Chapter 42

5.3K 132 3
                                    



"Rachel?"

"Aly..." naka-ngiting sambit ni Rachel.

"No! This can't be. Hindi pwede!!"

"Dad! Ayoko! I can't. I wasn't even informed about this shit. Hindi ko man lang alam na ganito ang mangyayari!" sabi ni Alyssa na pinipigilan ang kanyang galit at pinipigilan niyang huwag tumaas ang boses niya.

Ang mga ngiting nasa labi ni Rachel at saya ay napalitan ng lungkot. Ang dapat na cool-off lang ay maitutuloy sa break-up. Ang pag-asang bumalot sakanya nung dumating si Alyssa at bumalik sa pag-aakalan, magkakaayos na sila, ay unti-unting nawala. Sa ipinapakitang pagtanggi ni Alyssa sa kasalang pinagkasunduan ng magkabilang panig, ay ang nagpabasag sa puso ni Rachel.

"Alyssa! Where's your manner?"

"I'm sorry, Dad. I can't." sabi ni Alyssa at naglakad palabas.

"Alyssa!" tawag ng kanyang ama ngunit hindi man lang ito lumingon. "I'm so sorry about that. Excuse me for awhile. Kakausapin ko lang."

"It's okay. Take your time."

Hinabol ni Mr. Valdez si Alyssa na nasa labas na.

Sa lamesa, ang mag-lolo nama'y tahimik lang na naghihintay.

"Bumabalik siya sa dati. Yung Alyssa na walang respeto, Alyssa na walang pakialam sa damdamin ng iba, Alyssa na nagmumura kahit nasa harap ng mga kagalang-galangan, Alyssa na cold at Alyssa na puro galit ang nasa puso para sa ama. Ngunit iisa lamang ang hindi bumalik sa dati, 'yun ay ang dating kami, ang aming walang hangganang pagmamahalan. I missed you, Ly. So sad I won't have you again." Rachel's thought.

Everything has changed ika nga.

Akala ni Rachel, sa isang linggong walang komunikasyon o kung ano pa man, ay maaayos at babalik sa dati. Ngunit siya'y nagkamali, sa kanyang maling desisyon, sa pagpayag sa gusto ni Alyssa, nawala ito sakanya.

In the other hand, hinahabol ni Mr. Valdez ang kanyang anak.

"Alyssa!"

Dire-diretso lang ito at nag-aabang na ng masasakyan.

"Alyssa, ano ba?!" hinila niya ang kanyang anak paharap sakanya. "Mag-usap tayo!" ma-awtoridad na wika ni Mr. Valdez.

"What now?! Naisip niyo man lang ba yung magiging reaksiyon ko?! Naisip niyo man lang ba yung maramdaman ko?! Hah?! Kasi Dad, ayokong magpakasal! Ayokong magpakasal lalo na kay Rachel. Lalong-lalo na hindi na siya ang mahal ko. Dad, may mahal na akong iba!" -Alyssa

"Anong magagawa ko?! 'Yun na lang ang tanging paraan para masalba natin yung kompanyang pinaghirapan ng Mama mo! Alyssa, sa tingin mo may iba pa bang paraan?! Diba wala na?!"

Ngayon ay nagsasagutan na ang mag-ama. Wala na silang paki-alam kung maraming nakakakita at marami na ring paparazzi ang paparating.

"Bakit ako? Bakit ako, Dad?! Pwede namang si Mike eh! Bakit nga ako?!"

"Alyssa! I told you about this! I can't give this to your bro-!"

"He's not my brother!"

Mr. Valdez sighed, "Calm yourself down and let's just talk about this later. Let's go inside. Naghihintay sila doon. I'm expecting you there, Alyssa. Do this for your mother."

"Ugh! Bakit palaging kasabay si Mommy?!"

Pumasok na si Mr. Valdez. Si Alyssa naman ay sumandal muna sa kotse ng tatay niya. Huminga siya ng malalim bago pumasok sa loob.

"There you are. Mabuti at naisipan mo ng pumasok, Ms. Valdez." sabi ni Mr. Rodel.

Tiningnan lamang ni Alyssa si Rachel na kasalukuyang nakayuko.

Until My Last Breath | AlyDenWhere stories live. Discover now