sa mga teleserye o ewan o baka mahilig lang ako sa anime

Claudine: Kasama na yung hilig mo sa pag aappreciate kasi nasusundan mo yung story and then magaling silang mag isip. Hindi lahat ng anime pero yung mga sikat, kaya sila sikat dahil maganda ang twist even pang bata.

Russel: Pakiramdam lang ng tao yun pero kung iaanalize ang mga sangkap, lalo na yung detective conan, ang talino ng writer kasi ang dami niyang alam. Napapaisip ako kasi alam niya hindi lang sa kapulisan, alam din niya bawat scene na may ibat ibang uri. Hindi lang sa kapulisan. Romance din siya. Naiyak ako sa love story ni Detective Mori. Matalino yung tatay ni Ran. Tanga lang talaga maging detective hahaha

Claudine: Kasi ang fiction kasi, pwedeng ibahin ang kakayahan ng tao. May pagkatanga nga si Morri pero matalino siya sa ibang bagay. Imposible sa totoong buhay kasi hindi balance. Pero naappreciate ko talaga yung story na yun lalo na yung Hajime no ippo kasi boxing fan din ako.

Russel: Boxing siya diba? Kung hindi lang ako busy sa school marami akong papanoorin eh. Wait lang ah. Update ka mamaya ah. Sorry asawa ko huhu I love you *yakap*

Claudine: Hay naku wifey, sige! I love you too.
seen 9:01 am

11: 19 AM

Claudine: Papunta kami ngayong cafeteria. Lunch break. Nasa-isip ko parin 'yung dalawang araw kaming hindi magkikita ni Rosen. Dumating si Maico. "Sabay na tayo." Sabi ni Maico. Oo nga pala. Parang medyo mababawasan ang oras ko na kasama si Maico. Maybe kung magiging asawa ko si Rosen, babalik ang dati naming ginagawa. Sa ngayon kasi, iba ang sitwasyon. Oras oras, minu-minuto ay gusto kong kasama si Rosen.

"Ibang iba ka ngayon Rose ah." Sabi ni Ayie nang makita si Rosen.

Tahimik lang na nakangiti si Rosen. Nakakagulat naman talaga. Si Maico ay seryoso lang na kumakain. At napapansin kong napapatingin sa'min ang iba. Wala na akong paki sa sasabihin o pag-uusapan nila pag nakatalikod ako. Pero sa lahat, si Maico lang talaga ang alam kong nakakaappreciate sa'kin. At alam kong ang mga bulungan sa paligid ang nagsilbing daan para magising sa katotohanan ang ex ni Rosen. Hindi ko gagawin 'yun. Maraming salamat dahil lalo kong naiisip na hindi gawin ang nagawa ng ex ni Rosen dahil nalaman ko ang story sa nakaraan niya. Hindi kaya alam na ni Rosen na malalaman ko 'yun para makasiguro na hindi ko siya iiwan. Okay lang naman. Medyo tahimik si Rosen. Hindi gaanong nagsasalita. Nakakapanibago siya kaya alam kong may iniisip siyang iba. "Wala ba kayong lakad?" Tanong ni Maico. A brilliant idea?

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon