Day 327

19K 598 80
                                    

8:04 AM

Russel: Good morning. May pasok na kami pero hindi pa ako pumasok, bukas na. Ingat sa trabaho. Text kita

Russel: Update ka mamayang tanghali ah. Miss you. Nabasa ko na yung last update mo, kilala na pala niya si Ken. Kaya pala parang hindi na niya kinagulat pa yung unang pagkikita nila. Excited na akong magkita sila

Russel: Chat ka mamaya ah

12:01 PM

Claudine: Sensya na, ngayon lang nakapagchat. I miss you wifey.

1:04 PM

Claudine: Mamaya na yung update, hindi ko natapos.

6:04 PM

Claudine: Nakauwi na ako. Chat nalang tayo

7:03 PM

Russel: Sensya na, ngayon lang nakapagchat

8:04 PM

Claudine: Andito na ako sa tapat ng airport. Sana hindi na ako maghintay ng matagal. Nagpunta ako sa Waiting area. Nakakaboring talaga. Trabaho ba 'tong ginagawa ko? Taga sundo lang. Maya maya lang nakita ko na si Mommy. Kumaway ako. Kasama niya ang dalawang body guards niya. "RR!" Tawag niya sa'kin. Sermon na naman. Hinihintay ko siyang makalapit sa'kin. "Dumaan muna tayo sa Daddy mo."

"Okay." So, inaasahan niya na pala na ako ang susundo sa kaniya. Kumapit siya sa braso ko.

Pinagdrive ko na sila. "Okay na ba kayo ng Daddy mo?" Tanong niya.

Actually, ramdam kong okay na kami. "Ewan." Sagot ko lang.

"Alalang-alala ako sa'yo sa totoo lang. Daddy mo ang nagsabi sa'kin na natuluyan ka na daw makulong, sinundo ka lang ni Rogelio. Paano pala kung walang pera? Mabubulok ka na sa bilangguan."

Umiling lang ako. "How many 'Hindi na mauulit' do I have to tell, Ma?"

"How many crimes do you have to commit to receive those words coming from you?"

"Kailan ko ba sinabi 'yan? Ngayon lang 'diba?" Ganito kami 'pag nagkikita, iisipin ng hindi nakakakilala sa'min na nag-aaway kami.

"Sana nga totoo na 'yang sinasabi mo."

"Kain muna tayo." Hindi ko talaga siya niyayaya. Bahala na silang magyaya sa'kin pero kung hindi ko gagawin, hindi mangyayari kaya medyo kailangan ko din na gumawa ng paraan. Nakakasawa nang kumain mag-isa. Hindi naman madalas na kumain ako mag-isa dahil kadalasan kasama ko ang mga kasambahay at si Ate Paulina.

"Busog pa ako." Umuling ako. "Mamaya na pag dating natin sa office ng Daddy mo. Sabay sabay na tayo."

Wow! Ano 'to, first time? Parang imposible. Sabagay, noon kasi pag nangyayari ito, hindi naman ako nagyayaya. Nakarating kami sa office ni Dad. Parang bata lang ako sa kabila ng itsura kong ganito. Palibhasa kasi naka pantalong maong ako. Hindi ako naka office attire. Hindi naman kami agad nagpansinan ni Dad pero nagyaya si Mommy na kumain kaming tatlo. Sana nga mapag-isip isip naman nilang magkaroon ng time sa'kin. Nagsisisi na nga ako eh tapos lalo pa silang walang time. Umorder kami at nagsimulang kumain. Masaya ako pero hindi ko alam kung ganito kami lagi. "RM! Ano ang plano mo?!" Tanong ni Dad.

Tutal, kasalanan ko naman ang lahat, aayusin ko na. Para na rin sa kaligayahan ko. Basta sana lang huwag nila akong pigilan sa gagawin ko. "Dadalawin ko ang resort tapos magtatayo ako sa mall ng stall." I said. Naisip ko 'yun para matuto sa mas malaking responsibilidad. Napansin kong nakatingin sila pareho sa'kin. Seryoso. Ano kaya ang iniisip nila?

"R, ano naman ang plano mo?" Tanong ni Mommy.

"Wala lang. Gagawin kong training ground ang ganun." I said as we're eating. Sana maging ganito kami lagi.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon