Chapter 49: [Please, stay]

Magsimula sa umpisa
                                    

Bilis ah.

"Ako rin." Sagot din ni Agata.

"Oh sige. Hintayin ko kayo." Nahihiya ko pang sagot sa kanilang lahat habang kagat-kagat ko ang hinlalaki ko. Agh...

"Sige Blaise sabay ko narin si Ate Linzy." Rinig ko namang sagot ni Ethan sa kabilang linya.

Binaba ko na ang linya at umupo na sa upuan ko.

Ugh, paano ba 'to. Bahala na! Basta Magso-sorry ako sa kanya. It's now or never and whatever it takes I still need to do something!

Kailangan kong bawiin ang lahat ng sinabi ko.

Ayoko, ayokong wala akong gagawin lalo na kung alam kong nasaktan ko siya.

Nakakainis. Bakit ba kasi padalos-dalos ako? Bakit ba lagi nalang akong napapangunahan ng emosyon ko? Bakit ba ganito ako kay Myrttle?

At bakit sa lahat lahat ng taong pwedeng paginitan ay sa kanya pa?

Pero bakit nga ba? Bakit ba ganito na ka espesyal ang tingin ko kay Myrttle? Bakit ba ako natataranta?!

Tumayo ako sa upuan ko at nagpabalik-balik ng lakad sa conference room.

Tsk, Ano ba naman kasi! Dapat hindi ko sinabi 'yun, dapat hindi mo sinabi 'yun Blaise. Nakakainis!

Nagpakawala ako ng isang mabigat na buntong hininga dahil sa inis ko sa sarili ko.

KIERA TAYLOR

"Ano nanaman kayang kalokohan ang trip ni Blaise at tinawag pa tayo ng ganitong oras." I said with my flat tone habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

Agad kaming umalis ng bahay ng kambal ko ng tumawag si Blaise. Ginamit narin namin ang sasakyan ni Daddy para mas mapabilis ang byahe namin. Si Ash ang nagdri-drive at ako naman ay nasa tabi niya.

"Ewan ko ba doon. Pero tingin ko importante talaga dahil alam kong hindi totopaking magtawag ng meeting 'yung si Blaise ng ganitong oras kung walang dahilan."

Sabagay tamad naman talaga siya.

"Kiera." Napatingin ako bigla kay Ash ng tawagin ako nito. At seryoso lang siyang nag mamaneho.

"Hindi ko gusto ang ginawa mo kanina kay Dayle."

Biglang namang nag-init ang dugo ko sa sinabi niya.

Hanggang ngayon ba naman hindi niya parin maintindihan ang ginawa ko?!

Ginawa ko lang ang tama sa paningin ko. And believe it or not. Wala akong kinakampihan. In fact, gusto ko ring sigawan si Myrttle sa hindi nito pinaglaban ang sarili niya sa mga sinasabi ng lahat. Hindi ko alam kung anong rason ng pagtahimik niya pero nakakainis iyon.

Pero mas nakakainis 'yung babaeng iyon. Si Dayle.

Friends?!

Kelan pa naging ganoon ang kahulugan ng kaibigan?

Deym!

Ang tunay na kaibigan sa oras palang na may magtatakhang manakit dito ay pagtatanggol mo na.

Pero 'yung Dayle na 'yun?!

Hell! Hinintay pa niyang masaktan ng sobra si Myrttle bago siya magsalita! Bago niya sabihing walang kasalanan yung KAIBIGAN NIYA.

Oh wait... Mali, Wala pa nga atang balak 'yun ipaglaban si Myrttle dahil kung hindi pa ako nagsalita mukhang hindi pa niya sasabihin ang totoo.

Ang totoo ay binibigyan ko siya ng pagkakayaong ipagtanggol si Myrttle. Dahil alam kong kaibigan niya ito at gusto ko talagang subukin kung sino ba talaga siya. At lalo lang niyang pinatunayan na tama ang mga iniisip ko sa kanya dahil sa ginawa niya kani-kanina lang .

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon