8:09 AM

Claudine: Good morning wifey. Kanina pa ako gising. About an hour ago. Aalis na ako. Ipagdasal mo ako ah kahit sa panaginip mo. I love you.
seen 9:12 am

10:04 AM

Claudine: Sensya hindi ako makapagreply sa text mo. Nag upload lang ako photos. Andito na ako.

11:45 AM

Russel: Okay nakita ko nga, sige pakasaya ka. I love you

9:05 PM

Claudine: Nakauwi na kami. Next day na ang pasok ko. Mamimiss ko tong panahon na to. I love you wifey.

11:46 PM

Claudine: Ilang araw pa ang lumipas. Wala akong ginawa kundi magkulong sa kwarto. Kumakain ako kasabay ang mga kasambahay pero masyado akong tahimik. Hindi ako madalas makipag kwentuhan sa kanila unlike before. Pero ngayong umaga, medyo gumaan na ang pakiramdam ko. "Okay ka na?" Tanong sa'kin ni Ate Paulina. Nakaupo ako sa loob ng Gym ko. Nagpapahinga.

"Okay lang ako, Ate Paulina." Nagrelax ako ng konti at nagpunas ng pawis.

"Nakausap ko ang Daddy mo, dalawin mo daw 'yung resort mo. Para nakikita ka ng mga empleyado doon. Sa'yo naka-pangalan 'yun kaya kailangang kilala ka nila."

"Ako na po ang bahala." I answer as my eyes were closed. Gumaan na ang pakiramdam ko pero hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa future ko. Sobrang boring na. Ayoko nang sumama sa tropa dahil nakakasawa na talaga.

"Gusto kong linawin sa'yo na mahirap ang may kaaway. Masarap ngang ipakita sa kaaway mo na matapang ka dahil natalo siya sa'yo. Pero mas masaya ang pakiramdam ng malaya. Natatakot tuloy ako na baka bawian ka nila. Siguradong sila ang huhulihin ng pulis pero paano kung patayin ka nila? Wala nang silbi kung makulong pa sila ng habang buhay." Ayan na naman ang payo ni Ate Paulina. Ayoko nang magsalita.

Kahit sabihin kong 'Wala na ding saysay ang buhay ko kaya mas maiging mapatay nalang ako.' May isasagot at isasagot parin siya. Sa tinagal tagal kong nakasama 'yan si Ate Paulina, ni minsan hindi ko siya nagawang baliktarin unlike my Dad. Laging asar si Daddy sa'kin pag nakakasagutan ko siya.

"Basta, magdasal ka lang lagi. Kung makita ng tao na duwag ka dahil tumakbo ka sa away. Nakikita ng Diyos 'yan. Huwag mong iisipin ang sasabihin ng tao dahil mas importante ang nakikita ka ng Diyos. Naipakita mo ngang matapang ka dahil binugbog mo ang maimpluwensyang mayayabang, na dapat lang sa kanila na turuan sila ng leksyon.. kaaya aya ba 'yun sa paningin ng Diyos? Hayaan mo na silang magsigasigaan sa lugar na ito. Hindi na importante kung teritoryo mo 'to, ang importante ay wala kang kaaway. Walang Hari sa mundo kundi ang Diyos lang. Masarap sa pakiramdam 'yung walang kaaway."

Huminga ako ng malalim. Kahit ayoko nang marinig pa ang mga ganoong payo, laging sumisingit ang mga mas bagong sinasabi ni Ate Paulina kaya kahit anong gawin ko, wala ako sa katwiran. Parang gusto ko nang maniwala na Diyos ang nagbibigay sa kaniya ng karunungan. Bakit ba mas daig pa niya ang ibang kilala kong may pinag-aralan? Siguro, hindi pala dasal ang marurunong kaya mas nadadaig sila ng taong nagdadasal. Pilosopong sagot nalang ang makakadaig kay Ate Paulina. She's so amazing. I wanna have a girl like Ate Paulina. Oo mahal ko si Arseli pero ang gusto ko sa babae 'yung hindi umaangal kahit mali na ako. Gusto kong kasing lawak ng kalawakan ang pang-unawa niya. Kaso saan? Kalimitan sa mayayaman, maaarte at konting pagkakamali lang, magagalit na. Sayang si Arseli, tanggap niya ako kaso nakakasawa na. Kung sana okay lang sa kanila kahit hindi ako makatulong sa negosyo, masaya sana ako ngayon ng higit pa sa inaasahan ko. Ayaw ni Daddy sa Pamilya ni Arseli dahil nung hindi niya napagbigyan ang mga magulang ni Arseli, miski siya nadamay dahil siya mismo ay sinabihan na layuan ko si Arseli na Anak nila. Ngayon ako nakaramdam ng hiya. Huli na ang lahat.

366 DaysWhere stories live. Discover now