Chapter 2

10.7K 179 1
                                    

Den's POV

Nandito kaming lahat ng ALE--Yes, we're ALE na rin--sa isang restau. Parang kayla Ate Fille 'to. Celebration daw. Nakaka-excite silang maka-bonding.

Yung lunch namin ni Besh kanina, naging masaya naman sa part ko. Hindi ko lang alam sa part ni Besh. Haha. Luging-lugi yung mukha eh.

Ang iingay nila. Pati 'tong katabi kong si Ella, ang ingay na rin. May mga ka-colse na rin siya.

"Den, uso magsalita." sabi ni Marge. Kilala ko na sila lahat. Actually, si Marge kilala ko na talaga.

"Oo nga. Baka mapanis 'yang laway mo. Sige ka." segunda naman ni Jirah.

"Nao-awkward pa kasi si Besh kasi nandito si--" agad ko namang siniko itong si Ella. Ang ingay eh. "I mean, hindi pa kasi siya close sainyo masyado. hehe"

Kainis. Ibubuking ako wala sa oras.

"Ah. Oo hehe. CR lang ako" paalam ko.

Pumunta na akong CR. Si Besh kasi eh. Kinabahan tuloy ako. Hooh! Kung makaabot yun kay Alyssa, naku! Patay na. Kaini---Ouch!

Sino ba 'to? Matutumba ako sa lakas ng pagkakabunggo. Tsk!

"Sorry." nanlamig ako sa nagsalita. Tila ba parang may multong nagsalita sa harap ko.

Tiningnan ko ito. Blangko lang mukha niya. Hala! Galit ba siya.

"S-Sorry din" sabi ko at yumuko.

"It's okay." naglakad na siya palabas ng CR. "Next time, mag-ingat ka. Okay?"

Hala! Siguro wala ako sa sarili kakaisip ko kay Besh kanina. Argh. Nakakahiya tuloy.

Pero concern ba siya or galit? Ayt! Utot mo, Den. Bakit naman concern si Alyssa sa'yo? Baliw ka ba? Pero O M G! Nahawakan ko na si Crush! Umihi ka na nga lang Den!

After kong mag-CR, bumalik na ako sa table namin.

"...si Den ah" oh? nabanggit pangalan ko.

"Oy. Ano 'yun?" naka-pamewang kong tanong.

"Sabi sainyo eh." biglang sabi ni Ella

"Ano 'yan, Besh?!" tanong ko dito.

"Ah kasi Besh, sabi nila mabait ka daw. Sabi ko 'Naku! Hindi ah! Ang taray kaya niyan' Hehe. Tapos ayaw naman nilang maniwala." sabi nito.

Langya! Kaibigan ko ba 'to? Ewan ko nga kung paano ko naging kaibigan 'yan eh.

"Baliw! Ah bukingan gusto mo? Hah?" tanong ko dito. "Baka akala mo ikaw lang may alam?"

"Hala! Ano 'yun, Besh?" pagtataka nito.

"May oras ka sakin"

Nagtawanan lang sila samin ni Ella.

"Haha. Patay ka, Bulilit." sabi ni Marge.

"Che! Ikaw kasi nag-umpisa eh!" pagtataray ni Ella kay Marge.

Madali lang naman kasi makasama sila Marge at Ate Gretch, hindi naman kasi sila katulad ni Alyssa na tahimik lang lagi o kaya nakakatakot kausapin. Baka tarayan ka.

Until My Last Breath | AlyDenWhere stories live. Discover now