Note

237K 3.8K 150
                                    

Edited 'tong part na 'to kaya maybe hindi tugma ang mga comment.

This story is Private Message at Facebook also known as PM. So, ito 'yung walang ibang nakakabasa kaya may freedom kayong sabihin ang kung ano ano specially kapag close friends niyo. Kung baga, pinabasa ko lang sa inyo ang Private convo ng dalawang characters kaya sana maintindihan kung bakit parang kakaiba o medyo malandi at walang preno minsan. Kahit naman kayo, iba ang ugali niyo sa public post niyo kaysa sa private chat. Iba din ang approach sa kakilala kaysa sa stranger. Mas open ka minsan sa kawirduhan mo. Basta sana magets niyo. Parang nalaman niyo 'yung password ng kaibigan niyo at lihim niyong binasa 'yung chat sa FB niya kaya matatawa at ma-aakwardan kayo. Ganun. Pansin ko lang kasi na maraming nagtataka eh. Specially sa mga ugali ng lalake kapag nakatalikod ng GF. Madalas silang mambola ng babae pero hanggang doon lang 'yun. Nature na 'yun ng tao. Hindi ko nilalahat.

At ito pa, sa mga gustong makaalam kung ano ang kasarian ko. "Lalake po ako." Oo lalake ako. Sobrang dami kasi ang nagtatanong once na mabasa ang few chapters nitong story. Nakakapagod sumagot. Ayoko lang talagang ilathala (lalim) ang aking kasarian.

'Yun lang at maraming salamat sa magbabasa. Godbless and goodluck.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon