Chapter 44

5.2K 129 17
                                    


"The company or Dennise?"

Iniisip pa rin ni Alyssa ang napag-usapan nila ng ama kaninang umaga.

"Hoy! Tang*na naman, Alyssa. Kanina ka pa namin kinakausap." reklamo ni Kim.

"Huh? Sorry."

"Ano ba kasi 'yang nasa isip mo? Kanina ka pa lutang, Tol." sabi ni Ara.

Tiningnan niya naman ito isa-isa. Nagtaka naman ang mga kaibigan nito.

"The fck, Alyssa! Just tell us. Naiirita na ako sa mga tingin mo." reklamo rin ni Gretchen.

"Ly, is there something wrong? Lately, napapansin namin, bumabalik ka sa dating Alyssa." sabi ni Mika.

"Alyssa, kung di ka magsasalita ibubuhos ko 'tong beer sa'yo." sabi ni Marge.

"Gabi-gabi kang nag-aayang mag-bar." sabi naman ni Ara.

Napabuntong hininga na lang silang lima dahil wala naman silang makuhang sagot kay Alyssa.

"By the way, para saan yung mamayang gabi?" tanong ni Gretch.

Kumunot naman noo ni Alyssa.

"May invitation kami galing kay Dad mo." sabi rin ni Kim.

"Walang specific na nakalagay eh. Basta 7:00 PM at Caymo-Valdez Mansion." -Mika

Tahimik lang ulit si Alyssa na nakatingin sa dance floor.

"Hoy! Alyssa, tang*na naman oh! Magsalita ka naman, Alyssa! Nag-aalala kami sa'yo!" pasigaw na sabi ni Marge at napatayo na. Pinakalma naman siya ni Mika na katabi niya.

Uminom muna si Alyssa bago nagsalita, "I'm engaged."

Halos mabilaukan sila at mahulog sa upuan. Hindi nila alam kung nagbibiro lang ba ang kaibigan o dahil lasing na ito?

"Dude, seriously? Congrats hah." pabirong sabi ni Vic.

"Nice joke, Ly." sabi ni Kim.

"I'm not joking. I'm serious. I'm getting married." walang emosyon na wika ni Alyssa.

"Lasing ka lang, Ly." wika ni Marge.

"No, I'm not." sagot ni Alyssa. Nakatingin lang ito sa basong hawak niya na pinapaikot-ikot niya. "Yun na lang ang tanging paraan para bumalik sa dati ang kompanya. I'm getting married to the person I don't even love."

Tahimik lang na nakikinig ang lima.

"May hindi ba kami alam sa nangyari sa loob ng isang linggo?" tanong ni Gretchen.

Tumango naman si Alyssa, "Nagkita kami ni Dennise sa Batanes. She was there. We spent the whole week with each other. Then I realized, I do love that girl. She's my destiny. I know she is. Umuwi ako ditong masaya, dahil at last, I found my true love. Umuwi ako para tapusin yung samin ni Rachel dahil ayaw ko siyang saktan kahit sinaktan niya ako before. But then, the day I arrived from Batanes, sinabi sakin ni Dad na I'm getting married. Nung lunch meeting na yun, dun ko na pala makikila kung kanino ako ikakasal. Sadly, I'm engaged with... Rachel."

Gulat silang lahat except kay Alyssa. Halos wala silang masabi tungkol dito.

"That's what the invitation is all about."

"Oh my, God. Ly, pano si Den?" tanong ni Mika.

"I want to runaway with her. Pero kilala siya ni Dad. Alam niyo naman kung anong posibleng gawin niya. He offered me choices. It's either the company or to save Dennise. He left me with no choice. I choose to save Dennise. That means, I'm going to deal with them in getting married with Rachel. Kung pipiliin ko ang kompanya, wala silang gagawin kay Dennise. At kung si Dennise ang pipiliin ko, hindi ko alam kung anong gagawin nila. Kaya I chose to save Dennise. In short, I chose the company."

Until My Last Breath | AlyDenWhere stories live. Discover now