Chapter 19

6.4K 132 3
                                    

Alyssa's POV

Inuwi ko na si Dennise. Baka kung ano pang mangyari dun. Pinagpahinga ko muna siya.

"Ano bang nangyare, Ly?" tanong ni Marge.

"Ewan. Bigla na lang sumakit ulo niya. Nag-panic na rin ako kasi bigla-bigla na lang ganun." sagot ko. Nag-aalala pa rin ako sakanya. Sinamahan muna siya ni Ella sa kwarto namin. Nandito pa kaming anim sa bar namin dito sa resort.

"Ano bang ginawa mo?" tanong ni Kim

"Tumugtog lang ako ng piano. Na-miss ko na rin yun ah. Matagal na simula nung huli akong tumugtog nun. Bata pa ako noon 'no."

Flashback

I'm playing piano ng may dumating na isang batang babae. Nandito ako sa bahay ng Lola ko. May piano kasi dito. I like playing piano.

"Wow. Ang galing mo naman." sabi niya. She's beautiful.

"Thank you." sabi ko sakanya. "You're beautiful."

"Thanks. I was outside then I heard someone's playing piano. I followed it then I saw you." sabi niya. "I feel like I was in heaven. You're really good at it."

"Really? Thanks." sabi ko sakanya. She's so cute while saying those words. "I'll play piano for you."

Tumugtog na ako. Then, after a few minutes, someone called her.

"I gotta go. Bye."

"Wait." I tried to stop her to ask what's her name. But I think I was too late.

-EOF

Hahaha. Pati pala nung bata ako attracted na ako sa babae. Haha.

Pero sino kaya yung batang 'yun. Sana makita ko pa siya. After that, hindi ko na siya nakita pa. Parang feeling ko nae-excite ako kapag naaalala ko siya.

"Hoy! Nginingiti mo diyan? Para kang asong ulol." sabi ni Gretch.

"Siraulo!"

"May amats na eh." sabi ni Vic.

"Ewan ko sainyo."

"Pero seryoso. May gusto ka kay Den?" tanong ni Vic. Tiningnan ko siya na parang nagtatanong kung anong pinagsasabi niya. "Sagutin mo na lang."

"W-Wala..." sabi ko. Ngumiti naman siyang tagumpay. "yata."

"Psh. Siguraduhin mo na, Ly. May Rad ka naman na eh. Akin naman si Dennise. Nasungkit mo na lahat ng magaganda." sabi niiya.

Yung iba nakikinig na lang samin.

"Oo na. Wala naman siguro. Kaibigan lang yata 'to. Siyempre palagi kaming magkasama sa dorm. Ganun lang yun."

"Yes." nabuhayan naman siya sa sinabi ko. Loko 'to. "Hoy! Victonara! Kilala kita. Huwag si Dennise hah."

"Hindi 'no. Alam mo, Ly? Iba si Den sa ibang babae dyan. Parang special ang dating ni Den sakin." sabi niya. Yes. Totoo 'yun. Parang may iba kay Dennise. She's more than special.

"I know." sabi ko at uminom ng vodka.

"Pwede ko ba siyang ligawan?" nabilaukan naman ako sa sinabi niya. Hinagod naman ni Yeye ang likod ko. "Ayos ka lang, Ly?"

"U-Uhm. Yes. Medyo may sumabit lang sa lalamunan ko." palusot ko.

"Dahan-dahan kasi." sabi naman ni Kim.

"So ano nga? Pwede ba?"

"B-Bakit ako tinatanong mo? T-Tanongin mo si Dennise."

"Kailangan ko paring magpaalam sa'yo. Kasi parang gusto mo si Den, 'Tol. Ayoko naman na may sulutan. Kaibigan kita. Ayaw kitang agawan kaya nagpapaalam na ako sa'yo."

Until My Last Breath | AlyDenDove le storie prendono vita. Scoprilo ora