Chapter 30

6.2K 134 9
                                    

Den's POV

"Guys, ready na ba dyan? Dapat ready na lahat ah. I want this to be successful." For Papa.

"Yes, Ma'am Michelle." sagot nung isa.

"Okay. Good. 5 minutes na lang before 8, Guys." sabi ko.

"Ma'am Michelle, may mga tutulong daw satin. May mga nag-volunteer."

"Okay. That's great."

After ng ilang pag-aayos pa, nag-start na kami. Maraming tao. Masaya akong nakikita silang masaya. Dad, I wish you're here. I miss you, Dad.

"Heyow po." bati ng isang bata. He's so cute.

"Hello, what's your name, Little Boy?" tanong ko at yumuko para mapantayan ko siya.

"Kenken po." sagot niya. Ang cute niya talaga. Gusto kong iuwi. Jk. "Pwede po ikaw yakap ko?"

"Sure, Kenken." I spread my arms to hug him. How cute this boy is.

"Hihihi. Thank you po." sabi niya after nung hug. "Niutos yang po sakin."

"Hmm? Nino, Kenken?" tanong ko.

"Si...si... Ate Ayssa? Ayaysa?" sagot niya.

"Ano, Kenken?"

"Ito po oh." inabot niya sakin yung papel na may nakasulat na pangalan.

'Alyssa' ? Sinong Alyssa? Iisa lang ang pumasok sa isip ko pero imposible 'yun. Nasa Manila siya. Hindi naman yata. Ano namang gagawin niya dito?

"Sinong Alyssa, Kenken?" tanong ko.

"Ayun po." tinuro niya yung side kung saan may umaabot ng mga pagkain.

Wait. Familiar yung likod nung babae hah. Hindi kaya tama yung hinala ko? Pero sobrang imposible nun. Ano namang gagawin niya dito?

Hindi naman yata siya.

Alyssa's POV

"Ly-ng, isulat mo pangalan mo dito. Dali!" utos niya sakin at inabot yung maliit na papel at ballpen. Sinulat ko na nga yung first name ko. Ano naman kayang gagawin nito?

"Hoy! Hindi mo pa rin ba alam spelling ng pangalan ko?" tanong ko sabay abot ng papel na may pangalan ko.

"Alam ko. Mini-make sure ko lang. Alam mo na. Maganda yung padadalhan ko nito." sabi niya. Eh? Maganda?

"Hoy! Nandito tayo para tumulong, hindi para maglandi ka."

"Grabe ka naman. Tiutulungan ka na nga eh." sabi niya at tinawag yung isang batang napaka-cute. "Kenken, halika. Dali!"

"Anong tinutulungan? Hindi ako yung nangangailangan. Sipain kita dyan eh." sabi ko. "Ipapaalala ko lang sa'yo hah? Cool-off pa lang kami ng girlfriend ko hah."

"Ken, yakapin mo yung magandang babae doon. Sabihin mo inutusan ka ni Ate Alyssa. Ito oh. Para di ka mabilot ah." sabi niya at kumindat sakin. "Oo. Alam ko 'yan. Malay mo lang."

"Ewan ko sa'yo. Ayusin mo na nga lang yang trabaho mo"

"Ito na po." inabot niya na ulit yung mga plastics na may mga pagkain sa mga tao. Pero pasulyap-sulyap pa rin siya sa likod.

"Hoy! Sino ba 'yang tinitingnan mo dyan?" Para kasing baliw. Kinikilig na parang ewan.

"Alyssa naman kasi. Ang ganda kaya nung babae. Yung nagsagawa ng medical mission na 'to." sabi niya.

"Psh! Puro ka babae."

"Ayun oh. Tingnan mo." nagturo siya kung saan. Inakbayan pa ako para makita ko. "Diba, ang ganda?"

Until My Last Breath | AlyDenWhere stories live. Discover now