Chapter 50: [Worst than nightmare]

133K 4K 1.3K
                                    

ALEXANDER MITSUO

"Davian alis na ako kailangan ko pang sunduin si Shenny."

Davian Yatsumi. The Student Council president. Pasado alas otso na nang gabi at uwian na ng last subject ni Shenny.

Kailangan ko siyang sunduin lagi, hindi lang dahil sa ito ang bilin ni Myrttle. Kundi gusto ko rin dahil delikado lalo na't babae siya.

"Okay, but make sure that you'll finish this papers tomorrow." Walang emosyon niyang utos sakin ng hindi man lang ako nililingon.

I'm the Vice President of the student council at bukod doon ay classmate ko rin siya sa mga major ko.

"Copy." Nagmamadali pa akong umalis sa harapan niya. Madami pa siyang pinipirmahang papel na ipapasa sa Head council, also known as H.U Rulers. Kaya sa tingin ko'y hating gabi nanamn ito uuwi.

Halos nakakabingi na ang katahimikan sa buong building. Dahil nga gabi na at tanging ang klase lang nila Shenny ang nagpapagabi ng ganito. Ewan ko ba sa schedule ng babaeng 'yun.

Harrison Rulers.

Kamusta kaya si Myrttle? Matagal ko na din syang hindi nakikita. At kung tama ang nabalitaan ko. May ginawang eksena ang Blaise na iyon kanina para sa kanya. Kalat na iyon sa school at syempre alam narin ito ng Student council. Sayang nga lang at hindi ko nakita dahil tanghali ang subjects ko.

Pero ipinagtatakha ko lang kung bakit naging ganoon ang reaksyon ni Myrttle. Our secretary says that Myrttle ignores Blaise apology.

But I don't believe it.

Myrttle is a kind of person that can easily forgive someone sa isang sorry lang nito. Teka mali...kahit pala hindi na mag-sorry ang taong nakagawa sa kanya ng mali, napapatawad na niya agad. Lalo na kapag mababaw lang naman o alam niyang hindi ito sinasadya. But her reaction earlier is way to different.

Dahil hindi ganoon ang Myrttle na kilala ko. Mas maniniwala pa ako kung sinuntok niya sa mukha si Blaise dahil sa ginawa niya pero hindi... May mali..

Ano bang kasalanan ni Blaise at hindi siya napatawad ni Myrttle. Sinabi ko na nga ba! Wala silang magandang maidudulot sa kaibigan ko. Kinuha na nga nila samin si Myrttle hindi pa nila papahalagahan. Anong klase sila!

"Alex!" Napatingin ako sa harapan ko ng marinig ko ang boses ni Shenny. I wave my hands to her.

Bata talagang 'to sinalubong pa ako. Sabi nang ako na susundo sa kanya eh....

Nakangiti lang ito sakin mula sa malayo. It is genuine. At hindi halata sa mga ngiting iyon ang pangungulila niya kay Myrttle.

She's missing Myrttle nitong mga nakaraang buwan. Dahil sa hindi mga malamang dahilan ay nagiging busy na si Myrttle. Sa bagay wala naman kaming alam kung ano ba talaga ang trabaho ng isang Rulers sa paaralang ito. Mas mataas ang pagiging Rulers kesa sa student council katulad ko. Sa kanila lahat ng desisyon kung papaburan nila ang bawat school project na ipapasa namin sa kanila. At nakakapagtakha ito dahil maging kami ay nangangapa kung ano ba talaga sila. Pero siguro nga mahirap talaga ang trabaho nila.

Tsk. Si Myrttle lang ang concern ko sa kanila.

Pero nagtakha ako ng humintong maglakad si Shenny papunta saakin. Nakalingon ito sa dereksyon ng business building. May kalayuan ito sa Main building kung saan kami naroroon pero maaninag mo parin ang bawat silid dito.

Napalingon din ako kung anong tinatanaw ni Shenny. At nagfocus ang mata ko sa nagiisang silid kung saan nakabukas ang ilaw.

May tao? Bawal ng pumasok sa school ng ganitong oras ah? I mean sa building na 'yan.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon