Chapter 22

6.3K 119 2
                                    

Den's POV

"Good Morning, Dennise." bati ng kasama ko dito na may dala-dalang tray ng breakfast ko. "I made breakfast for you. I really have to go. Aasikasuhin ko pa yung school natin dito."

"Sama ako." sabi ko.

"No. Dito ka lang. Magpahinga ka muna. Sa mga susunod na araw magiging busy ka na." sabi niya. "Kaya kainin mo na 'to."

"Okay. Thank you." Ngumiti lang siya at palabas na sana. "Vic, are you sure hindi na ako sasama? Maybe you need some help?"

"Dennise..."

"Okay, okay. Fine. Huwag ng makulit." pangunguna ko sakanya.

"Good." umalis na siya.

Yes. It's Vic. Nagulat rin ako ng may yumakap sakin sa airport. And it was Vic. Tinanong ko siya kung bakit siya nag-volunteer. Sagot niya lang, 'Shh. Huwag mo nang itanong 'yan.' o kaya, 'Basta'. Kasi naman, iniwan niya yung buhay niya doon. Yung La Salle, yung fans niya, her family, friends and even her volleyball life. Sabi niya malalaman ko na lang daw.

Nasa apartment kami ngayon. Dang! Ang laki ng apartment na 'to. Sobra! Ang ganda pa. Mapapamura ka talaga. Sabay pa nga kami ni Vic napamura kahapon eh. Ni-ready talaga nila yung pagdating ko. 2 days na kami dito ni Vic. Hindi pa rin kami nakakagala. 'Yun din ang bilin ni Sir Alex. 'Pag na-settle na namin lahat kami gumala.

Ngayon, maghapon lang akong magmo-movie marathon. Wala naman ako magawa. Next week pa daw ako pupunta sa agency nila. Kahit hindi pa man ako nakakalabas dito sa apartment, I'm enjoying New York na.

Kahapon nag-facetime ako kayla Mama. Si Bunso naman iyak lang ng iyak. Grabe. 2 days pa lang kami ni Vic dito, nami-miss ko na sila. Nag-facetime rin kami ni Ella at ang buong team. Hinanap talaga ng mata ko si Alyssa, pero wala talaga siya. Si Rach andun din, nag-goodluck lang siya sakin. Syempre, masaya rin siya para sakin kasi diba? Model din siya. Alam niya yung feeling. Nang mag-isa na lang si Ella tinanong ko kung nandoon si Alyssa. Sabi niya nandoon naman daw kaso agad ding umalis ng tumawag ako. Anong nangyayari doon? Kinausap niya naman ako noon hah. Hindi ko talaga siya makuha-kuha.

Kinain ko na ang hinanda ni Vic na breakfast. Kumain na rin kaya 'yun? Agad ding umalis eh. After kong kumain, naligo na ako at pumwesto na ako sa sala for movie marathon. Bago pa man mananghalian dumating na si Vic.

"Kumain ka na?" agad niyang tanong.

"Nope" sagot ko. Nawe-weirduhan nga ako eh. Kasi diba? I'm not used to this. Hindi kami close ni Vic. Nahihiya rin ako. Bigla na lang ganito.

"Good. I brought some foods." tapos nilapag niya na ito sa lamesa sa kitchen at inayos na. "Tara. Kain na."

Sumunod na ako dahil gutom na rin ako.

"Kamusta yung school?" tanong ko.

"Settled na lahat." sabi niya at ngumiti.

"Kailan tayo magst-start?" tanong kp ulit.

"Ako, regular pasok ko, Den." sabi niya. How about me? "Ikaw, depende sa schedule mo sa shooting tsaka sa pictorial mo. Tsaka 1 month na lang naman eh."

"Oh. So hindi pala kita palaging makakasama?" tanong ko. Ngumiti naman siya. Problema nito? "Ngini-ngiti mo dyan?"

"So, gusto mong palagi tayong magkasama?" tanong niya.

"Hindi naman kung iba 'yang iniisip mo hah." delensa ko. Medyo maluwag na kami hindi katulad nung first day nsmin dito na medyo awkward pa kaya hindi nag-uusap. Nasasanay na lang ako sakanya kasi ang kulit niya.

"Ano bang iniisip ko?" tanong niya at umiling-iling pa.

"Hoy, ikaw. Kumain ka na nga lang dyan kung ano-ano pa kasi pinagsasabi mo." sabi ko. Naupo na rin siya sa harap ko. Tinitingnan niya ako habang kumakain na natatawa. Problema na naman nito? "Ano?"

Until My Last Breath | AlyDenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon