Chapter 46

5.1K 143 16
                                    

(Paki-play na lang po para dama.) 😂😜

Blaaaaaggg!!!

"Dennise!" tawag niya kay Dennise na nasa sahig na.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Hey, Miss. I'm so sorry. Are you okay?" tanong ng lalakeng nabunggo ni Dennise.

"I'm fine."

"Let me help you."

"No. I'm fine." sabi ni Dennise at hindi na tiningnan ang lalake at tumayo na.

Tumakbo na siya palabas. Tinawagan niya na ang driver niya para sunduin siya. Natigil siya ng may yumakap sa likod niya. Kilala niya na ito kahit di niya na ito tingnan. With her presence, with her touch and with her scent, alam na alam na ni Dennise na si Alyssa ito.

They both close their eyes, feeling the moment, their last moment. Kahit hindi bigkasin ng kanilang bibig, puso na nila ang nagsabing mahal nila ang isa't isa. Ramdam nila ang bawat tibok ng puso.

Mga luhang patuloy na umaagos. Sa yakap na sobrang higpit na ayaw nang bumitaw. Sa tibok ng pusong tila ba'y musika sa kanilang tenga. Ang nagpapatunay na ang pagmamahal kahit hindi bigkasin, ito ay pinaparamdam.

Mula sa pintuan ng bahay, nandoon lang ang magkakaibigan at pinanonood lang ang dalawa. Pati sila ay halos maiyak na sa kanilang nakikita.

"Alyssa, I-I h-have to go." Dennise said between her sobs trying to get out from Alyssa's hug. Mas lalo siya niyakap ni Alyssa.

"No. Dennise, I'll explain everything. Just please listen to me." Alyssa pleading for Dennise not to let go. Bakas na sakanyang boses ang kanyang pag-iyak.

Umiyak lalo si Dennise with the thought that Alyssa will finally say goodbye.

"Narinig ko na la-hat. Y-You don't have to...to explain anymore, Ly." Dennise said trying to calm herself.

"Dennise, it's not like that. Please listen to me."

Hindi na umimik pa si Dennise dahil wala na siyang lakas para magsalita. Pinaharap naman siya ni Alyssa at hinawakan sa magkabilang kamay.

"Dennise, hindi ko ginusto yun. I tried to stop Dad. Ayokong pakasalan si Rachel dahil hindi ko na siya mahal. Dennise, hindi siya ang kasama ko nung nagplano ako ng kasal. Ikaw ang kasama ko. Ikaw ang babaeng nasa panaginip ko na naglalakad sa gitna ng isle. Ikaw ang babaeng pakakasalan ko dahil ikaw ang babaeng mahal ko." iyak lang ng iyak si Denniss. Ayaw niya nang magsalita. Ayaw niya ng makinig pero meron pa rin sa loob-loob niyang tumutulak sakanyang makinig kay Alyssa. "Dennise, sinubukan kong ayusin 'to. Bagsak na ang kompanya namin, Dennise. Ito na lang ang tanging paraan. Pero handa kong iwan yun lahat para sa'yo. Pero Dennise, nung pinapili ako ni Dad. Ikaw o ang kompanya. Dennise, I have to--"

"Stop. Stop, Alyssa. Hindi ko na kayang marinig pa yang sasabihin mo. Ayokong masaktan please. Alyssa just...just...*sigh*" pumikit si Dennise para pigilan ulit ang luha niya.

"Dennise, makinig ka muna please."

"No. I can't." patuloy na umaagos ang mga luha ni Dennise. Nanghihina naman si Alyssa-ng makita niyang ganito ito.

Until My Last Breath | AlyDenWhere stories live. Discover now