Day 325

18K 672 35
                                    

6:04 AM

Claudine: Good morning wifey. Tulog ka pa. Update ako.

Claudine: Nagkulong ako sa kwarto pero pagdating ng gabi ay dumating si Daddy. Inaasahan ko na ang pagpasok niya sa kwarto ko. Naglilibang ako sa hawak kong baraha "Ano RM?" Bungad niya. Napatingin ang mata ko sa kaniya but my head didn't move. Ayokong iharap ang ulo ko sa kaniya para pakinggan siya kahit alam kong pagagalitan niya ako na parang bata. "Yan nalang ba ang kaya mong gawin, ang gumawa ng gulo?" Mahinahon siyang magsalita. Ayoko nang mangatwiran pa. Kahit sabihin kong hindi kami ang nagsimula ng gulo, hindi parin siya makikinig sa'kin. "Pasalamat ka dahil may malasakit si Rogelio sa'yo. Kung wala si Rogelio, makakawawa ka sa kulungan at mas maiging makulong ka na habang buhay!!" Medyo tumaas na ang boses niya. "I made myself a kind parent. I was too busy to our businesses dahil hindi ko pwedeng pabayaan ang lahat!! Aaminin kong hindi ako naging Ama sa'yo dahil napabayaan kita. Sapat ba 'yun para gawin mong patapon ang buhay mo?" Tinutuloy ko lang ang paglalaro ng baraha kahit wala na ako sa concentration. Nakikinig ako sa sinasabi niya. Sana matapos na. "Ano na naman ang gusto mong sabihin ha.. RM? Magsalita ka!! Sabihin mong hindi madadala sa hukay ang pera gaya ng malimit mong sabihin." Ito ang sandali na ayokong magsalita. It's useless to see him full of furiousness 'cause I'd do to bring back what he was saying to me. It's nonsense. Punong puno ako ng kalungkutan ngayon. "Ano?! Magsalita ka!!" I prefer to remain silent. Binaba ko ang baraha pero hindi ako humarap sa kaniya. Nakahiga parin ako. "Ganito nalang, tutal mas gusto mo ang larong perdigana. Hindi ko nalang ipapadama na importante ka sa'kin. Sasabihin ko nalang sa'yo na hindi kita minahal. Ikukumpara nalang kita sa mga Anak ng kaibigan ko! Gusto mo ba 'yun. I didn't compare you to the other succeeders bacause ayokong sumama ang loob mo. Sampung taon ka nang nagpapakasarap sa buhay habang ang iba ay nagsusunog ng kilay! Ngayon sabihin mong hindi ka dapat pakialaman?! Puro pasarap sa buhay at gulo lang ang gusto mo! Ako na naman ba ang sisisihin mo?! Sumagot ka!! Pinagdadasal kong maging mabuting Anak ka pero hindi parin. Ngayon, ipapadama ko sa'yo ang pagmamahal na hinahanap mo. I will let you spend your money that came from me. Bahala ka na sa buhay mo dahil ang pakialaman ka ay maling gawain. Hindi na kita papakialaman simula ngayon. Gamitin mo ang kapangyarihan mo. Manggulo ka kung gusto mo. Uminom nang walang umaawat sa'yo, makipag-away o pumatay ng tao. When you near to put in jail, I'm here to help you. Pero kung mamatay ka, hindi ko na kasalanan 'yun dahil ginusto mo ang lahat ng 'yan. Ang resort na nakapangalan sa'yo--kunin mo ang kita para gastusin sa kung ano-ano! Wala na akong pakialam. Magpapaka-ama nalang ako dahil Anak kita. Kahit naman anong gawin ko, hindi mo ako susundin 'diba? Ang gusto mo ay 'yung walang makikialam sa'yo kahit mamatay ka pa! Pwes hindi ko na panghihinayangan 'yun dahil baliwala ka na sa'kin simula ngayon!! WALA KANG SILBENG ANAK!!"

Sumigaw na siya. Nabigla ako sa mga sinabi niya. I don't speak. Gusto kong umiyak. "Marco!" Dumating si Ate Paulina. "Ako na ang bahala kay RM."

"Paulina! Hayaan mo na siya. Simula ngayon, bahala na siya sa buhay niya."

"Anak mo parin siya. Huwag kang magsawa na tulungan siya. Baka mas lalong--"

"AYOKO NA! SAWANG SAWA NA AKO! LAHAT NA GINAWA KO PERO PARA SA KANIYA BALIWALA PARIN!! WALANG SILBENG ANAK! AKO NA ANG SISIHIN NIYO DAHIL HINDI AKO NAGING AMA!! BUWISIT!!"

Ngayon ko lang nakitang sumigaw ng ganiyan si Daddy. The end is near. Umalis na siya. Alam kong wala na akong magagawa pa. Wala akong alam. Nagsisisi na ako. Bakit ngayon pa?! Tumulo ang luha ko. "RM, magpakatatag ka. Hindi pa ito ang katapusan. Huwag kang maniniwala sa Ama mo. Kunyari lang 'yun. Galit lang siya dahil sa ginawa mo, RM!" Niyakap ako ni Ate Paulina. Hindi magagamot nang ganiyang salita ang nangyari ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Ate Paulina, iwan mo muna ako."

"Magpapadala ako ng pagkain. Kanina ka pa yata hindi kumakain."

"Kakain ako kung gusto ko. Ayokong dadalhan niyo ako ng pagkain dito." Nagtalakbong ako ng kumot.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon