Chapter 7

7.2K 134 13
                                    

Gretchen's POV

"Hoy, Alyssa! Tama na 'yan." pigil ko sakanya. Patay ako kay Dzi dito. Lalo na kay Fille. Ito kasing si Valdez, lasing na eh. Kung ano-ano na pinagsasabi.

"Ikaw, Shingkit...Ang kill joy mo! Inom pa, 'tol" sabi ni Aly na namumungay na ang mata. Pinipigilan ko siya kasi diba? Sikat tong mokong na 'to. Mai-issue pa 'to.

"Hi, Aly." may lumapit naman sakanyang babae. Maganda siya pero mas maganda si Den para kay Aly. Sa paraan ng pananalita niya, parang nilalandinniya si Aly. Naka-ngiti lang ang huli. Mukhang alam ko na ang mangyayari.

Sinasabi ko na nga ba. Umupo ang babae sa lap ni Aly at hinalikan ito. Si Alyssa naman tumugon sa mga halik ng babae. Hindi to pwede.

"Woah!" nasambit ng mga kaibigan ko. "Hahaha. Nice one, Ly"

Mga lokong 'to. Di ba nila ma-realize? Ay tanga mo naman, Gretchen. Lasing na rin ang mga yan eh. Hooh! Anong gagawin ko dito? Bahala na. Si Yeye na lang ang medyo tipsy. Di naman kasi siya uminom masyado eh.

"Uhm, Miss. Excuse me." hinila ko ng kaunti ang babae para humiwalay kay Aly.

"Hmm? Do you want it too?" tanong nito sakin. Aba!

"Ah, no, Miss. I have a girlfriend." sagot ko dito.

"Okay" bumaling naman siya kay Alyssa.

"Bye, Alyssa. See you when I see you." sabi niya. Bago umalis hinalikan niya si Aly sa cheeks. Naku! Pagmay nakakita sainyo dyan. Ewan ko na lang sa'yo, Alyssa. Bakit ba kasi di kami nagprivate room na lang!

"Wooh! Ikaw na, Aly!" sabi ni Vic at nakipag-apir lang kay Aly. Nakipag-apir din ang huli habang umiinom ng tequila.

"Ayos ba?" tanong ni Aly.

"Hoy! Magsi-tigil na nga kayo!" sita ko sakanila.

"Shingkit, shumabay ka naman sha trip namin." sabi naman ni Kim.

"Ewan ko sainyo! Uwi na tayo!" niyayaya ko na sila pero ayaw pa rin. Kainis 'tong mga 'to. 11:30 na oh. Low-bat pa naman ako. Tae! Patay na naman ako nito kay Fille eh.

"Ikaw 'tong nag-aya shamin, taposh di ka uminom. Ampeyr" sabi naman ni Vic.

"Pinahamak mo kami kay Prof. Taposh di ka iinom? Hooh! Madaya ka." sabi rin ni Kim.

"Kayo! Niyayaya ko na kayo hah! Huwag niyo akong sisihin kung kayo mapagalitan ng mga girlfriend niyo!" sabi ko sakanila. Si Kim at Ara naman parang natauhan. Parang biglang nawala yung pagkalasing nila.

"Ay! Teka! Kalimutan ko. Wala pala akong gerlpren. Sige, Kim! Una ka na." sabi ni Vic. Loko 'to. Wala naman na girlfriend kung maka-react akala mo meron.

"Uy! Uwi na tayo! Pagalitan ako ni Melabs!" sabi ni Kim. Yan kasi! Niyayaya ko na kanina pa ayaw makinig.

"Una ka na!" sabi ni Vic at uminom ulit.

"Haha. Yan kasi! Naggi-girlfriend ka pa. 'Yan tuloy, under ka." sabi ni Vic. Medyo nawala na yung kalasingan niya. Sakto namang tumawag kay Kim si Mela.

"Si Mela, Guys! Lagot na." sabi ni Kim na hindi pa sinasagot ang tawag.

"Sagutin mo na. Dun ka sa labas." sabi ko dito.

"Samahan mo ako. Anong sasabihin ko dito?" sinamahan ko na siya sa labas.

"Hello, Babe?...Oo na. Pauwi na po...Huh? Kasama ko yung barkada...Meron...Niyaya nila ako eh. Tsaka pinalabas kami ni Prof...Sila kasi eh. Oo na...Unti lang...Opo, Ma'am...Pauwi na nga...Opo...Sorry... Sige, Bye. I love you...I will."

Until My Last Breath | AlyDenWhere stories live. Discover now