Day 305

28.1K 679 52
                                    

6:33 AM

Russel is typing ....

8:36 AM

Claudine: Good morning wifey!

9:33 AM

Russel is typing ....

6:34 PM

Claudine: Sensya ngayon lang nagchat. Now lang ako nakapag open

Russel: Kanina pa ako naghihintay eh.

Claudine: Bakit hindi ka nag chat?

Russel: Hinihintay lang po kita gaya ng usapan natin.

Claudine: Wait lang, mamaya muna ako magchachat ah

Russel: Bahala ka.

8:04 PM

Claudine: Excited na ako hihi

Russel: Excited ka samantalang ako malulungkot.

Claudine: Tawag nalang muna ako. May pang call pa ako

Russel: Ok!
seen 8:09 pm

10:09 PM

Russel: Matulog ka na ah. I love you. Wag ka na mag reply. Baka ano pa ang maitype mo.

11:03 PM

Russel: Malapit na ako. Oo malapit na akong makarating. Kasama ko ang driver ko. Hanggang sa nakita ko na ang kotse ni Maico. "Tito, ayun sila. Pakitigil mo na po." Sabi ko sa driver ko.

Bumaba ako. "Iiwan na ba kita?" Tanong lang ng driver ko.

"Sige, sasabay ako kay Maico." Umalis na ang kotse.

Napansin ko na bumukas ang bintana ng kotse ni Maico tapos nasilip ko na nakahiga ang upuan sa driver's seat. Usapan kasi namin na hihintayin nila ako para sabay sabay na kaming makarating sa birthday. Iniwan ko na ang phone na ginagamit kong pangtawag kay Jordan. Matapos kong itext na hindi na kami tuloy ay umalis na ako. 'Di bali nang magalit siya. Gusto ko talagang sumama. Hindi ko kayang magmukmok kasama siya habang ang isip ko nasa birthday. Dahil gusto ko ding makita si Rosen. Gusto ko lang naman na linawin ang lahat. Baka ito na ang huli. Pero sa'min ni Jordan, marami pang pagkakataon. Malaki ang pagkakagusto niya sa'kin kaya I think he never breaks me even I won't be broken if happens.

"Ang tagal mo?" Sinilip ko agad si Rosen. Lumingon siya sa'kin. Totoo nga na siya si Rosen. Itinayo niya ang upuan. Sa unahan sila nakaupo. Pwes umupo ako sa likod but hindi ako sumandal para malapit ako sa kanila.

"Hi, Ken!" Napatingin ako kay Rosen. Nakangiti siya sa'kin. Napapatanong ako this time sa sarili ko. Alam ko na, wala na siyang balak pumasok kaya hindi na niya ako ginalang. Saglit na napatingin ako sa kaniya.

"Hayaan mo na nga lang, Ken." Reklamo ni Maico. "Sa'kin nga Maico lang ang tawag niya eh. Hindi naman daw oras ng trabaho."

Ano ba 'tong naiisip ko? Paranoid ako. It means may chance na pumasok pa siya. "A-alam ko! Oo nga. Hindi niya tayo dapat galangin." Sagot ko tapos binalik ko ang tingin ko kay Rosen. Binuksan niya ang makina at pinaandar na ang kotse. "Bakit ba kasi bigla kang nawala?"

"Hindi ako nawala. Sabi sa'kin ng supervisor na umuwi muna ako. Umuwi ako. Tapos huli na nang malaman kong binawi na pala ang parusa."

"Sabi ko naman sa'yo 'di ba? 'Wag kang aalis?"

"Nawalan na ako sa mood mag trabaho eh. Pinanindigan ko lang 'yung suspension. Ayokong may masabi sa'kin 'yung mga 'yun. At isa pa tinatamad akong magtrabaho."

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon