Chapter 23

5.7K 114 14
                                    

Den's POV

It's Friday today. TGIF. It's been 9 months since I started here in New York. 3 months na lang. Yehey. Uuwi na ako. I missed the Fab5's graduation. Nag-facetime na lang kami noon. Yun na lang ang communication namin o kaya Instagram or twitter. 5 months na rin since nagstart ulit yung school days. Another school year. 9 months na rin kaming magkasama ni Vic. Sobrang close na namin dito. Parang mag-bestfriend na kami. Bestfriend na nga yata talaga.

Wala akong pasok today kasi may pictorial kami.

"Are you ready, Den? Ang tagal mo naman." reklamo ni Vic na nasa labas ng kwarto ko. Nagbibihis pa kasi ako eh.

"Wait! 5 minutes."

"Dennise, kanina ka pa nagfa-five minutes dyan eh. Umabot na ngang 30." reklamo niya ulit. "Dennise, kahit sikat ka na, hindi mo na kailangang magpaganda. Dati ka nang maganda. Okay?"

"Grabe siya oh. Oo na. Lalabas na. Atat lang?" lumabas na ako. Baka kasi sumabog pa 'to sa inis eh.

"Anong atat lang? Halos dalawang oras ka na dyan eh."

"Grabe ka naman sa dalawang oras. Nahirapan kasi ako sa pagpili ng damit eh."

"O siya. Tara na at hinihintay ka na ng Ethan mo." sabi niya at sumakay na sa elevator. Napatingin naman ako sakanya ng naka-ngiti. Sumunod na rin ako sa elevator. "Anong ngini-ngiti mo dyan?"

"Uy. Nagseselos ang bestfriend ko."

"Selos ka dyan. Tara na nga." sumakay na kami. Siya sa passenger seat. Ako sa backseat. "Manong, sa stu--"

"Hoy, Vic. Anong Manong? Nasa New York tayo. Uy."

"Hoy, Den. FYI, Pilipino driver natin ngayong week. Diba, Manong." tumingin naman sakin si Manong at tumango sa tanong ni Vic. "Ayan kasi. Magpahatid ka lang lagi kay Ethan mo hah?"

"Sige na po, Manong. Ipag-drive niyo na lang ho kami. Nagseselos lang po kasi 'tong bestfriend ko." sabi ko.

"Hoy, Dennise tumigil ka nga. Manong, huwag po kayong makinig dyan. Baliw 'yan."

Natatawa na lang si Manong sa kakulitan namin. Mabuti nga't may Pilipino rin dito.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami. Pagpasoo namin sa studio agad akong sinalubong ni Ethan.

Si Ethan, co-model ko. Nanliligaw sakin. Pero sinabi ko na na ayoko muna. Ayoko siya paasahin. Syempre hindi ko tinagalog. Kaya magkaibigan na lang kami. Minsan hinahatid niya ako sa apartment ko pero minsan pinipigilan ko kasi nagagalit si Vic. Hindi ko naman sinabi na nagagalit si Vic kasi baka mag-away pa 'tong dalawa.

"Hi, Michelle." bati niya.

"Hi, Ethan."

"How are you?" tanong niya.

"Wow. Like you didn't see me yesterday." sabi ko na natatawa.

"Yes. It's been what? 12 hours? So, it's been a long time, I guess. 12 hours are long time." sabi niya. Natawa naman kami pareho. Yes. He's handsome, sexy, hot. Every girls dream guy. Pero ayoko pa rin. Iisa lang talaga. Alam niyo na kung sino 'yun. (Sino pala?)

"Sus! Konting oras lang nun. Ang OA naman." sabi ni Vic. Hindi naman yun naintindihin ni Ethan.

"Vic." saway ko dito.

"Oh. Hi, Bro. I didn't see you." nakipag-bro hug naman si Ethan kay Vic. Si Vic naman nagmake face lang.

"Bro ka dyan? Magkapatid tayo?" tanong ni Vic. Naku, Vic! Kung nakakaintindi lang 'yan ng filipino. Naku talaga. Gulo na 'yan.

Until My Last Breath | AlyDenOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz