Day 318

24.4K 797 31
                                    

1:01 AM

Claudine: Hindi na naman nagreklamo si Rosen nang malaman niyang hindi pa siya uuwi. Sabagay, nagyaya nga siyang gawin namin ang mga bagay na hindi pa namin nagagawa. "Naiinis talaga ako sa pagmumukha mo!" Yan ang sabi ni Maico kay Rosen nang nakaupo na kami sa harap ng lamesa niya.

"Bakit ako na naman? Naglilihi ka ba? Wala pa ngang nangyayari sa'tin buntis ka na?!" Tumayo si Maico. I didn't like the joke. Umupo din agad siya dahil tinamad na sigurong lumapit kay Rosen.

Ano ba ang kinaiinis ni Maico? "Ewan ko sa'yo! What time kayo uuwi?" Tanong ni Maico.

"Ngayon na sana." Sagot ko.

"Ang aga."

"May gagawin kami." Singit ni Rosen. Pinandilatan siya ni Maico. Pero ang kinagulat ko ay biglang tumayo si Maico para hilahin si Rosen sa labas.

"Wait lang Ken, I'll talk to him within 34 seconds." Sabi ni Maico. Wala naman akong balak sundan sila pero tingin ko talaga may tinatago sila sa'kin eh. Parang hindi ko agad nagustuhan 'yun. I don't wanna think any various things just because of that mysterious conversation like that. I get crazy to think every nagativity or possibility would it be. Should it be secret. But I want the answer even Maico won't tell the truth behind of this talk. It's gone unpredictable as well. Maico wants me to be happy I know. But still very confusing why did Maico do to talk Rosen trash even those behaviors she did.

Matapos silang mag-usap hinayaan ko sila muna. "Aalis na kami." I said. I'm happy this time dahil kasama ko si Rosen. "Rosen, mauna ka na sa labas." Utos ko para tanungin si Maico.

Nakatingin lang siya sa'kin. "Ken, I'm sorry pero kailangang isipin din ang kaligtasan mo." Nauna na agad siyang magsalita. So, alam niyang may kailangan siyang sagutin.

"Maico, nagtaka lang ako kung bakit kailangan mo pa siyang kausapin. Okay, dahil sa sinabi mo, nawala na ang misteryosong posibleng mangyari. Ramdam kong ligtas ako sa kaniya."

"Sinigurado ko lang. Masaya ka at masaya ako para sa'yo. Pero hindi mo pa siya kilala ng lubos. Una, janitor siya. Pangalawa, sinasabayan ka na niya ng lunch, pangatlo, dinadalaw ka na niya, at ngayon kanang kamay mo na siya. Ayokong isipin na in love ka pero 'yun ang nakikita ko."

"Bakit, malaking gulo ba kung sakaling ma-in love ako?"

"Hindi sa ganun, Ken. Pero ngayon panatag na ako."

"Hindi kaya sobra na ang pinapakita mo sa kaniya?"

"Huwag kang mag-alala Ken, alam ko ang ginagawa ko. Maybe, nakakainis lang dahil hindi ako ang taong napili nang nasa Itaas para pasayahin ka. Kahit anong pilit ko, hindi ko magawa pero ang isang tulad pa niya ang nakagawa. Okay nga lang sana kung nakilala mo siya na nasa mataas na lipunan, hindi na ako magtataka but you found him awkward. It was awkward to do those kind of things unlikable."

"Dahil unti unti ko siyang nakikilala. Pag pinagtagpi-tagpi ang lahat, naghahalo ang iba't ibang ugali pero isa lang ang kinalabasan. He's so very nice. Kilala niya ang Panginoon. 'Yun ang importante. Huwag mo na akong isipin, Maico. Alam ko ang ginagawa ko. Sa tagal namin na nagkakausap, hindi ko na kailangang sabihin pa na 'wag niya akong ipahamak dahil sigurado akong hindi."

"Lahat ng tao nakakakilala sa Panginoon kaya pwede siyang magkunwari lang."

"Hindi pwedeng magkunwari ang isang taong malungkot at galit habang sinasabi niyang 'Nakita ng Diyos ang nangyari' noong time na tinanggal ko si Danilo. May tiwala siya sa Diyos pero alam din niyang pwede siyang subukin nito anumang oras. Kaya alam kong kahit may ginawa siyang mali, nasa panig niya ang Diyos. Siguro galit siya dahil hindi siya nakapagtimpi sa galit niya kay Danilo. Naniniwala akong mabuting tao si Rosen."

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon