Chapter 5

9.8K 136 2
                                    

Alyssa's POV

"You shouldn't said that!" sermon sakin ni Sir Alex.

"What do you want me to do?! Manahimik na lang?! Umasa mga tao na kami pa hanggang ngayon?!" nakakainis na kasi eh. Di ko na 'to kaya. "Na magkakabalikan pa kami?! Ganon ba?! Hah?!"

"Yung sinabi mong special si Dennise sa'yo, it's enough, Alyssa!!"

"It's not enough!"

Hindi niya ako na-sermonan kahapon kasi nga may event. Tsaka kasama ko si Dennise.

"The management... They are setting you on an interview. Umayos ka, Alyssa. Kung ayaw mong masira 'to, kung ano mang meron ka ngayon." sabi niya.

Inexpect ko na 'to eh. I'm ready for this. Ilang taon din akong nanahimik at nag-focus lang sa modeling.

"And by the way, you're with Dennise."

"What?! Hindi--Hindi pwede 'to. Ayokong madamay si Dennise dito. Lalo na't nag-uumpisa pa lang siya."

Yes! She signed a contract to this company. 1-year contract daw muna. Nung una kasi ayaw niya. Pero pinilit ko siya. Sabi ko kahit 1 year lang. Kahit hindi niya sabihin sakin, alam kong dream niya 'to. When I said that she's special to me, I really mean it.

"Yun ang gusto nila. Wala na akong magagawa dun. Sabihan mo na lang si Den. I-ready mo siya. Lalo na sa mga tanong na ibabato sainyo." sabi niya.

"Okay, Thanks. Kailan ba 'yun?"

"Baka next week." sagot niya.

Naging maganda naman yung 'date' namin ni Dennise kahapon. Walang magulo. Parang kami lang yung tao sa event na 'yun eh. May kumakausap man sakin, nagpapaalam agad ako kasi walang kausap si Dennise. Ang bastos naman yata kung ganun. Pinasama ko siya tapos iiwan ko lang siya. Hindi ganun. Kulitan lang kami buong party. Ang cute niya kapag inaasar siya. Haaay, Alyssa. Iba na 'yan.

"Saan ka dideretso ngayon?" tanong ni Sir Alex. Nagde-daydream pa ako eh.

"Baka sa bahay muna." sagot ko dito.

"Sa Batangas?" tanong niya ulit.

"Yah."

"Okay. Babalik ka lang ba agad? O di ka papasok bukas?" tanong niya.

"Di ko alam."

Den's POV

Ang saya ko simula pa kahapon. Si Alyssa kasi eh. Ang saya niya kasama. Kaso paggising ko kanina wala siya sa higaan niya. Umalis daw agad sabi ni Marge. Hindi ko naman hinanap sakanya eh. Parang baliw.

"Oh, Besh? Kagabi lang ang blooming mo pati kaninang paggising mo. Tapos ngayon halos hindi na maipinta yang mukha mo." sabi ni Ella. Tinarayan ko lang siya. "Meron ka ba?"

"O my gosh, Besh! Wala kaya. Ano ba?" kung ano-ano kasi sinasabi.

"Eh bakit ba?" pangungulit niya.

"Eh kasi nga wala pa si Alyssa." tiningnan ko yung nagsalita. Si Bea T. pala.

"Hindi ah!" sabi ko dito.

Until My Last Breath | AlyDenWhere stories live. Discover now