Day 297

37.6K 784 94
                                    

7:03 AM

Russel: May ud ka na pala. Hmp! Nakakainis ka.

7:15 AM

Russel: Excited ako sa kasunod ng story. Nakakainis naman eh. Ud ka mamaya ah. Habaan mo

10:45 AM

Claudine: I think hindi ako makakagawa ngayon. Tinatamad ako tsaka wala akong maisip na kasunod.

Claudine: About tomorrow, we'll talk later at night. I'm sorry.

11:03 AM

Russel: Bakit? Ud ka. Story mo yun eh dapat may idea ka hanggang sa huli. Baka hindi mo mismo alam ang patutunguhan ng story. Kaya merong mga unfinished story sa wattpad kasi hindi planado bago nila gawin. Ang ganda pa naman ng story ni Rosen at Ken

Russel: Pag hindi mo nagawan ng kasunod yan ako nalang ang gagawa. Sayang. Kaya kong pagandahin yun

Russel: Haaaay, chat ka nalang ah. Wait kita

12:04 PM

Claudine: Alam ko ang ginagawa ko, alam ko na din kung bakit malungkot si Ken, alam ko din kung bakit nangayari sa kanila yun, alam ko din kung bakit ganoon ang ugali ni Rosen kaya wag kang mag-alala. I know what to do.

Claudine: I even know you can make to do the continuation of my story but pangit kung hindi mo idea ang nasimulan na. Basta don't you worry about it. Tatapusin ko yun.

12:45 PM

Claudine: "Pinapatawag mo daw ako?" Sabi agad ng taong ito pag bukas ng pinto ng office ko.

"Oo may sasabihin ako sa'yo." Tinigil ko ang ginagawa ko.

"Pakibilisan lang dahil may lilinisin pa ako."

"Ano ba? Kilala mo naman ako 'di ba? Sagot kita sa kanila kaya hangga't ako ang may gusto, walang sinuman ang pwedeng magalit sa'yo dito."

"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin! Hindi kita gagamitin dito tandaan mo 'yan. Ayoko nang may maiinis sa'kin dahil sa'yo. Kawawa naman 'yung kasama ko."

"Rosen!! Walang magagalit sa'yo."

Lumapit siya sa'kin. "Sabihin mo na dahil inuubos mo ang oras ko!" Galit siyang magsalita pero bakit wala akong nakikitang mali sa ginagawa niya. Habang tumatagal lalo ko siyang nagugustuhan. May punto ang bawat sinasabi niya. Tama nga naman siya pero gusto kong ipatawag siya eh. Masisisi ba ako ng kasama niya?

"Oo na!" Umirap ako na tila naiinis din. Umarteng walang alam. Umarteng spoiled sa lahat ng bagay pero alam ko ang sinasabi niya. Rosen, bakit ka ganiyan? Bakit miski yata si Maico, hindi ka kayang tapatan. You're so meaningful. "Kanino mo nakuha ang hover board?"

"Huh? Wala akong alam sa sinasabi mo!"

"Huwag ka nang tumanggi."

"Si Miss Maico ba nagsabi sa'yo?"

"Oo."

"Baka trip lang ako nun. Hindi totoo 'yun."

"Rosen, 'wag mo nang patagalin, hindi naman ako magagalit eh."

"Hiniram ko sa bata. Galing silang ibang bansa, inuuto-uto ko lang pero one minute lang. Grabe naman si Miss Maico makasabi na nakahover-board ako maghapon!"

"Wala siyang sinasabing ganun Rosen! Ang sabi niya, enjoy na enjoy ka daw. Dinahilan mo pa daw na mas madali 'yun dahil madali kang makakapunta sa gusto mong area." Pero binantaan lang siya ni Maico, si Maico nagsabi sa'kin na isusumbong siya. But hindi naman gagawin ni Maico 'yun. Kilala ko siya.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon