Chapter 34

6.4K 159 20
                                    

Den's POV

Hindi ko inakalang ganun ang sasabihin ni Alyssa kahapon. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Sa mga yakap na yun, na-feel kong safe ako. Masaya ako at nagkita na kami, nagkausap.

Kaso ngayon, simula pa kaninang umaga, hindi pa nagpapakita. Hindi man lang pumunta dito. Nasan kaya 'yun?

"Ma'am Michelle, it's already 2:00 in the afternoon. Diba may pupuntahan ka pa po?" sabi ng isa sa mga tumutulong sakin dito.

"Oh yeah. Thanks, for reminding me. I gotta go. Ikaw na bahala dito hah." sabi ko sakanya at kinuha ko na ang bag ko. "Kung makabalik akong maaga, iche-check ko kayo dito hah."

"Yes, Ma'am."

Nag-drive na ako papunta kayla Lola Bon. Hindi kasi ako nakapunta kahapon kasi nga si Alyssa ang kulit. Pero masaya naman.

(AN: Please play po yung nasa Multimedia. Pero huwag niyong i-imagine na si Aly 'yun. Hehe.)

Pagkababa na pagkababa ko, narinig ko agad ang tunong ng piano. Pero hindi katulad ng dati. Mafe-feel mong masaya siya. Ngayon, hindi eh. Parang malungkot. Lalo na iba ang mensahe ng tinutugtog niya ngayon. Ano bang meron?

Dahan-dahan akong pumasok para finally, makikita ko na siya. Iba ang tibok ng puso ko ngayon, parang katulad ng kay Alyssa. Iba talaga siya kung tumugtog ng piano. Mafa-fall ka talaga.

Unti-unti ko na siyang nakikita. Hanggang sa nakapasok na ako at...

"Alyssa?" halos pabulong kong tanong. Tumigil siya sa pagpiano.

"D-Dennise? A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya rin. Hindi ako makapagsalita. Si...Si...Alyssa? "D-Dennise, pano mo nalaman na nandito ako?

"I-Ikaw yung apo n-ni Lola Bonita?" tanong ko at lumapit sakanya.

Naalala ko nung tumugtog siya ng piano nung nasa Batangas kami.

"Oo. Bakit? May problema ba dun?" tanong niya. "Tsaka pano mo kilala si Lola Bon?"

"Aly..."

"Dennise, bakit? Okay ka lang ba?"

Hindi ako makapaniwala. Siya yung batang 'yun? Si Alyssa. I can't believe this. Pinagtagpo na kami ng tadhana, matagal na. Niyakap ko siya bigla.

"Dennise, are you okay?" tanong niya.

Yes. I'm very okay.

"Ang tagal kong hinintay na marinig at makita ka ulit." sabi ko.

"Huh? Nagkita na tayo kahapon ah."

Humiwalay na ako sa yakap.

"Oh. Alyssa, sino yan-- Michelle, nandito ka na pala."

Napakunot naman ng noo si Aly.

"Ma'am Lazaro? Ano pong gingawa niyo dito?"

"La, kilala mo si Dennise?" tanong niya.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Lola Bon.

"Opo, La. Kaibigan ko 'to. Tsaka teammate ko rin sa Ateneo." sagot ni Aly na may pagtataka pa rin sa mukha. "Teka. Paano kayo nagkakilala, Lola?"

"Mahabang kwento, Apo. Oh siya. Maiwan muna namin kayo." paalam ni Lola. "Dong, tara na."

Umalis na sila. Kami na lang ni Aly ang natira.

Until My Last Breath | AlyDenTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang