Ngayon, pinapunta ko nalang ang tropa dito dahil ayoko nang lumabas ng Village. "EM, boring dito. Gala tayo." Yaya sa'kin ni Waine. Bestfriend ko na isa sa kasama ko ngayon.

"Saka na." Sagot ko. Lahat kami may hawak na alak. Mas gusto ni Ate Paulina ang ganito. Nakikita niya ako. Kaya okay lang na mag-inom kami dito.

Dumating si Ate Paulina. "RM, dadating ang Daddy mo. Salubungin mo ah. Tumawag ang gwardya. Nasa loob na ng Village." Umalis siya, hindi na ako nagsalita.

Binuksan ni Yolly ang gate. Pumasok ang kotse. Bumaba sila. Nakita agad namin si Kuya Rogelio. "Mga putt! Andito na naman kayo?!" Bulyaw ni Kuya Rogelio. Nakangiti lang ang mga kasama ko at si Daddy ay dumiretso na sa loob. Hindi nagbangga ang mga mata namin. Sanay na kami kay Kuya Rogelio. Ganiyan siya lagi. Para kaming mga nakababata niyang kapatid.

"Kuya, kamusta!!" Bati ni Patric kay Kuya Rogelio. Sanay na naman silang makitang lima kaming magkakasama.

"Pasalamat kayo't maimpluwensya ang mga magulang niyo." Sabi ni uli ni Kuya.

"Grabe Kuya, parang sinabi mo naman na ginamit namin 'yun!"

"Ano pa ba?!"

"Pag kinakailangan lang. Kailan mo ba kaming nakitang nagsimula ng gulo?"

"Gulo pa din 'yun kaya huwag kayong magmalinis. Mga hinayupak kayo eh." Umupo si Kuya at nagsindi ng sigarilyo. Minasahe ni Joey si Kuya. Malimit naman 'yan kasi takot sila kay Kuya. Tinaas pa ni Kuya ang paa niya sa isang upuan. "Tigilan niyo ako ah. Pag ako nainis, habang nakikipag away kayo, pagbabasagin ko 'yang mga mukha niyo."

Iiling iling lang ako. "Last na 'yun."

Biglang lumabas si Daddy. "RM, bibigyan kita ng trabaho ah. Sunduin mo bukas ang Mommy mo sa KG." Hindi na ako sumagot. Ganiyan siya matapos niya akong sermonan na parang bata, the next day kakausapin niya akong ng natural. Sanay na ako pero sa lahat ng away namin, ito na ang pinaka harsh dahil may mga sinabi siyang sobrang nakakasakit but it is only the time na magaang ang loob ko dahil tinanggap ko na sa sarili kong ako ang mali.

"KG, sinasanay na nilang KG ang tawag sa airport." Sabi ni Jaysie.

"Kennedy Go." Sabi ni Kuya Rogelio. "Pinalitan nila ng pangalan. Sila naman ang may ari nun."

"Mas sanay ako sa GIA eh." Sabat ni Waine.

"Mahal na mahal ng Daddy eh." Sabi ni Kuya. "RM, alam mo ba kung bakit kami nandito ngayon?"

"Kuya, huwag mo akong tanungin." Sagot ko.

"Walang importante, mas malapit sa Manila pero bakit dumating kami dito? Tatlong oras ang byahe. Nakakapagod."

"Huwag niyo akong sisihin."

"Dahil gustong alamin ng Daddy mo ang kalagayan mo."

"Oo na." Binigyan ko ng isang basong alak si Kuya Rogelio.

"Mabalik tayo sa KG." Sabi uli ni Jaysie. "Siya ba 'yung palakad lakad na babae sa airport minsan?"

"Oo siya 'yun." Sagot ni Kuya. "Kabaliktaran niyo siya. Siya ang appointed Board of director, share holder ng dalawang kumpanya. Matuwid ang buhay. Hindi katulad niyo, puro pasarap."

"Teka Kuya, owner ako ah." Sabi naman ni Waine kaya nagtawanan sila.

"Owner ng bar na puro kaguluhan." Nagtawan uli kami dahil sa sinabi ni Kuya Rogelio.

"Wala na 'kong planong kilalanin pa ang babae na 'yun." Sabi ko naman.

"Huwag kang bitter RM." Sabi ni Kuya Rogelio. "Kasalanan mo 'yan kung bakit kahit ikaw ang anak ni Don Marco, langit at lupa kayo. Kaya kung si Arseli na tinanggap ka, malayong tanggapin ka ng tulad niya."

"I don't care. Hindi ko din naman siya gusto. At ang share niya, malamang pinagpaguran ng Ama niya dahil bata pa siya. Hindi niya naabot 'yun dahil sa sarili lang niya." Napikon ako dahil ayokong kinukumpara ako sa ibang Anak ng kaibigan ni Daddy. It was ridiculous. Hindi ko na pangarap pang mag-asawa ng taong laki sa yaman. Gusto ko 'yung katulad ni Ate Paulina. Kaso walang mayaman na katulad niya.

"Dahil masunurin siya. Sinuklian niya ang pagmamahal ng magulang niya. Kaya nararapat lang na ipangalan sa Prinsesa ang kaharian. Dahil siya ang magmamana nun. Ikaw RM, naisip mo ba kung bakit RM ang pangalan mo? Dahil Rose and Marco. Huwag mong iisipin na hindi ka nila minahal."

"Oo nga, dinadala ko ang pangalan nila, pero wala din. De Rocca. Mas gusto ko ang pangalan ni Mommy."

Biglang tumawa si Patric. Nakatingin lang kami sa kaniya. Hindi siya maawat sa kakatawa. "RM! Tanginang 'yan. Hindi ko maimagine na ang kagaya mo, Rose ang pangalan." Hindi makamove-on kakatawa si Patric kaya lahat nagtawanan na pati si Kuya Rogelio.

"Baliw!" Sabi ko. "Donez ang tinutukoy ko. Pangalan ng Mommy sa pagkadalaga." Umiling ako pero nahawa na ako sa kanila kaya tumawa na din ako. Kaya gusto ko silang kasama 'cos we have a moment like this. 'Yung parang walang problema dahil mahahaluan ng tawanan ang paligid. Lahat kami may mga lungkot sa buhay.

"Ayaw mo ng De Rocca. Rocco rocco ka kasi." Sabi ni Waine. Tumawa uli sila. "Mas maigi nang GO ang apelyido. Buhay na buhay."

"Huwag ka ngang maingay, marinig ka ni Daddy." Tumatawa na din ako at umiiling. "Hindi ko nga alam ang itsura ng Kennedy na 'yan kaya huwag niyong mabanggit banggit sa'kin miski ang apelyido niya. Nasusuka ako sa ganung klasing babae."

"Bakit RM? Kilala mo na ba siya? Makahusga ka ah. Kung hindi mo siya gusto, isang libong beses na hindi ka niya gusto kaya huwag kang magmalaki diyan." Sabi ni Kuya Rogelio. Ewan ko ba. Ang bitter ko.

"Gaya nga ng sabi ko, I really don't care!" Sinabi ko nalang.

"Ayusin mo ang buhay mo. Asikasuhin mo ang negosyong pamana sa'yo."

"Wala akong alam sa negosyo. Pera lang ang kukunin ko." Ganito talaga ang ugali ko pero iibahin ko na. Hindi ko na sasayangin ang pera ko.

"Mas gusto mo pang iba ang nangangalaga ah. Pag-aralan mo 'yan para may ginagawa ka."

Kamag-anak na kasi ang turing sa'kin ni Kuya Rogelio kaya kung kagalitan niya ako ay parang nakababatang kapatid. Kaya hindi ko siya matawag na walang 'Kuya' dahil dama ko na Kuya ko siya. Alam din niyang gusto ni Mommy na kapangalan ko siya. Dahil sa tinagal tagal niyang nagsisilbi kay Daddy. May mga bagay na kinikwento si Mommy sa kaniya. Na ngayon ko lang narealize. Bakit kasi nadadaig ng sakit ang lahat kaya parang huli na para magbago. Gusto kong magsunog ng kilay pero malapit na akong maging 26. Naalala ko tuloy ang laging sinasabi ni Daddy. Hindi pwedeng puro pasarap lang sa buhay. Huwag daw akong magalit sa mga taong may narating dahil sila 'yung maraming pinagdaanan bago marating ang tagumpay. Unfair kung ang puro pasarap pa ang magtatagumpay.

Sarili niya ang tinutukoy niya at dahil doon, gusto ko nang maniwala na kontrolado ng Diyos ang mga tao. Ang mga pasarap sa buhay ang walang nararating. Hindi pwedeng habang may nagsisikap, merong puro pasasa ang gusto. Mas mahirap daw magtrabaho gamit ang utak kesa magtrabaho na katawan lang ang puhunan. Walang iniisip, sundin lang ang utos, okay na. Mas mahirap mag-utos kesa utusan dahil mas malaking responsibilidad ang nakaatang sa balikat nila. Pero ganun pa man, mas masarap sa pakiramdam dahil nag uutos ka dahil may narating ka, dahil mataas ka na. Bakit ngayon lang nag sink-in sa utak ko ang lahat?

Wala na sila. Nag-iisa na naman ako. Kagagalitan na naman ako ni Mommy bukas. Pero excited ako this time na makita siya. Tama nga si Ate Paulina. Damahin ko ang pagiging Anak kesa problemahin ang lungkot. Magiging Anak nalang ako. Magpapaka-anak kay Mommy bukas dahil sigurado akong kakain kami sa restaurant. Masaya nga pala 'yun kahit sermon ang sasalubong sa'kin. Excited na ako. Eto na ba 'yung dasal ko? Natupad na yata. Magaan na ang loob ko pero wala akong nakikitang maganda sa future ko 'cos still I'm a worthless man.

To be continued ....

366 DaysWhere stories live. Discover now