Chapter 57(part I): [Bestfriend]

Start from the beginning
                                    

At kung ano ito? It is an address, an address of an unknown mansion. At ang pangalan ng lugar na nakasulat sa papel ay ang Conopus Mansion. Maging kung saang floor nandoon ang ililigtas namin.

I don't have any idea about the address, kaya naman lubos kong ikinagulat ng bigla nalang sabihin ni Blaise na alam niya ang lugar na ito.

Mula din noon ay hindi na siya kumibo pa. Ewan hindi ko siya maintindihan. Whats with that place? Bakit ganito nalang ang reaksyon niya?

"'Yung mga baril sa likod ng sasakyan. Kanino galing ang mga iyon?"

Nanlaki ang mata ko ng bigla itong itanong ni Blaise sakin ng may seryosong tono.

N-Nakita niya?

"Kay Max." Maikli kong sagot dito.

Alam na niya eh Ide-deny ko pa ba? Tutal hindi naman siya ganoon kainusente para matakot sa mga baril.

Hell! Siya lang naman ang leader ng pinakalakas na grupo sa Crimson palace! Itatanggi ko pa ba?!

At oo kay Max ito galing, bago kami umalis sa ospital ni Blaise. Sinabi sakin ni Max na may ibinilin pa sa kanya si Miss M na ibigay saamin bago kami umalis. So I followed her until she gave me a black bag. Bag na unang abot pa lang saakin ay alam ko na kung ano laman.

Guns..

At doon ko lang na pagtanto na hindi biro ang gagawin namin.

Out of curiosity, hindi ko maiwasang maitanong kung sino ba ang ililigtas namin. Bakit kailangan namin ng mga baril at kung ano ano pa. Pero walang nasagot miski isa si Max. Dahil hindi niya rin daw nito alam ang mga sagot sa katanungan ko. Basta ang alam niya lang, importanteng tao sa buhay ni Miss M ang nasa Conopus Mansion..

Si Miss M...

Napaka-misteryoso niya para saakin pero sa kabila noon. May kung anong bagay parin sa loob ko ang tumutulak para tulungan siya. Siguro naawa lang din ako sa kalagayan niya ngayon. Dahil sa lagay niya ngayon? Alam kong hindi niya nga maililigtas ang taong ito. And as I always wanted to do ay ang may magawa ako kahit papano para pasayahin ang isang tao. Kilala ko man ito o hindi...

At isa pa....

May pagkakahawig sila ni Miss Miesha, kaya siguro ganito din ako kakomportable sa kanya..

But I can't deny that this mission seems very strange, pero wala naman sigurong mawawala diba kung subukan naming makatulong?

Matapos kong sagutin ang tanong ni Blaise hindi na naman ito nagsalita. Kaya naman tumahimik nalang akong muli.

"Sapat ba ang mga baril para sa ating lahat?" Pagbabasag ulit nito sa katahimikan.

Kung sapat ba?

I am not sure so I grabbed his wrist and I dragged him at the back of his car, kung saan nandoon ang mga baril.

"Hindi ko pa alam kung kasya nga. So lets check it." Kaswal ko lang na sabi dito at binuksan na ang likuran ng sasakyan.

Binuksan din naman ni Blaise ang itim na bag at napangiti ako ng makita ko ang mga laman nito.

"D*nm, ang gaganda!" Mangha mangha kong reaksyon sabay himas ko sa isang hand gun na kulay ginto pa! S-Saan nakuha ni Miss M ang mga ito?

There is a number of pistol, rifle and hand guns. May mga shot gun din at machine gun.

Hindi lang mga simpleng baril ang mga ito dahil sa kulay, tekstura at bigat palang nito ay alam mo nang mataas na ang kalidad.

"The more guns they gave, the more dangerous our mission is."

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now