Chapter 41

5.7K 125 8
                                    


Ngayon ang araw ng alis ni Alyssa. Si Lola Bon, Dodong at si Dennise, ay kasama sa paghatid sakanya sa airport.

"Mami-miss po kita, Lola." sabi ni Alyssa at niyakap si Lola Bon. "Hayaan niyo po. Bibisita na ako palagian."

"Mami-miss rin kita, Apo. Dalaw ka ulit dito ah." sabi ni Lola.

"Opo."

Nilapitan niya naman si Dong.

"Brad," at nag-bro hug silang dalawa. "Kahit papano, mami-miss rin kita."

"Ang sakit mo, Brad. Bakit kahit papano pa?" biro ni Dong.

"Haha. Biro lang. Ito naman." sabi ni Alyssa. "Alagaan mo si Lola hah."

"Syempre naman. Wala nang iba mag-aalaga dito kay Lola kundi ako lang. Haha."

"Hahaha. Salamat hah." tinapik niya naman ang balikat ni Dodong.

Tumango naman si Dodong bilang sagot. Tinuro niya naman si Dennise gamit ang nguso niya.

"Relax. Wait lang." sabi ni Alyssa.

Tinungo naman ni Alyssa kung nasan si Dennise.

"Dennise," sambit niya at may matatamis na ngiti sa labi. "for the last time. Alam kong huli na 'to. Huli na natin 'tong paghihiwalay."

"Yeah. I hope so."

"Oo yan! Ayan ka na naman sa mga ano mo." Dennise chuckled at Alyssa's reaction. "Maghihiwalay tayong muli. Sa paghihiwalay na 'yon, sa ating pagbabalik, ay maayos na ang lahat."

Binitawan ni Alyssa ang malalalim niyang salita.

"Hihintayin kita sa Manila. Maghihintay ulit ako." sabi ni Alyssa.

"Darating ako." sabi naman ni Dennise.

"I love you." Alyssa said. Dennise smiled as a reply.

"Mag-iingat ka hah." Dennise said.

"Yes, I will. Tutuparin ko pa yung pangako natin sa isa't isa." sabi ni Alyssa. "Ikaw rin. Mag-iingat ka rin hah."

Tumango naman si Dennise.

"Flight **** Batanes to Manila."

"I have to go." sabi ni Alyssa bilang paalam.

The latter kissed Dennise on her forehead. She also kissed Lola Bon on her forehead at nakipag-bro hug kay Dodong.

Naglakad na siya at muling kumaway sa tatlo.

Samantala, sa kabilang banda, naghihintay na ang mga kaibigan ni Alyssa. Hindi lang mga kaibigan, kundi ang buong teammates niyang ALE.

"Asan na daw?" sabi ni Yeye.

"Ewan. Pero kanina pa siya nagtext na paalis na daw. Baka nandyan na." sabi ni Kim.

"Ang tagal." reklamo ni Vic.

"Yiiee! Excited na ako sa pasalubong." masiglang wika ni Ella.

😞😒 Itsura ng lahat except kay Ella.

"Whut?" -Ella

"Imbis ng yung pag-uwi ni Ly yung ma-excite ka, yung pasalubong na naman." sabi ni Mika.

"Problema mo dyan? Excited rin kaya ako kay Aly. Bakit ba?!" sagot ni Ella.

"Psst! Tumigil kayo hah." saway ni Gretchen.

Binelatan ni Mika si Ella, ganun din ginawa nung huli.

"Hon, anong oras ba yung flight ni Ly?" tanong ni Fille.

Until My Last Breath | AlyDenWhere stories live. Discover now