Chapter 56 [The Other Side]

ابدأ من البداية
                                    

Boses na miski sa panaginip ay pinapanalangin kong h'wag na muling marinig.

H-Hindi...

H'w-wag ngayon, hindi pa ako h-handa.

Pilit akong nagmamakaawa sa bagay na ito pero sino nga namang sasagot sakin. Niloloko ko lang ang sarili ko.

Hindi ko na napigilan pang pumatak ang luha sa mga mata ko ng makita ko mismo kung anong meron sa braso ko.

My vains is turning purple at para itong sasabog dahil sa pamamaga nito.

Bagay na ikinawawasak ng dibdib ko. Bagay na nagiging dahilan ko upang lumuha hindi dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Kung hindi sa awa ko sa sarili ko, dahil sa ganitong paraan ko lang kayang protektahan si Myrttle.

Walang akong kwentang nilalang na walang kakayahang ipaglaban ang taong mahalaga sakin sa patas na paraan.

Kaya heto, ang sarili ko nalang ang isasakripisyo ko para maprotektahan siya. Para maprotektahan si Myrttle.

Wala din naman nang patutunguhan ang buhay ko. Kaya mas maganda pang isakripisyo nalang ito sa taong mas nararapat pang mabuhay kesa saakin. At siya iyon.

Si Myrttle iyon...

Ang nangyaring gulo matagal na taon na ang nakakalipas. Ang pagdukot nila sakin.

Ay isa lamang...malaking pagkakamali..

I'm not their true target.

In fact I'm just their failure.

Because it was her, their target is Myrttle.

Tandang-tanda ko pa ang mga unang araw ko sa kampo ng mga Montague. Ang Montague ang ikalimang Giants sa organisasyong meron ang lolo ni Myrttle.

Lubos kong ipinagtakha kung bakit sa kabila ng impormasyong hindi ako ang batang dapat nilang dinukot ay ni hindi man lang nila ako kinanti para saktan. And instead of being harsh to me, they treated me like their own child.

Kasama kong lumaki ang tatlo pang anak ni Chairman Montague. At sila ay sina Cloud, Rain at si Milory. Si Could ang panganay na anak ni Chairman Montague at ang eredero ng Montague clan. Magkaedad kami nito ngunit hindi kami nito naguusap. Siguro ay hindi nito gusto ang makipagusap sa kagaya ko. Kagaya kong noon pa man ay hindi alam ang lugar ko sa pamilyang ito.

Ang sumunod ay si Rain. Anak na babae ni Chairman Montague na sumunod kay Cloud. Magkaibang-magkaiba sila ni Cloud dahil si Rain ay napakabait. Hindi ito makabasag pinggan. Pero akala ko lang pala iyon.

Dahil nagbago ang lahat nang bumalik sa ala-ala ko ang eksenang inakala ko ay panaginip ko lang.

~*~

"Stupid! Hindi siya ang batang babaeng pinapakuha ko sainyo!"

Nagising ako sa pagkakahimbing ko ng makarinig ako ng sigawan sa paligid ko. Medyo hindi pa ako makagalaw dahil sa gapos ko pero rinig na rinig ko ang pinaguusapan nila.

Madilim ang buong lugar at isang parte lang nito ang nasisilayan ng ilaw.

Then I saw him. Isang batang kasing edad ko ang maalam lang na nakatingin sakin.

Si Cloud..

Gulat na gulat ako ng may malakas na kung anong bumalot sa buong lugar. At halos maputol ang litid ko kakasigaw ng makita ko nalang ang duguang katawan ng kung sino sa harapan ko.

"Wala nang magagawa ang pahingi mo ng tawad . Marahil ngayon ay natunugan na nila ang pagkawala ng batang ito at itinatago na saatin si Myrttle." Galit na sabi ng isang lalaking may matikas na katawan. Tingin ko ay mas bata siya kaysa kay sa lolo ni Myrttle..

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن