Chapter 10

6.6K 138 1
                                    

Den's POV

"Ms. Lazaro!" ay kabayo! "You're not listening. Ang layo ng iniisip mo!"

"Sorry, Prof." paumanhin ko. Nakinig na ako sa lecture niya. After that, dinismiss niya na kami. Sa cafeteria ako dumeretso.

Ano bang nangyayari sakin? Ayoko nang ipagpatuloy pa 'tong nararamdaman ko. Mas mabuti pa sana hindi niya na lang ako nakilala. Mas mabuti kung isang normal na lang akong estudyante. Ultimate crush ko lang sana siya. Sana hindi ako nahuhulog sakanya ng ganito kasi nasasaktan ako. Ayoko na. Alam kong walang katotohanan ang mga sinabi niya nung interview. Pero umaasa ako na sana totoo. Haaay!!!!! Dennise, tama na!

Nagulat na lang ako na may kamay na pumatong sa shoulders ko.

"Besht" si Ella. Hindi ko na napigilan at niyakap ko siya at umiyak ng umiyak. "Besh, sige lang. Iiyak mo lang 'yan."

I'm so thankful I have my Besh. Kung wala, wala akong masasandalan ngayon. I love my beshfriend.

"Ang sakit pala, Besh." nasabi ko na lang.

"I know, Besh."

After kasi nung interview nagbago si Alyssa. Bumalik siya sa dating Alyssa Valdez. Yung hindi namamansin. Hindi ngumingiti. Kahit sinabi kong kaibigan niya lang ako, nasasaktan pa rin ako kasi nahuhulog na nga ako sakanya. Hindi niya naman ako kayang saluhin kasi may hawak pa siya...at si Rach yun.

"Besh, maybe it's not the time for you. Malay mo next time, kayo na." sabi ni Besh

"Besh naman eh. Mas lalo mo akong pinapaasa." pinunasan ko na luha ko. "Tama na ngang umiyak."

"Kasalanan ko bang mag-assume ka?" tanong niya. Wow, beshfriend ko ba 'to? Ang sakit eh.

"Oo na. Oo na. Ako na may kasalanan."

Pumunta na kami sa BEG for training. Pero pagdating namin dun, naabutan lang namin si Ate Dzi.

"Oh, Capt. Asan sila? Tapos na ba yung training? Ang aga naman." sabi ni Ella.

"Ah hindi. Nasa dorm sila. Walang training ngayon. May aasikasuhin daw si Coach." sabi ni Ate Dzi.

"Anong ginagawa mo dito, Capt?" tanong pa ni Ella. Ayokong magsalita.

"May sinamahan lang ako. May naiwan kasi si..." lumabas naman si Alyssa sa locker room. "Aly."

"Ah sige, Ate Dzi. Mauna na kami sa dorm." paalam ko.

"Sabay na kayo samin. Papunta naman na kami dun eh." sabi ni Ate Dzi.

"Uh-Ano kasi...m-may dadaanan pa kami. Sige Ate Dzi. Bye." hinila ko na si Besh.

"Besh! Ikaw yung lumalayo eh." sabi sakin ni Ella.

"Mas okay na yun. Nire-ready ko lang sarili ko. Para hindi na ako masaktan."

"Okay."

3 days na simula nung interview. Hindi pa nila napapanood yun. Sana nga huwag ng ipalabas. Ayokong makita ulit ang nangyari.

Pagdating namin sa dorm sakto ang pinapanood nila. Ang interview namin ni Aly. Tutok na tutok silang lahat. Kasunod naming dumating sila Ate Dzi kasama si Aly. Nakita rin nila ang pinapanood ng teammates namin.

"Uy! Dito kayo oh. Pinapanood namin kayo Den and Aly." sabi ni Jirah.

"Sige. Kayo na lang. Magpapahinga lang ako." sabi ni Aly. Umiiwas lang siyang panoorin. Paano ba 'yan? Naunahan niya ako sa kwarto.

"Tara, Den."

Wala na akong nagawa at naupo na rin. Sa katabi ako ni Ate Fille naupo.

Yung part pa lang 'yan na kami pa ni Aly ang ini-interview.

Until My Last Breath | AlyDenWhere stories live. Discover now