Chapter 29

6.3K 133 2
                                    

Alyssa's POV

"Hindi ko po alam, Tita. I'm not yet sure." sagot ko sakanya. Hindi ba ako sigurado o takot lang ako? "Pero hindi naman po mahirap mahalin si Dennise. Nung sinabi ko pong special siya nung interview, I really mean it po."

"Alyssa, alam kong nandyan pa si Rachel pero kung sakali mang maging kayo ng anak ko, alagaan mo siya hah." sabi niya. "Wala naman kasi ako lagi sa tabi niya. Alam kong ikaw, Alyssa. Alam kong hindi mo pababayaan ang anak ko kung sakali man."

"Alyssa..." parang may dumaang hangin at bumulong sakin. Ano 'yun? Napatingin naman ako sa taas. Nakita kong may babaeng mabilis na pumasok sa kwarto.

Sino 'yun? Mukhang familiar yung likod niya.

Den's POV

"Opo, Tita. Ngayon pa lang, aalagaan ko na siya." nagyakapan sila ni Mama.

"Salamat, Alyssa hah."

Oo. Nasa bahay ako. Umuwi na ako. Isan buwan na rin ako dito. Ayokong ipaalam sakanila na umuwi na ako. Gusto ko munang malayo sa stress. Gusto ko munang tahimik. Kaya ako umuwi, dahil sobra na akong napapagod sa trabaho ko doon. Binilin din ni Doc na magpahinga muna ako. Kahit hindi pa tapos yung contract ko, tinapos ko na rin.

Kanina pa ako nakikinig sa usapan nila Mama. Kanina pa ako umiiyak. Dahil na rin siguro sa mga nararamdaman ko at naririnig ko. Alam ko na lahat. Naalala ko na lahat. Gusto ko man yakapin si Alyssa, hindi ko magawa. Ayoko pang magpakita. Miss na miss ko na siya. Sumisilip lang ako dito sa taas.

"Alyssa..." bulong ko.

Oh my, Gosh! Lumingon siya. Agad akong pumasok sa kwarto. Nakita niya kaya ako? Sana hindi. Masyado bang malakas yung pagkakasabi ko?

Inayos ko na lang yung mga dadalhin kong gamit. Magbabakasyon muna ako. 1 week lang naman. Request din 'to ni Mama. Para huwag muna ako mag-isip masyado. Magpahinga muna ako. Pupunta muna ako sa tahimik na lugar. Tsaka itutuloy ko na rin yung ginagawa namin ni Dad. Medical mission. Atleast, nakakatulong pa rin ako.

*Knock-knock*

"Anak, ako na 'to. Umuwi na si Alyssa."

Binuksan ko na yung pinto para papasukin si Mama. Niyakap ko siya.

"Thank you, Ma."

"Walang anuman, Anak." sabi ni Mama. "Ano? Ready ka na ba?"

"Opo. Aalis na lang ako bukas." sagot ko.

"Alam mo? Na-kwento rin sakin ni Alyssa na magbabakasyon siyang isang linggo." sabi ni Mama.

Napatigil naman ako sa ginagawa ko at nilingon siya.

"Saan daw po?" tanong ko.

"Hindi ko alam eh. Hindi niya sinabi." Tumango na lang ako. "Sigurado ka ba, Anak na hindi mo ipapaalam sakanila? Kahit man lang kay Ella?"

"Ayoko muna, Ma. Madami na naman na tanong yun." sagot ko.

"Alam mong alam ni Ella lahat. Kaibigan mo 'yun bata pa lang kayo."

"Opo, Ma. Ayoko munang ipaalam na nandito ako. Mabuti nang kaunti lang ang nakakaalam."

"Sige. Baba muna ako, Anak hah. Puntahan mo na si Kyle. Gigising na 'yun." sabi ni Mama at hinalikan ako sa noo.

Until My Last Breath | AlyDenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon