Chapter 53

7.2K 184 33
                                    


"Yiee. I'm so excited, Babe!" sabi ni Den.

"Hahaha. You're so cute talaga." sabi ni Alyssa habang nagda-drive.

"Talaga. Bukas, nasa Batanes na ulit tayo!"

"Di ka naman excited 'no?"

"I am! Super!"

Sobrang saya na sana ni Dennise ngunit may naalala siya.

As our wedding day ends, it is the end of my chapter. I'm only living for the promise I made for Alyssa. I just want to see her happy 'til my last breath. -Dennise' thought.

"May problema ba?" tanong ni Alyssa.

"Huh? Wala. Wala." sagot ni Den.

"Bakit bigla kang natahimik. Ang lungkot ng mukha mo?" tanong ulit ni Alyssa habang papalit-palit ang tingin niya sa daan at kay Den.

"Nothing. Really."

"Hmm. You sure?"

"Yes."

--

Lumipas ang mga araw. Isang araw na lang bago ang kasal. Sa mga lumipas na araw, sobrang lutang ni Den. Malalim ang iniisip. Napansin naman ito ni Alyssa pero hinayaan niya lang muna.

Nasa Batanes na sila ngayon at sa isang hotel nag-stay.

"Babe, tumawag si Dad. Tayo na lang hinihintay." sabi ni Alyssa.

Hindi ito narinig ni Dennise dahil may iniisip na naman siya.

"Babe..."

"Hmm?"

"May problema ba?"

"Wala. Let's go." Naglakad na palabas si Dennise habang hawak ang kamay ni Alyssa ngunit hindi gumalaw ang huli.. "Hey. Akala ko tayo na lang hinihintay?"

"Babe, tell me what's wrong. Sobrang lalim ng iniisip mo. Hindi lang ngayon pero nung mga nakalipas na araw pa. There's something bothering you. Tell me so that I can help you." sabi ni Alyssa.

"Babe, wala tala--"

"Come on, Den. Tell me, please. Nag-aalala na ako. Sabihin mo lang kung ayaw mo pang ikasal tayo. Imo-move natin yung sched. Sabihin mo naman sakin oh. Ayokong ganyan ka. Sa tuwing kinakausap kita, wala ka sa sarili mo. Sabihin mo sakin kung ano yang bumabagabag sa isip mo." makikita sa mga mata ni Alyssa na nagmamakaawa siya.

Hindi na napigil ni Den ang sarili at niyakap na si Alyssa.

"No. It's not like that. Huwag mong isipin yan. I love you and ready to get married with you." sabi ni Den.

"Then, bakit ka ganyan?" tanong ni Alyssa.

Humiwalay si Dennise sa yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Aly.

May mga luha na sa mata ni Dennise. ayaw niya pang sabihin ito kay Alyssa pero kailangan. Hindi niya na kayang itago pa ito lalo na't nakikita niyang nag-aalala ang fiancé  niya.

"Ly,"

"Wh-Why are you crying?" tanong ni Alyssa.

"S-Sa pagtapos ng araw ng kasal natin, ay ang pagtatapos ng araw ko."

"Huh? Babe, anong pinagsasabi mo?"

"God gave me second chance of life to just fulfill the promise I made to you. Is to be with you 'til the day of our wedding. Ly, bukas...buka--"

"No, Den! No!" pagmaktol ni Alyssa at tinalikuran si Dennise.

"Ly, listen. Just please listen." sabi ni Den at hinila ang kamay ni Alyssa para ipaharap sakanya.

Until My Last Breath | AlyDenWhere stories live. Discover now