Chapter 32

5.8K 195 7
                                    

Alyssa's POV

"Tapos ano? Kakalimutan mo na kami?" -Gretchen

"Tapos iiwan mo na rin kami." -Kim

"Bakit? Bakit, Ly?!" Mika

"Dahil ayaw mo na samin?" -Vic

"May iba ka na ba? Alyssa, sabihin mo!" -Marge

Ang saya ng mga barkada ko diba? Kung ano-ano pinagsasasabi. Kausap ko sila sa phone. Nagtatampo kasi, kasi daw hindi man lang ako tumawag kahapon. Isang araw lang naman. Tapos ayan na. Kung ano na mga sinasabi.

"Hoy, kayong lima. Tigil-tigilan niyo ako sa kadramahan niyo hah. Hindi uubra 'yan sakin."

"Ganyan ka naman lag--"

"Singkit, Isa!"

"Hahaha. Oo na." sabi niya. "So, ano nang balita dyan?"

"Wala."

"Ano ba 'yan?"

"Dyan? Anong balita dyan?" tanong ko. "Kamusta na siya?"

"Okay naman. Tuloy parin siya sa pagmodel. Kaso, araw-araw hinahabol ng mga paparazzi. Sa isyu sainyo, gustong i-interview si Rach kasi nga wala ka."

"Tsk. Bantayan niyo ah."

"Yes, Boss!" -Marge

"Oy! Alyssa, may balita kay Denden." sigaw ni Yeye.

"Kay Den? Ano daw?" medyo na-excite ako. Sana umuwi na siya.

"Nasa Pilipinas daw siya." sagot ni Marge.

"Pero hinala lang. Kasi nga nag-trend yung picture niya. Hindi pa alam kung saan 'yun." sabi naman ni Kim.

"May nag-picture kasi sakanya. Parang nasa probinsya. May probinsya ba sa new york? I mean yung katulad ng atin?" sabi ni Vic.

"Baka noon pa 'yun?"

"Hindi. Ano ka ba? Bagong-bago. Dennise na Dennise, 'Tol. Yung minahal ko, kaso nga..." sabi ni Vic.

"Saan naman kaya 'yun? Baka kamukha niya lang?" sabi ko. "Tinanong ko si Tita eh. Hindi pa naman daw uuwi si Dennise."

"Hindi nga. Ang kulit." maktol ni Marge.

"Tsaka, Ly. Parang kasi nasa medical mission something siya. Ewan ko kung ano 'yun? Parang tumutulong siya eh. Kuha lang kasi 'yun ng fan niya yata." singit naman ni Gretch.

Medical Mission? Nasa probinsya. Hindi kaya...

"Teka. Bakit ba parang interesadong-interesado ka, Ly?" tanong ni Kimmy.

"Wala. Na-miss ko na rin kasi si Dennise. Kaibigan ko na rin yun kahit papano 'no." sabi ko. Kaibigan nga lang ba talaga? "Sige. Bye na. May pupuntahan ako."

"Bye! Love you. Miss you!!" sigaw nila.

Binaba ko na ang tawag.

"Dong, pahiram ng sasakyan mo hah. Mabilis lang ako." sabi ko at kinuha na ang susi niya at naglakad na papunta sa sasakyan niya.

"Saan ka pupunta? Akala ko ba, hindi ka muna pupunta sa Medical Mission?!" pasigaw na tanong niya.

Nag-drive na ako.

"Mabilis lang ako!"

Siya ba talaga 'yun?

Lazaro...

Until My Last Breath | AlyDenOn viuen les histories. Descobreix ara