Chapter 36

6.7K 168 15
                                    

Alyssa's POV

"Dennise, I..."

"I know your feelings for me. Hindi ko naman 'to ginagawang advantage of some things. And I don't take it for granted. Actually, I care. 'Cause, Dennise, the first time that I saw you. Sa try-ou--"

"Anong try-outs? Yung pinulot mo kaya yung panyo ko."

"Huh? Hindi ko nga yun alam." sabi ko. Sumimangot naman siya. "Diba sabi ko ako muna magsasalita."

Tumango naman siya.

"Okay. Mahaba-haba 'to. The first time I saw you, parang hiniling ko kay God na, "God, let her be the one." Hiniling ko yata yun eh. Anyways, kung walang Rachel, sana may Dennise na akong hawak-hawak ko ang kamay ngayon. Kasama ko sana nung dalawang taon. Sorry. Nasaktan kita. I was still confused about my feeling for you before. Sabi ko, baka wala lang 'to. So, I let Vic follow you in New York. Para maalagaan ka niya, mabantayan. Kasi binago mo siya. Malaki talaga epekto mo sakanya. Lalo na sakin. Alam mo, nung bumalik si Vic dito at may dalang balita na walang kayo," Tumigil ako saglit. Tiningnan ko siya sa mata. Halatang nakikinig talaga siya. Ang seryoso niyang makinig sakin. "Totoo kong kaibigan si Vic hah. Pero sumaya ako ng nalaman ko 'yun. Although, I still have Rach but, I can't stop thinking of you. Kaya ako nandito sa Batanes para sana mahanap ko yung sarili ko. Maging malinaw sakin lahat. Makita ko ang tunay na iniikutan ng mundo ko. At nakita ko nga, nahanap ko nga na hindi ko naman inaasahan."

"Hindi ko inaasahan na makita ka dito after ng halos 2 years. Hindi ko inaakalang ikaw yung batang 'yun. At ikaw pa ang babaeng ginusto kong pakasalan simula pa nung bata." natawa naman ako at naalala ko nung bata pa ako sa simbahan ng tinanong ko si Dennise. "Hindi ko alam na pinagtagpo tayo ng tadhana sa tamang lugar, tamang panahon at tamang oras. Siguro tama na sa paghihintay. Mahaba na ang maraming taon."

Nakapatong lang ang baba niya sa kamay niya habang tahimik at seryosong nakikinig sakin. Nakikita kong naluluha na rin siya.

"Dennise Michelle Lazaro," sambit ko. "Pwede ko na bang gawing Valdez? Hindi joke lang. Hahaha." bawi ko. Pinalo niya naman ako sa braso ko.

Nagpunas naman siya ng luha niya. Itinabi ko ang kamay niya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi at pinunasan ko ang luha niya.

"Again, Dennise Michelle Lazaro, I love you. Forever and always."

Makikita mong gulat na gulat siya. Kung pwede lang sanang halikan 'tong babaeng 'to eh. Pwede na ba, Readers? Haha.

"Huy. Pwede ka nang magsalita. Kausapin mo naman ako oh." sabi ko sakanya.

"Ly..."

"Oh? Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Gusto mong isigaw ko pa?" Hindi naman ako nakakuha ng sagot galing sakanya. Kaya tumayo ako at sumigaw. "Mahal kita, Dennise Michelle Lazaro!!!"

Haharap na sana ako sakanya nang may mga brasong yumakap sakin. Napangiti na lang ako at niyakap rin siya.

"Aly, I...I..." humiwalay na siya sa yakap.

"Come on. Say it."

"Aly, I love you, too."

Unti-unti akong napangiti. Ang sarap pala sa feeling na nailabas mo na yung matagal mo nang hindi maintindihan. Matagal mo nang idini-deny.

"Pero..." doon naman nawala ang ngiti ko. Sa mga pero na 'yan. Iba ang dating sakin niyan. Mapupuno na naman ng what ifs ang utak ko. "Paano si Rachel? Meron pang kayo. Aly, huwag mo siyang lokohin."

"Dennise, I won't. Aayusin ko muna yung samin pag-uwi ko ng Manila. Tatapusin ko na lahat. After that, I'll spend my whole life with you."

Ngumiti lang siya pero kita sa mata niya ang pag-aalala. Hinawakan ko siya sa magkabilang kamay.

"Don't worry, okay? Akong bahala. Ako ang aayos nito hah." sabi ko. Tumango naman siya. "Sa ngayon, huwag na muna nating isipin yun."

Naupo na ulit kami at pinanood ang pag-angat ng araw. Masayang simula 'to ng araw at ng mga susunod pang mga araw. Hindi na ako makapaghintay na umuwi ng Manila.

Den's POV

I thought things are better left unsaid. Hindi pala. Masarap rin sa pakiramdam. Hindi pa rin kami umaalis dito.

"Alam mo ba yung kwento ko sa rose na 'yan?" -Alyssa

Umiling lang ako. Kaunti lang yung alam ko. Yung kwento lang kasi ni Lola Bon yung alam ko.

"Matagal bago bumunga yung rose na tinanim ko. Iniwan yun sakin ni Lolo bago siya mamatay. Ibang-iba yan sa karaniwan na rose. Sobrang special yan, tulad mo." sabi niya at ngumiti sakin. Nginitian ko siya. "Sabi ni Lolo, mananatiling buhay 'yan, kung yung taong mahal mo ay buhay pa at minamahal ka. Sabi niya rin, ako lang daw nakakaalam kung para kanino yang rosas na yan. Yung nararapat na bigyan niyan. At kung ano ang tunay na kahulugan niyan."

She pause for awhile. Tumingin siya sa langit.

"The first rose, it was Mom. I surely know it was Mom. It was the brightest rose I've ever seen. Yung araw na nawala siya, 'yun din yung araw na namatay yung rosas na 'yun. Iisang petal lang natira. As Lolo said, kapag minamahal ka pa, kahit wala na siya, may matitirang petal at yun ang sumisimbolo ng pagmamahal niya kahit hindi mo na siya nakikita o nakakasama."

Wow. It's very mysterious. Just like love.

"You want to see that petal?" tanong niya sakin.

"May I?"

Kinuha niya yung wallet niya at kinuha yung petal sa loob.

"Matagal na yan sakin. Simula pa nung namatay si Mama."

"Really? Pero ang pula niya pa. Fresh na fresh pa rin." sabi ko. Parang ngang bagong pitas lang eh.

"Kasi ganyan parin yung pagmamahal ni Mama kahit wala na siya." ang ganda naman. Gusto ko rin tuloy ng rose na 'yun. "Kaya kahit wala na si Mama, alam kong mahal niya pa rin ako."

Tiningnan ko yung rose na binigay niya sakin. Does this mean...

"Kahit pala mawala na ako, may matitira pa rin sakin dito."

"Dennise..." she said seriously.

"Haha. Sorry na. Joke lang." But jokes are half meant. Kahit ako nalulungkot ako sa tuwing naiisip ko yung sakit ko at kung ilang araw na lang ang natitira bago ako mawala. Ayoko mang iwan si Alyssa, pero hindi ko pa alam. As much as possible, ang iisipin ko muna yung mga araw na makakasama ko pa yung taong mahal ko.

"The second rose, it's you."

"Dennise, promise me. Aalagaan mo 'tong rosas na 'to. Treat it as your life."

"Oo, Aly." She kissed me on my forehead.

"I love you." she whispered.

I just smiled.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
AN:
I'm sorry. I wasn't able to update last saturday. Pero ito na po. Hope y'all liked it. Don't forget to comment your thoughts about this chapter and to vote also. 😊

Belated Happy Valentine's Day. 😘💕
#HuwagBitter

Until My Last Breath | AlyDenΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα