Day 303

30.1K 1K 48
                                    

10:34 AM

Claudine: Good morning wifey. Hindi ka nagchat ah? I love you. Pero okay lang. Much better 8 pm na tayo magstart mag chat. Ayoko nang icheck ang fb ko eh. Nasa akin kana kasi hahaha!

Claudine: Ud ako later.

1:03 PM

Claudine: Matapos ang meeting ay nagmamadali akong pumunta sa cafeteria. Bakit wala si Rosen? Pinagtanong ko pero hindi naman daw dumaan doon. Saan kaya nagpunta 'yun? Naghanap ako ng janitor pero ang alam nila ay umuwi na siya. Well, nalungkot ako. Kailangan kong aminin.

Nanlalambot akong pumasok ng office. Maraming trabaho pero tinamad ako. Pinasa ko na lang muna sa iba. Actually hindi ko nga dapat gawin pang magtrabaho eh. Pero syempre, gusto ko din naman.

Pinuntahan ako ng supervisor ng janitorial. "Miss Ken, may I ask you somethin'?"

"What is it all about?"

"Pwede bang bigyan natin ng pagkakataon si Danilo?"

"Maraming mas deserve sa kaniya."

"Pero mahihirapan na tayong makahanap ng tulad niya?"

"Alam mo ba 'yang sinasabi mo?"

"Alam ko, Miss Ken. He's a leader. He has an ability to lead people and besides, siya ang sinaktan."

"I'm very sorry. Hindi na ako magbabago ng desisyon. Hindi leadership ang kailangan dito. Friendship. Kahit ikaw kaya kitang palitan kung gugustuhin ko. Hindi mo ba alam kung gaano karaming Pinoy ang walang trabaho? Hindi mo rin ba alam na sa dinami-dami nila'y maraming mas deserve sa inyo? O baka hindi mo rin alam na maraming nakapilang supervisor na hindi matanggap dahil andiyan ka? At lalong mas magaling sila sa'yo. Friendship ang kailangan dito at hindi lang ang leadership. Kahit itanong mo kay Maico, maraming mas deserve sa'yo pero dahil hindi ka na din iba sa'min, hindi ka namin pwedeng tanggalin kahit kaya ko. Kung hindi mo maintindihan ang sinasabi ko, bukas din, ayoko na kitang makita!" Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yun. Ayokong makasakit ng tao pero dahil kay Rosen, nag-iba ang pananaw ko sa mga empleyado. Kahit gaano pa kataas ang naabot mo, kaya ka nandiyan sa pwesto mo, may mas magaling pa sa'yo na hindi makapasok dahil hinuhusgahan agad sa umpisa pa lang. Makita lang na mababa ang eskwelahan, hindi na agad tinatanggap. Alam kong tama lang 'yun pero sa dinami-dami ng gustong magtrabaho, hindi na makapasok ang iba. Bakit sa ibang bansa elder ang nagsisilbi sa'min sa fastfood? Bakit dito hindi deserving ang may edad na? Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Kaya oras mismo, kaya ko kayong tanggalin kung gugustuhin ko. Dahil mas may magaling pa sa inyo.

Ang pangit ng mood ko ngayon. Umalis ang supervisor. He can't please me. Rosen? Bakit ka umuwi? Tinamad akong magtrabaho kaya plano kong yayain mag inom si Maico nang mag-o-out na kami. "Saan tayo?" She asked. Kasi kalimitan, nagsasabi ako kung uuwi ako but this time hindi. Kilala niya ako.

"Kahit saan. Basta may maiinom." I answered cool but alam kong kilala niya ako.

"Bakit kasi tinanggal mo ang isang headman sa janitorial? Pwede naman siyang parusahan muna?"

"Naniniwala ako kay Rosen. At ang alam ko, hindi na dapat pinagkakatiwalaan ang ganung klaseng empleyado. Matuto siya sa panibagong trabaho niya. Mas maraming mas magaling sa kaniya."

"Sige-sige. Doon na lang tayo sa suite ko. Ayoko munang gumala. Pagbibigyan lang kita dahil kailangan mo 'yan." Napatingin ako sa kaniya. She's very cool. Bakit kaya hindi naman siya ang pagbigyan ko? Lagi na lang bang ako?

Wait! May naalala ako. "Maico! Hindi tayo matutuloy?"

"Bakit?"

"Nakalimutan ko, may boyfriend na nga pala ako!" Oh my god I almost forgot. Nagmamadali akong naglakad. "Maiwan na kita. I checked my phone and oh my! Ang daming missed calls ni Jordan. Nag back call ako. "Hello Jordan. I'm very sorry, I am busy! Where are you?" Mabilis parin akong naglalakad.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon