Day 134

53.4K 1.3K 100
                                    

6:55 AM

Russel: Good morning

11:09 AM

Claudine: Mamayang 8 na yung story ah.
seen 4:09 pm

7:09 PM

Russel: Sabihin mo kasi yung plano mo sa story para mailagay ko yung gusto mo

Claudine: Hindi pwedeng sabihin sayo. Kung sasabihin ko din lang dito, it's better ideretso ko na sa wattpad para hindi na ako magpapagod.

Russel: Ilagay mo na muna dito, tatapusin mo na?

Claudine: Oo, pero parang sa wattpad ko na gustong ilagay, ikaw kasi e!

Russel: Bakit ako? Kailan mo naman ilalagay sa wp?

Claudine: Pagsinipag

Russel: Eeeeeeh ngayon mo na ilagay dito

Claudine: Not official na lang kasi papabilisin ko na yung story

Russel: Ganun ba? Bahala ka po

Claudine: Hindi sa ayokong makialam ka, mahirap kasi baka maiba yung ending na naisip ko eh. Baka mamaya maiba pa, gawin mong common na magigising sa katotohanan ang mother ni Russel tapos pagbibigyan na sila, basta ako na ang bahala, wait lang, pahinga lang ako.

Russel: Oo na, ewan, basta ngayon ah. Ayokong pinaghihintay ako

Russel: Joke!!!

8:02 PM

Claudine: POV style na lang ah.

Claudine is typing ....

8:10 PM

Claudine: Russel's POV

"Russel, bilisan mo! kailangang nasa airport na tayo 2 hours bago ang flight." Sabi ni Tita na lalong dumudurog sa puso ko.

Ayoko namang sabihin na buntis ako dahil mahahalatang nagsinungaling ako. Hindi kasi nila alam na tapat sakin si Claud. Kahit maraming beses kaming nabigyan ng pagkakataon para magsex, hindi niya ginawa dahil inaalala niya ang future. Siya ang future ko at wala nang iba. Hindi ba niya maintindihan yun?

Nakasakay na kami sa taxi na maghahatid samin papunta sa 'walang forever' na lugar. Nakakainis. Parang hindi ko kaya. Binibilang ko ang bawat segundo habang nakaupo kami dito at naghihintay ng flight. Parang napakabilis ng oras.

"Russel be ready, after 30 minutes, aalis na tayo."

Parang iiyak na ako dahil mawawala na ang pag-asang makasama ko si Claudine. Paubos na ng paubos ang oras, hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya. Can't imagine myself habang nasa byahe.

15 minutes.....

Hindi ko na talaga kaya. Kinuha ko yung malaking bag ko. Umalis ako dahil nakaidlip si Tita. Papalayo na ako ng papalayo. Nang makalabas na ako ay tumawag ako kay Claud.

"Hello Claud."

"Kamusta? Nasaan na kayo?"

"Hindi ako sasama. Tumakas ako."

"Bakit?!! Anong kalokohan yan?"

"Sunduin mo na lang ako at saka na tayo mag usap. Papatayin ko ang phone ko para hindi nila ako makontak. Please, andito na 'to, hindi ko kayang malayo sa'yo. Please!"

After naming mag-usap ay pinatay ko ang phone ko. Hanggang sa nagkita na kami ni Claudine. Niyakap ko agad siya.

"Hindi mo ba alam na mapapahamak ka sa ginawa mo! Ngayon ang araw ng alis niyo!" He said while he's hugging me. I know masaya siya sa ginawa ko and I know hindi niya ako papabayaan. I know mahal niya ako and lastly I know, ayaw niya din na umalis ako.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon