Chapter 8

7.8K 159 0
                                    

Alyssa's POV

Shit! Ang sakit ng ulo ko. Fck! What the hell happened last night? Wala akong maalala. Ang tanging nararamdaman ko lang may nami-miss ako. Nasa panaginip ko rin na hinalikan ko si Rachel. Ano ba 'to? Ayoko na ngang maglasing. Ang sakit sa ulo.

Sinubukan kong tumayo pero sumakit ang ulo ko. Tae naman oh.

"Oh, Ly. Gising ka na pala." sabi ni Dennise na kakapasok lang sa kwarto.

"Yeah. Ang sakit ng ulo ko eh."

"Hangover? Here. I have something for you." pinakita niya sakin ang tray na dala niya na may laman na breakfast ko.

"Thanks. But you don't have to do this." sabi ko. Nakakahiya kaya sakanya.

"Nah. It's okay. Tsaka si Ate Fille nagpadala nito sa'yo. And may med din dyan para sa hangover mo. For sure daw sasakit ang ulo." sabi niya ng naka-ngiti.

"Thank you." ngitian ko siya.

"You're welcome." Ang ganda din ni Dennise noh? Hindi imposibleng may magkagusto ko kay Dennise. Malay niyo, isa ako sa mga 'yun. "Bakit ka ba kasi naglasing?"

"Pang-alis stress lang." sagot ko.

Siguro kung walang Rad, liligawan ko agad 'to. Ang ganda eh. Ang swerte siguro ng magiging jowa niya.

"Stress? Si Alyssa Valdez stressed? Hindi halata. Tsaka saan naman? Sa pag-aaral? Eh ang tali-talino mo tapos maii-stress ka? Tsk. Di ako naniniwala." sabi niya. Hahaha. Hindi ba kapani-paniwala?

"Haha. Hindi." sabi ko sakanya. Ang cute niya sa reaction niya kanina. "Nakaka-stress pala ang love noh?"

Nagulat siya sa sinabi ko. Feeling ko ang gaan ng loob ko kay Dennise. Siguro, tama lang na mag-open up ako sakanya.

"Uhm..."

"Aakalain mong puro saya ang mararanasan mo kapag nagmahal ka. Pero hindi maiiwasan ang masaktan sa tuwing nagmamahal ka. Sabi nga nila, sa love may masasaktan, kapag nasasaktan, may love. Hindi mo man maintindihan pero ako intinding-intindi ko. Sa love kasi, minsan ang sitwasyon give more, expect less ka na lang. Masakit man pero kailangan mong tanggapin." alam kong clueless siya sa mga sinasabi ko pero kailangan ko nang ilabas eh. Masakit pala kapag tinago mo lang ng pagkatagal-tagal.

"Ly, hindi ka naman siguro masasaktan ng sobra-sobra kung makikinig ka sakanya. Diba?" tiningnan ko siya. Alam kong may gusto siyang iparating. Nakukuha ko ang gusto niyang sabihin pero hindi ko pa talaga kaya. "You know, I mean why don't you give her another chance? Malay mo isa lang yun sa mga pagsubok sainyo ni God. Tama si Amy, Ly. Everybody deserves second chance. Maybe this last chance, can save your postponed relationship."

Ang taray lang ng postponed. Kahit siya natawa sa sinabi niyang postponed.

"Hindi ko mini-mean na ngayon na. You should still take your time with that. Specially, your still hurt."

"You know what? Magtataka na talaga ako kung single ka ba talaga." sabi ko sakanya.

"I am. Why?" tanong niya.

"Iba ka kung mag-advice. Nagka-jowa ka na ba?"

"Nope. Why again?"

"Haha. Wala lang. Baka kasi may experience ka na sa ganitong sitwasyon ko. Kasi naman...wala." sabi ko sakanya. Iba kasi advice niya eh.

"Kumain ka na ng maka-inom ka na ng gamot." sabi niya sakin.

"Yes po, Doc."

Kailan ko ba pakikinggan si Rachel? Kahit ako gusto ko nang malaman kung bakit niya ako iniwan. Pero nangunguna parin yung sakit at galit. Hindi ko na alam. Sa ngayon siguro, hayaan ko muna.

Until My Last Breath | AlyDenWhere stories live. Discover now