Chapter 47

5.4K 138 17
                                    



Umaga pa lang, nakatanggap si Alyssa ng message galing kay Dennise.

From: Dennise
"Hope you made the right choice."

Kagabi niya pa ito tinatawagan at tini-text ngunit hindi man lang ito sumasagot. Sa dami ng kanyang text at tawag, ito lamang ang natanggap niya galing dito.

Halos hindi na natulog si Alyssa. Kakaiyak at kakaisip kay Dennise. Hindi halos alam ni Alyssa ang gagawin. Gusto man niyang pumunta kay Dennise ngunit baka hindi lang siya papasukin at hindi siya kausapin.

To: Dennise
"Dennise, let's talk please. Just please let me explain."

"Alyssa!" galit na tawag ni Gretchen kay Alyssa at kinwelyuhan.

Inangat naman ni Alyssa ang tingin. Agad nakita ang mga mugtong mata nito ng mga kaibigan.

"Alam mo bang pinag-alala mo kami?! Hah! Alyssa, sana nagsabi ka man lang ng hindi kami nag-alala ng ganito!" sigaw ni Gretchen kay Alyssa.

"Pre, chill lang. Tama na." pigil ni Kim.

"Alam namin 'yang pinagdadaanan mo, Alyssa pero alalahanin mong may mga kaibigan ka!!"

Sobrang galit ang naramdaman ni Gretchen dahil nag-alala silang lahat kay Alyssa dahil buong gabi itong hindi umuwi. Wala man lang na text o kung ano pang pasabi. Inumaga na siya sa bar pero hindi siya uminom ng grabe. Nasa matino pa rin siya ng pag-iisip.

"Paano kung may nangyari sa'yo?! Hah?!"

"Tol, tama na. Mag-usap tayo ng maayos." sabi ni Vic na hinihila si Gretchen. Sumunod naman na ito.

Yumuko na lamang si Alyssa. Ayaw niyang makita ng mga kaibigan niyang ganun ang itsura niya.

"Alyssa, tama si Gretchen. Sinabi ko man lang sana kung nasan ka para hindi kami nag-alala." sabi ni Marge.

"Baka kung ano na nangyari sa'yo." sabi ni Yeye.

"Sana nga nawala na lang ako." sabi ni Alyssa.

"Ly, huwag kang ganyan." sabi ni Yeye.

"Sa tingin mo ba, gugustuhin 'yan ni Dennise? Sa tingin mo ba, 'yan ang solusyon sa problema mo?" -Kim

"Oo. Dahil mahal ko si Dennise. Alam kong mahal niya rin ako. Walang silbi 'tong buhay ko kung wala siya sa tabi ko." sabi ni Alyssa. "Ayokong mawala siya."

"Alyssa, hindi lang si Dennise nagmamahal sa'yo. Nandito rin kaming mga kaibigan mo." sabi ni Gretchen.

"Tama si Gretch, Alyssa. Palipasin mo muna 'to. Kung okay na siya, saka mo na kausapin." sabi ni Vic.

"Hindi niyo ako naiintindihan." sabi ni Alyssa.

"Naiintindihan ka naman namin, Ly." sabi ni Marge.

"Hindi! May sakit si Dennise! Alam niyo ba 'yun? Hindi siya pwedeng makaramdam ng sobrang lungkot. Pero yun ang nararamdaman niya ngayon! At nang dahil sakin 'yun!" muli na namang tumulo luha ni Alyssa.

Hindi na nakapagsalita ang magkakaibigan dahil sa pagkabigla. Hindi nila 'to in-expect. Ang alam lang nila, nasasaktan si Aly. Nahihirapan siya dahil ayaw siya kausapin at pakinggan ni Den. Pero may mas malalim pa palang dahilan.

"I don't want to lose her. I don't want to lose her literally. Maybe if I could choose her over our company. Dude, I want to be with her. Pero how can I do that kung natatali na ako sa isang kasunduang hindi ko ginusto?" sabi ni Alyssa na patuloy pa rin sa pag-iyak.

"M-May sakit s-si D-Dennise?" -Vic

"A-Anong sakit niya, Ly?" -Gretch

"I don't know. Basta sabi ni Tita, once na hindi niya inumin yung gamot niya, it could turn to a Stage 3/4 Cancer. Heart Cancer. Sabi ni Tita, hindi siya pwedeng malungkot masyado, pero... "

Until My Last Breath | AlyDenWhere stories live. Discover now