Day 309

24.6K 618 26
                                    

5:33 AM

Russel: Good morning! Iloveyou asawa ko

6:56 AM

Russel: Mamaya na uwi ni mama, super excited ako. Maaga ako matutulog. Pasok na ako

10:33 AM

Claudine: Okay, I love you too wifey. Hindi ko alam magiging sitwasyon natin but I can understand.

12:55 PM

Claudine: Excited tuloy ako sa lunch dahil makakasabay ko si Rosen. Laging si Maico lang ang kasabay ko pero bakit nga ba hindi ko siya sabayan araw araw? Pwede naman 'yun at hawak ko ang oras ko. Dumaan na ako sa office ni Maico. Tumingin lang siya ng pumasok ako. "Let's go!" Sabi ko.

"Maaga pa." Reklamo ni Maico.

"Sabayan natin si bakla."

"Sabi mo ayaw mong marami tayo." Tuloy lang siya sa trabaho.

"Bakit ba nakakulong ka?"

"May tinatapos ako."

"Mamaya na 'yan. Gusto ko lang makita si bakla habang nililibre si Rosen."

Tumayo agad siya. Inayos ang mga papeles na nakakalat sa lamesa niya. Akala ko, babarahin na naman niya ako eh. "Let's go." She said.

Ito ang oras ng lunch. Sabay sabay lahat kaya mas gusto kong nahuhuli kami. Hindi naman masisi ang mga gutom na tao kaya nagsasabay-sabay talaga. Nakita ko na ang mga janitor. Pero ang isa sa hindi ko inaasahan ay nag-ring ang phone ko, may tumawag sa'kin. Si Jordan. "Hi baby, I'm here. Naglalakad sa loob lobby. Where are you?"

Oh my! Maya maya lang kasama ko na si Jordan. Binigla niya ako. Gusto niya palang sumabay sa'kin maglunch. Free time niya at ang oras na 'yun ay gusto niyang igugol na kasama ako. Nakita ko sila na magkakasama. Humiwalay si Rosen sa mga kasama niya para tumabi kay bakla. Kaharap nila si Queenie at Maico. Napatingin sila sa'min. "Hi Guys, he's Jordan." Nginitian nila si Jordan pero kay Rosen ako nakatutok.

Hindi naman siya nakangiti pero maayos ang pagtanggap ng tingin niya kay Jordan. Ang isa sa inaalala ko ay baka nagseselos siya. I don't know why I care for his feelings for me. Masyado akong natuwa sa kaniya. Hindi malayong matuwa at ma-in love siya sa'kin. Kahit naman ganiyan siya, lalaki parin siya. Pinakilala ko siya kay Jordan. I don't care if hindi magustuhan ni Jordan si Rosen dahil sa ugali nito pero wala namang problema. Nagsimula kaming kumain. Nagtatawanan sila at kami ni Jordan ay nag-uusap lang. Nasa kanila ang atensyon ko pero nakatingin ako kay Jordan. Tingin ko, wrong timing siya dahil mas gusto kong kausap sila bakla this time.

"Tell me about yourself." Narinig kong sabi ni Maico kay Rosen.

Topic kasi nila 'yung interview. Hindi kasi si Maico ang nag interview kay Rosen kaya nagtry siya. Nakikinig ako't interesado. "I'm Rosen. 16, masipag, matulungin, mabait, maka-Diyos, hindi babaero, gentleman, hindi manyak..." Nagtawanan lahat. Pigil ang tawa ko dahil nagsasalita si Jordan habang kumakain kami. I know even Jordan heard it but hindi ang tipo ni Jordan 'yung makiki-isa sa mga hindi niya kaclose. Or judgmental lang ako? Sabagay, halata naman na wala doon ang atensyon niya.

"Hobbies?" Tanong uli ni Maico. Grabe naman 'tong mga 'to, hindi pa tapos kumain panay na ang kwentuhan.

"Playing basketball and guitar." Sagot ni Rosen na ganado pa.

"So, you know how to play guitar?"

"Syempre."

"What song do you oftenly play?"

"Sweet child of mine." Wow!

"Gimme some chords."

"Kailangan pa ba 'yun? Trabaho ang pinunta ko, hindi tanungan ng mga chords."

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon