Day 290

39.1K 921 26
                                    

8:03 AM

Russel: Good morning!

Russel: May kwento ako, naiinis si Lotlot kasi nagbible study kami yesterday about sa same sex marriage. Kasalanan daw yun sabi sa bible dahil galit si God sa mga pumapatol sa kapwa lalaki o babae. Unfair daw kasi wala naman daw siyang magagawa eh. Hindi na niya naiwasan pa. Malungkot tuloy siya. Silang dalawa ni Linda yung pinansin ng mga classmate ko. Ang sakin naman, kung bawal yun, it means, for life na silang itatakwil ng Diyos kasi hindi na nila kaya pang baguhin kung pusong babae sila

9:02 AM

Russel: Naikwento ko lang kasi alam kong may alam ka diyan dahil naging topic na natin yung tungkol doon. Ikaw mismo ang nagsabi na ayaw ni God na lumikha ng ayaw niya

Russel: Chat mo ako mamaya ah may sasabihin din ako

5:03 PM

Claudine: Makasalanan lahat ng tao, hindi lang ang mga bakla. Don't judge person by his cover. Mas maraming alam na kasalanan ang lalaki kaysa bakla. Kasi ang lalaki minsan pumapatol din sa bakla, pumapatol sa may asawa, pumapatol sa walang asawa kahit may asawa na, mapanghusga sa mga bakla, nagpapakasal kahit kasal na siya at higit sa lahat, nag aanak ng hindi pinapanagutan, tumatakbo sa responsibilidad. Hindi ko nilalahat ng lalaki pero ang mga kasalanan na 'yan ang hindi kayang gawin ng bakla.

6:30 PM

Russel: Sabagay tama ka nga. Naisip ko na ganun din sa tomboy, but I disagree doon sa pumatol sa may asawa. Kasi may bakla na pumapatol din sa may asawa na kaya nga may nasisirang pamilya minsan dahil doon pero hindi ko din nilalahat

8:01 PM

Russel: ├┬┴┬┴┬┴┬┴┬┴┬┴┬┴┬┴┤ ͡(͡ ° _├┬┴┬┴┬┴┬┴┬┴┬┴┬┴┬┴┬┴

Russel: Hindi ka naka-ol? Chat mo nalang ako ah

8:45 PM

Claudine: Sorry, kakauwi ko lang.Ang haba ng bakod ^^

Claudine: Oras na pumatol ang lalaki sa bakla kung may asawa siya, hindi makakasira sa pamilya yun maliban nalang kung mahalin niya yung bakla. Wala pa akong nakikitang insidenteng ganiyan. Saan mo ba nakuha yan?

Russel: Sa Tv pero true story daw. Ewan. Baka silahis yung lalaki kasi minahal niya yung bakla

Claudine: Walang kinalaman yun sa sinabi ko dahil sakop siya ng kasalanan ng bakla na kaya ding gawin ng lalaki but hindi magagawa ng bakla yun kung hindi bakla o silahis yung lalaki. Alam ng bakla kung saan siya lulugar.

Russel: Ewan, kung bakla ako ayokong sumira ng pamilya. Pero ang pwedeng mangyari kasi, masisira at masisira ang pamilya nung lalaki kasi bakla siya. Papatol at papatol din siya sa lalaki. So that means, kaya din ng bakla na pumatol sa iba kahit may asawa na siya

Claudine: Yun ay dahil masama siyang bakla. Nakayanan niyang pumatol sa babae pero mas pinili parin niyang pumatol sa lalaki, may point ka pero ang isang matuwid na tao't naniniwala sa Diyos. Hinding hindi na siya papatol pa sa lalaki dahil may asawa na siyang babae. Maliban nalang kung bakla ka na since birth na hindi na kaya pang baguhin. Sa makatuwid, hindi sila papatol sa babae dahil babae din sila. Kahit alam nilang kasalanan ay ginagawa nila gaya ng pag mumura, paninigarilyo at kung ano ano pang kasalanan.

Russel: Ginagawa din ng hindi bakla yun.

Claudine: Mas makasalanan ang kasing edad niyo kasi commonly sa ngayon ay nakikipag sex na ang kabataan. Kasalanan yun. At si Balot na yan na wala pang trabaho, wala pa siyang kayang gawin kundi umarteng babae. Mas malinis siya kaysa sa ibang kabataan dahil ang kasalanan ay ang pagpatol sa kapwa lalaki o babae. Naiintindihan mo?

Russel: It means, kung pumayag akong makipagsex, mas makasalanan ako kay Lotlot?

Claudine: Oo at kung mamamatay kayo ng sabay (Wag naman sana) ng hindi nakakahingi ng tawad sa Diyos. Baka sa langit pa ang punta ni Balot kaysa sayo hahaha joke

Russel: Waaaaaaaah ayoko na talaga! Ngayon alam ko nang patas lang ang mga tomboy at bakla sa normal

Claudine: Oo kaya yang mga taong akala nila na malinis sila kasi hindi sila tomboy o bakla, wag silang pakakampante dahil oras na makahingi ng tawad ang isang bisexual at sila hindi, sa langit pa ang punta ng tinuturing nilang masama.

Russel: Maliban nalang siguro kung masama kang tao, bakla/tomboy man o hindi. Change topic na nga. May sasabihin ako sayo

Claudine: Ano yun?

Russel: Magkita tayo bukas

Claudine: Bakit pa? Masaya na tayo sa ganito diba?

Russel: Gusto ko lang. Eeeeeh pwede namang magkita ah

Claudine: May lakad ako.

Russel: Anong oras?

Claudine: Makikipagkita ka sakin? Bahala ka ah. Hindi ko na kasalanan kung panghinaan ka na naman ng loob.

Russel: I promised that i won't do what happened before anymore. Gusto lang kitang makita

Claudine: Ang ayoko lang kasi, hindi kita matiis. Hindi sa ayokong layuan mo ako. Ang kinatatakot ko, baka gumawa ka na naman ng mali tapos sakin ka na naman lalapit. So I need to break down the wall between us again. Hindi ako magpapakababa para lang magustuhan mo ang ugali ko.

Russel: Sige na please!!

Claudine: Pssssssssssh!

Russel: Promise, magkikita lang tayo

Claudine: May lakad ako sa hapon.

Russel: Simba tayo hehehe gising ka maaga

Claudine: Hindi ko kayang gumising ng maaga pag day off, kung gusto mo, sa tanghali

Russel: Sige kahit saglit lang. Promise hindi ako magbabago. Natuto na ako

9:34 PM

Claudine: Sige bahala ka. May lakad ako 3pm ah. Para sa birthday ko hindi na tayo magkikita dahil may pasok

Russel: Makikipag kita din ako sa birthday mo

Claudine: Gabi pa uwi ko

Russel: Bibigyan kita ng gift kahit saglit lang. Ayoko sa ibang araw ibigay ang gift ko sayo

Claudine: Ayoko ng gift.

Russel: Basta may gift ako. Pumayag ka na ah Bukas natin pag usapan ang lahat

Claudine: Saglit lang ah. 12pm doon uli.

Russel: ミ(∩ ‿ ∩ミ )

Russel: Yehey. Basta ikaw lang ah. Gusto kasi kitang makita. Ngayon ako nabitin sa pagkikita natin noon

Claudine: Delayed reaction ka ah ^O^

Claudine: Good night (⌣̀_⌣́)

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon